CHAPTER 12: Building Up (Alexis Past)

3 1 0
                                    

(092218 14:45 Somewhere in Laguna)
THIRD PERSON POV

Matapos makilala ni Alexis si Carlo ay dali-dali syang umalis sapagkat pinapatawag na sila ni Kate.

"I will gonna teach you to know how you balance you're body! Why? Because balancing is the one of the most important thing for being an assassin" Panimula ni Kate habang naglalakad pabalik-balik sa harapan ng mga bata.

"Do you understand?!"

"Yes Ate Kate."
Sabay-sabay na sabi nila Alexis.

"Si Fade Ang magde-demonstrait kung paano nyo gagawin ang balancing."

"Bakit ako?"

"Because you're good at balancing."

"Tss. Fine."

Padabog na pumunta sa harapan ng mga bata si Fade.

"Watch carefully kiddos if you can't get my demo then that's your fault, not mine."

Napabuntong hininga si Fade bago tumakbo ng mabilis at nang makalapit na puno ay tumalon sya hanggang sa makalanding sya sa sanga. Pagkalanding nya ay tumalon muli sya sa isa pang sanga.

"Wow."
Manghang sabi ni Ayala.

"Hindi ko yan kaya." Mahinang bulong ni Hansel sa kanyang sarili.

Pagkatapos magdemonstrate si Fade ay tiningnan nya ng mariin ang mga bata.

"Magpractice kayo at sasabihin namin ang lack nyo o kaya sasabihin namin ang mali nyo." Napatango ang mga bata kahit na may bahid ng kaba.

Nagsimulang tumakbo si John at sinubukan nyang umakyat sa puno na nagawa nya naman pagkatapos ay tumalon sya sa sanga ngunit muntik na syang malaglag. Napasinghap ang mga batang nandoon kasama na dun ay si Alexis.

"Oh, ano pa ang tinatanga nyo? Kilos na." Malamig na sabi ni Tress at kanyang ikinasa ang baril kaya nagsisubok na rin ang ibang mga bata.

Sinubukang umakyat ni Alexis ngunit hirap sya sa pag-akyat dahil na rin sa takot syang mahulog at pagiging negatibo.

Parati na si Alexis, Ayala at Hansel ang napapagalitan ni Fade hanggang mapansin ni Alexis na kulang ang instructor nila.

"Asaan kaya si Ate Kate?" Wala sa sariling usal ni Alexis.

"Don't mind that bitch. Alam mo ba na nahihirapan na tayo dito ngunit yang babaeng yan pa ang inaalala mo." Inis na sabi ni Ayala at sinubukan nya ng muling umakyat ngunit bigo sya.

Sinubukan muli ni Alexis ang pag-akyat sa puno ngunit nasusugatan sya o di naman ay nadudulas sya. Napansin ni Alexis si Hansel na nakatayo na sa sanga ng puno na inaakyatan nila. Sinubukan ni Hansel ang tumalon ngunit napapakapit sya sa puno.

"Ayoko na!!!! Takot ako sa mataas huhuhu." Sigaw ni Hansel.

"Napakaduwag! Paano ka pa mabubuhay kung ganyan ka kaduwag?!!!" Inis na sabi ni Fade at ibinababa nya si Hansel.

"Ikaw na muna bahala dito Tress." Tumango si Tress bilang tugon sa sinabi ni Fade.

"Continue the training." Seryosong sabi ni Tress at humiga sya sa isang puno.

Napabuntong hininga si Alexis at nag-isip sya ng paraan kung paano sya makaka-akyat. Napansin nya si John na nagagawang tumalon sa mga sanga at si Ariana ay nakakapag balance na.

'Magagawa ko kaya yan. Pakiramdam ko hindi.'

Turan ni Alexis at napabuntong hininga.

Sinipat ni Alexis ang puno bago sumubok. Naghanap sya ng pwedeng pantapak sa katawan ng puno.

"Ugh!! I am not a monkey po. Kaya please could we stop this?"
Inis na sabi ni Ayala kay Tress na nakahiga sa damuhan.

