Chapter 6: Alexis Past (Continuation)

3 1 0
                                    

Nakahinga ako ng maluwag na nakailag ako sa paghampas nya ng baseball bat, ngunit kahit ganoon hindi dapat ako mapanatag dahil anytime pwede nya ulit gawin iyon.

"Huwag kang umilag.....bata, hindi kita matamaan nyan eh, sige ka......hindi ko magugustuhan na hindi ka tamaan....hahahaha!!" Tawa nya at para syang nakadroga dahil namumula ang mga mata nya kaya nagmumukha syang adik.

"P-please....tama na po *sob*" Naiiyak kong saad habang nanginginig na nakatingin sa kanya.

"Mamatay kang hayop ka!!" Galit na saad ng lalaki at hinampas nyang muli ang baseball bat mabuti na lang at nakailag ako.

Nagkalat ang mga bakal na naksalansan sa gilid kaya napasimangot yung lalaki.

"Ano ba yan......aayusin ko na naman yan.......well okey lang yan basta mapatay lang kita...Hahahaha!!" Nababaliw nyang saad kayananginig lalo ako sa takot.

Nababaliw nyang saad...pumunta ako sa kumpol ng bakal at kumuha ng isang matalas na bakal at sinaksak ko ang bakal at sinaksak ko ito sa kanya. Dahil ata sa matinding takot at gulat ay huli ko na narealize na nakapatay uli ako.

"H-Hindi!!" Nababaliw kong saafld at napaupo sa lapag habang walang tigil ang pagiyak.

THIRD PERSON POV

Hindi pa rin makapaniwala ang batang Alexis sa ginawa nya......hindi isang ordinaryong bagay sa isang bata ang mga pangyayaring iyon at maaring na matrauma sya sa nangyari. Napatigil sa pag-iyak ang batang Alexis at bumuntong hininga.

"Aksidente lang iyon........Oo aksidente lang iyon. H-hindi ko naman kasalanang pumatay eh....aksidente lang iyon."

Pagkukumbinsi ni Alexis sa kanyang isipan upang mapaniwala ang sarili na wala syang kasalanan.

Tumayo sya at matamlay na naglakad, dahil sa matinding pagod ay hindi nya na napansin ang isang lalaki na nasa likuran nya na leader ng mga lalaking humabol sa kanya at pumatay sa lalaking nerd.

"Mamamatay kang hayop ka!!" Galit na sabi ng lalaki sa kanyang isipan at itinaas nya ang kanyang kutsilyo upang saksakin ang bata.

Napatigil si Alexis sa paglakad ng may marinig syang daing ng kung sino man sa likuran nya kaya nanigas sya sa kanyang kinatatayuan.

"A-ano yun?" Kinakabahang saad ni Alexis sa kanyang isipan at nagdadalawang isip kung haharap ba sya o hindi.

Ang lalaki naman na napadaing dahil may taong sumaksak sa kanyang bunbunan, nahihilo ang lalaki at lalo pang bumaon ang saksak kaya narinig nya ang tunog ng pagkabasag ng bungo nya, kasabay nun ay ang pagdilim ng paningin nya.

Inside In Her MaskWhere stories live. Discover now