Kabanata 4

1.6K 67 9
                                    

Kabanata 4


TAHIMIK na binabasa ni Jelle ang mga impormasyon na ibinigay sa kanya ni Arianne. Miyembro si Arianne ng university paper ng SVU at papasa na rin ng investigator dahil sa galing nito sa pangangalap ng tsismis. Magaling ito sa pagre-research sa kung anu-anong bagay o sinu-sinong tao.

Noong araw na nalaman niya ang tungkol sa pagkakaroon ng nobya ni Guji ay nilapitan niya kaagad si Arianne. And after two days, nasa kamay na niya ang papel na naglalaman ng mga bagay-bagay tungkol sa girlfriend ni Guji.

Hindi niya mapigilan ang mapabuntong-hininga. Nandito siya ngayon sa classroom at dito niya napagpasyahan na basahin ang research tungkol kay Jill, ang girlfriend ni Guji.

Hindi nga niya mapigilan ang ma-insecure kay Jill dahil na rin sa mga nabasa niya patungkol dito. Parang kung ikukumpara niya ang mga na-achieve niya sa mga na-achieve nito ay walang-wala siya. Oo, may utak naman si Jelle pero tila ba naging bobo siya kung ikukumpara niya ang sarili kay Jill. Nakasaad sa report na valedictorian si Jill noong elementary at high school. And now, Jill was running for cum laude. Bukod sa matalino, maganda pa ang babae.

Eh, siya? Normal student lamang siya. Hindi naman siya bumabagsak sa mga klase niya pero hindi ganoon kataas ang mga grado niya para maging cum laude siya.

Mga ganitong babae ba ang nagugustuhan ni Guji? Iyong matalino at tila perpekto kagaya nito?

"Huwag kang mawalan ng pag-asa, Jelle! Ikaw ang perfect para kay Guji, ikaw lang!" kausap niya sa sarili bilang pampalakas ng loob. Tila kasi bigla siyang nanghina dahil sa mga nalaman.

"Ganyan ba ang epekto sa 'yo ni Guji, Jelle? Kinakausap mo na pati sarili mo?" anang isang tinig mula sa kanyang kaliwa.

Marahas na binalingan niya ang nagsalita na si Reus. Kahit hindi niya ito tingnan, tinig pa lamang nito ay kilalang-kilala na niya. Kahit marahil nakapikit siya ay makikilala't makikilala niya ang tinig nito. There was something about his voice that made it so easy for her to distinguish him from others. Though hindi niya alam kung ano iyon.

"Shut up, Jarreus. Leave me alone!" asik niya sa lalaki at tiningnan ito nang masama subalit alam niyang walang kadating-dating ang tingin niya dahil wala siya sa mood makipag-asaran sa isang ito. Ang gusto niyang gawin ay magmukmok at magnilay-nilay nang maaari niyang gawin sa ngayon.

"Is this about Guji and her girl?" he asked her.

Hindi niya alam kung nagkamali lamang siya ng dinig sa tinig nito subalit tila may pag-aalala siyang nahimig doon. Pero imahinasyon niya lamang iyon dahil nang tingnan niya ito ay puno na ng kalokohan ang mukha nito. Bakit ba niya naisip na mag-aalala ito para sa kanya? Eh, wala naman alam gawin ang isang ito kundi sirain ang araw niya at asarin siya?

"Wala kang pakialam, okay?" angil ni Jelle rito.

Hinarap nito ang isang silya sa kanya at umupo roon. Akmang ibubuka nito ang bibig nang mapatingin ito sa papel na hawak niya. Bago pa niya iyon mailayo ay naagaw na nito iyon sa kanya. Seryoso ang mukha nito subalit mayamaya'y isang nakakalokong ngiti ang lumabas sa mga labi nito.

"Pinaimbestigahan mo ang girlfriend ni Guji? And now you're hurt because of what you've found out? Hmm?"

Yumuko si Jelle upang itago ang pamumuo ng mga luha. She didn't know why tears were now forming on her eyes. Kanina naman na habang mag-isa niyang binabasa ang mga bagay tungkol kina Guji at Jill ay hindi siya naiiyak, pero bakit ngayon, ganito ang nangyayari sa kanya?

Gamit ang natitirang will power ay pinigilan niya ang pagpatak ng mga luha niya. She could still do something for her and Guji's love story so she should not cry. It wasn't the end of the world yet. She wasn't defeated yet.

"Jelle?"

Lumipad papunta kay Reus ang paningin niya nang marinig ang tinig nito. Gone was the playfulness in his voice. She was shocked when she heard Reus' soft and caring voice. Ngayon lamang niya narinig ang tinig nito na may ganoong emosyon na nakapaloob.

