Chapter 32: Ariana (Alexis Past)

0 0 0
                                    


THIRD PERSON POV

Natulala ang lahat ng makita nila ang ng taong kanina pa hinahanap ni Alexis. Ang katawan ni Ariana.

Hindi makapagsalita sa gulat si Alexis habang ang ibang mga bata ay hindi na makatingin ng maayos sa bangkay ni Ariana.

"T-t-this is all my fault....k-kung napigilan ko lang siya n-ng mas maaga e-edi sana h-h-hindi siya...."

Naramdaman ni Alexis ang pagdaloy ng luha sa kanyang mukha at dun niya lang namalayan na umiiyak na siya. Sa kabilang banda ay nakatingin si Hansel sa gawi ni Alexis at wari ay may iniisip na malalim.

"Hindi...hindi yun kayang gawin ni Alexis...kilala ko si Alexis. Hindi niya m-m-masasaktan si Ariana...diba?"

Pinipilit ni Hansel na kumbinsihin ang sarili dahil alam niyang mabuting tao si Alexis at kailanman ay hinding-hindi magagawa ng batang babae ang kanyang hinala.

Alam ni Hansel ang balak na pagtakas ni Ariana at alam din niyang niyaya ni Ariana si Alexis. Kaso hindi niya ito ipinaalam sa ibang mga bata dahil na rin sa narinig niyang dahilan ni Alexis. Kaya hindi niya hinayaan na may madamay sa pinaplano ni Ariana. Kaso sa nangyari kay Ariana ay hindi maiwasan na maghinala si Hansel sa pagkatao ni Alexis.

"Kailan man hindi ko nalaman ang buhay ni Alexis at ang pagkatao niya."

Yan ang kanyang mga nasa isip habang nakatingin sa umiiyak na si Alexis.

"Ngunit....k-k-kaibigan ko siya...naiintindihan niya ako at kailanman hindi niya ako hinusgahan. Kaya bakit ko siya huhusgahan sa bagay na wala namang kasiguraduhan."

Pumikit ng mariin si Hansel at tumingin muli sa bangkay ni Ariana.

ALEXIS POV

Unti-unti akong kinakain ng konsensya habang nakatingin pa rin sa bangkay ni Ariana. Alam ko na kasalanan ko toh kasi hinayaan ko lang siyang gawin ang plano niya at hindi ko man lang siya napatigil.

"Ang hina ko....hindi ako totoong kaibigan para kay Ariana."

Nangangatog ang mga kamay ko at bumibilis ang kabog ng dibdib ko. Pinagpapawisan ako at hindi ako mapakali sa pwesto ko.

"Ariana....b-bakit....bakit mo toh ginawa?"

ARIANA POV

(Before the kidnapping)

Mabilis akong tumakbo habang naririnig ko ang sigaw ng mga manunuhol na yun.

"Bwiset kang bata ka! Bumalik ka ditong hayup ka!!!"

"Tanginang bata!!! Ibalik mo sa amin yung pera namin!!"

Sigaw nila kaya tumigil ako sa pagtakbo at nilingon ko sila.

"Ang kapal niyo!!! Pera ko toh at kailanman ang pinaghirapan kong pera ay hindi magiging sanyo!!" Tinalikuram ko muli sila at tumakbo ng mabilis.

Narinig ko pa ang mga sigaw nila kaso nung lumiko ako ay nawala na ito. Nanatili muna ako ng ilang segundo bago sumilip sa daan na pinanggalingan ko.

"Mukhang hindi na nila ako hinahabol....buti naman."

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at naglakad pauwi sa aming munting tahanan.

"Andyan ka na pala ate." Masayang bati ng kapatid ko ng makita niya akong pumasok sa bahay namin.

"Musta ka naman? Naging good boy ka ba habang wala si Ate?" Sabi ko at ibinaba ko ang mga sampaguita na hawak ko pagkatapos ay hinalikan ko ang noo niya.

"Opo Ate naging good boy ako atsaka naglinis din ako ng bahay." Proud niyang sabi.

Ginulo ko ang buhok niya at tinanggal ko ang sumbrero ko.

"Bakit ka pa naglinis? Alam mo naman na nakakasama yun sa kalusugan mo diba?" Sabi ko at tumingin sa buong paligid. "Nasaan si Nanay at Tatay?" Dagdag kong tanong.

Ngumiti siya ng malungkot bago tumingin sa malayo.

"Si Nanay umalis siya kasi may date daw siya at si tatay *cough* *cough* n-n-nagtotong-its kasama ang mga *cough* *cough* k-kaibigan niya." Natigilan ako sa sinabi niya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at pinuntahan ko ang bagay na itinago ko ng napakatagal na panahon para sa pambayad ng gamot ng kapatid ko.

"H-hindi...hindi." Sabi ko at paulit-ulit na umiling habang nakita ko ang alkansya kong wala na ni katiting na piso sa loob.

Naramdaman ko ang pag-agos ng luha ko at hindi ko maiwasan na mapahagulgol dahil sa iyon na lang ang tanging meron ako para panggamot sa kapatid ko.

"A-ate huwag ka nang umiyak." Pagpapatahan sa akin ng kapatid ko at gumapang siya palapit sa akin.

"P-pero y-y-yung *sniff* pera." Naiiyak kong sabi.

Ngumiti ang kapatid ko at hinimas niya ang likod ko bago magsalita.

"O-okey lang ate *cough* *cough* k-k-kahit na hindi ko na kailangan ng *cough* *cough* g-g-g-gamot...m-malakas *cough* a-ako." Sabi niya at ngumiti siya ng pilit.

"P-pero..." Hinawakan ng kapatid ko ang kamay ko bago ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Okey lang ako ate *cough* m-m-mas kailangan ni Tatay y-yung pera." Nakaramdama ako ng inis ng sabihin niya iyon.

"S-si Tatay?" Natigilan ang kapatid ko ng sabihin ko ang mga katagang yun. "Si Tatay ang kumuha ng pera?!"

Namutla agad ang mukha ni Ares ng sabihin ko ang mga katagang yun.

"Nakakainis!! Bakit niya kinuha yung pera?! Alam naman niyang panggamot mo yun....diba?" Sabi ko at naramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko dahil sa tindi ng inis na nararamdaman ko.

"A-*cough* A-alam ko naman po yun a-ate *cough* *cough* p-pakiusap....h-huwag ka na m-m-magalit kay Tatay." Sabi ni Ares.

"T-tumigil na kayo!! Huwag niyo na po kunin pera ni Ate." Narinig ko iyon ng malapit na ako sa bahay namin.

Papauwi na ako galing sa pagtra-trabaho kaso narinig ko ang boses ni Ares.

Mabilis akong tumakbo papunta sa bahay at pagkapasok ko. Tumambad sa akin ang nakadapa kong kapatid na nakakapit sa paa ni Tatay at si Tatay na hawak ang alkansya ko.

"Pesteng bata ka!! Wala akong pake kung pera man toh ng kung sino!!!! Basta kung nakalagay ito sa pamamahay ko! Akin na din yun!!" Galit na sigaw ni Tatay na halatamg lasing at sinipa niya si Ares.

"Ares!" Sigaw kong sabi at lumapit sa kapatid ko bago ko tignan ng masama si Tatay.

Dahil sa pangyayaring yun.....nabahiran ng dugo ang mga palad ko.

"A-ate." Mahinang sabi ni Ares.

Habang ako ay nakatulala sa bangkay ni Tatay.

"Tama ba ang ginawa ko? Na patayin si Tatay para hindi niya na saktan si Ares? Hindi ko alam.....h-hindi ko alam."

"A-Ares.........h-h-h-hindi *sob* ko s-s -sinasadya."

Pagsabi ko ng mga katagang yun umiyak si Ares at gumapang siya palapit sa akin. Niyakap niya ako ng napakahigpit at paulit-ulit niyang sinabi na alam niyang aksidente lang ang nangyari.

At nung mga oras na yun hindi ko namalayan na yun na pala ang huling beses na mayayakap ako ng kapatid ko.

____________________________________

Inside In Her MaskWhere stories live. Discover now