"Shut up little missy at baka mabaril kita dyan." Napaatras si Ayala sa sinabi ni Tress.

"He is a jerk." Inis na komento ni Ayala.

Nanatiling nakatayo si Hansel sa ilalim ng puno habang pinagmamasadan nya si John na patuloy pa rin sa pagbalanse.

'Magagawa ko kaya yan? Impossible sa laki kong toh, baka hindi pa kayanin ng sanga ang bigat ko.'

Napabuntong hininga sya at napatingin sa katabi nya.

'Mabuti pa siya kahit na hindi sya marunong umakyat ay may kumpiyansya sya.'

Dagdag na sabi ni Hansel sa kanyang isipan habang nakatingin kay Alexis na seryosong pinagmamasdan ang puno.

"Stop." Napatingin ang lahat sa nag-salita na walang iba kundi si Kate.

"That's all for today training. Dismissed." Malamig na saad ni Kate kaya umalis na sila Alexis.

"Sa wakas tapos na ang training na walang kwenta." Masayang turan ni Ayala at nag-inat sya.

"Pasalamat ka bata at may pinapagawa si Master kaya hindi muna kita papatulan.' Napabuntong hininga si Kate dahil sa inis kay Ayala bago nya iniharap ang dalawang lalaki.

"May pinapagawa sa a tin si Master kaya Tara na." Tumango ang dalawang lalaki at sila ay umalis sa Lugar.

ALEXIS POV

Napabuntong hininga ako bago sumalampak sa lupa.

"Sigh nakakapagod." Sabi ni Ariana at umupo sya sa tabi ko.

"Ayos ka lang?" Nagulat ako ng nilingon ako ni Ariana.

"Ah!! Oo ayos lang ako." Umiwas agad ako ng tingin sa kanya.

"Tss hindi naman related sa pagiging assassin ang pinapagawa nila sa atin." Napalingon ako kay John ng sabihin nya ang katagang iyon kaya lumapit sa kanya si Ayala.

"Paano mo naman nalaman?" Mataray na sabi ni Ayala kaya napangiwi si John.

"Kasi fan ako sa mga assassin kaya sigurado ako na hindi ito related."

"Baka naman ay ang pinag-aralan natin ay sa pagiging ninja."
Napalingon ang lahat kay Hansel na nakahawak sa kanyang baba na wari nag-iisip.

"K-kasi ang pangalan ni Father ay may pagka japanese. Hindi nyo ba napansin?" Napailing kaming lahat bilang sagot sa tanong ni Hansel.

"Ay! Pasensya na naalala ko pala na home schooling ako at kasama sa pinag-aaralan ko ay Japanese." Naintindihan ko na kung bakit hindi ko naintindihan nung una.

"I don't get it. How could that possible? A assassin to ninja and vice versa? What the! Are they insane?" Inis na bulyaw ni Ayala kaya napangiwi kami.

"Don't know." Sagot ni John at nag kibit-balikat.

"They are insane." Mahinang bulomg ni Ayala.

"M-may tanong lang ako n-na hindi ko m-masagot." Napatingin sila sa akin kaya napayuko ako.

"B-bakit nila tayo tini-training? Ano ba ang saysay ng pagdukot nila sa atin? Ano ba ang kailangan nila sa atin bukod sa pera?" Naiiyak kong sabi at mahigpit kong hinawakan ang kamay kong nangangatog hindi sa kaba kundi sa takot. Takot na malaman ang lahat ng sagot sa katanungan ko.

"H-hindi ko alam w-wala kaming ideya." Mahinang sabi ni Ariana at hindi nakaligtas sa akin ang kanyang mahinang pag hikbi.

'Ano ba ang sikreto ng mundong napasukan namin? Sana malaman namin ang sagot sa lalong madaling panahon.'

______________________________________

Next chapter has been update!!!!

If their was a wrong grammar please let me know.

Enjoy reading!!!!!

Inside In Her MaskWhere stories live. Discover now