Hindi nga niya alam kung saan nanggaling ang tila mainit na kamay na humaplos sa puso niya nang dahil lamang sa pag-aalalang narinig niya sa tinig nito. At mas lalong hindi niya alam kung bakit biglang tumibok nang malakas ang puso niya nang makita ang pag-aalala at pagtataka sa mga mata nito.

Anong nangyayari sa kanya? May sakit ba siya sa puso?

"Iwan mo na ako, Reus. Wala ako sa mood na makipag-asaran sa 'yo," aniya sa mahinang tinig. Hindi niya gustong makita siya nito sa ganitong sitwasyon, iyong hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.

Tinitigan siya nito nang diretso sa mga mata at nakaramdam na naman siya ng bahagyang pagkailang. Iniwas na niya ang paningin dito subalit agad na lumipad muli ang tingin niya rito nang maramdaman ang daliri nito sa ilalim ng kanyang mga mata. He was gently touching that part of her face as if he has the right to do that.

"Guji is happy with his girlfriend, Jelle. Don't you think it's time for you to move on already?"

"I can't, okay? Hindi gano'n kadali iyon, Reus. Sa palagay mo ba gano'n kadaling kalimutan ang lahat? Kung ganoon lang sana kadali, eh, di sana ginawa ko na! I loved Guji for almost five years, Reus. Hindi ganoon kadaling kalimutan iyon," mahinang saad niya.

Naramdaman niya ang pagpulupot ng magkabilang braso ni Reus sa katawan niya. He pulled her against his chest while as he enclosed her into his warm embrace. Dapat ay makaramdam siya ng pagkailang subalit bakit tila kuntento siya sa loob ng mga bisig nito? Bakit parang may mainit na bagay siyang naramdaman sa puso niya dahil sa ginawang ito ni Reus?

"I know it's not easy, Jelle," ani Reus sa tinig na puno ng lambing, pagsuyo at iba pang emosyon na hindi niya mailarawan.

Hindi niya namalayan na nagpatakan na ang kanina pa niyang pinipigilan na mga luha. She didn't care anymore if she was crying in front of her most hated man. Hindi na niya mapigilan pa ang emosyon niya. She wanted to let it out and then think of a better solution to make everything alright once again.

"Tahan na sa pag-iyak, Jelle. Baka malunod na ako rito. Sayang naman ang kaguwapuhan ko," pag-aalo ni Reus sa kanya. Though he was joking, the concern in his voice was palpable.

Hindi niya mapigilang hindi mapangiti sa kabila ng pag-iyak niya. Hindi niya alam na may ganito pa lang side si Reus sa katawan nito, the side of him than could comfort someone just by being himself. Sa kabila pala ng pagiging palabiro nito ay kaya rin nitong magseryoso kahit papaano.

Naguluhan tuloy siya. Hindi niya alam kung sino ba talaga ang tunay na Reus. Ang Reus na wala nang ginawa kundi sirain ang araw niya at asarin siya? O ang Reus na nag-comfort sa kanya sa mga oras na ito?

"Kaguwapuhan? Saang banda?" sagot ni Jelle saka kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya ni Reus. Pinunasan niya ang luha sa magkabila niyang pisngi at bahagyang nginitian ang lalaking kaharap.

"Sa lahat ng banda, hindi pa ba kita?" nakangising wika nito.

"Ewan ko sa 'yo, Reus! Ang yabang mo!"

"Okay ka na ba? Aba, dapat lang. Pagkatapos mong basain ang polo shirt ko at pagkatapos kitang yakapin, dapat lang na maging okay ka na," anito at pinandilatan pa siya. "Bakit kasi hindi na lang ako ang gustuhin mo? Libreng-libre ako, Jelle-y-beans."

Wow, ang hangin!

"Heh!"

Dumaan ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. For the first time, mukhang natahimik si Reus. Pero kilala niya ang isang ito, hindi ito ang klase ng tao na marunong matahimik. At tama siya. Dahil mayamaya'y nagsalita itong muli.

"Ano na ang plano mo, Jelle?"

Hindi kumibo si Jelle. Hindi rin niya kasi alam kung ano ang dapat niyang gawin. A part of her wanted to fight and make a move, the part of her that wanted to do something, the part of her that wanted to give this feeling a chance to be heard. But there was also a part of her that wanted to give up because just like what Reus had said, Guji is happy right now with Jill. That part of her wanted what was the best for Guji.

Even if the best for him was him being with Jill, not Jelle.

Your Love Is The Only Exception (Tennis Knights #4) (Published under PHR)Место, где живут истории. Откройте их для себя