Chapter 18: Infatuation (Alexis Past)

3 0 0
                                    


(101518 11:54 Somewhere In Laguna)

One month had past na nakakulong sa lugar na ito. Sa loob ng isang buwan naging close na nila Ayala si Riyoka. Yes....nila....kasi hindi ko kailanman kinausap si Riyoka..every time na kakausapan niya ako ay umiiwas ako o kaya ay nawawala ang atensyon niya sa akin pag dumadating si Ayala. Kaya nakakaiwas ako sa kanya.

"Hello Ate Carla." Bati ko kay Ate...nakita ko na kung gaano manlaki ang mga mata ni Ate bago niya ako harapin.

"May problema ba?"

"W-wala." Napakunot ang noo ko dahil sa sagot niya.

"Halata naman ate na may problema ka eh." Sabi ko at nag-pout ako.

Natawa si Ate Carla sabay gulo sa buhok ko.

"Well......may nagugustuhan kasi ako eh." Nahihiya niyang sabi.

"Talaga?! Sino?" Excited kong sabi.

"S-si Riyoka." Natigilan ako ng sabihin niya iyon.

"Si Riyoka?" Paniniguro ko.

She slowly nod at napansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Congrats Ate!!!!" Masaya kong bati.

Bigla siyang nataranta at tinakpan niya bigla ang bibig ko.

"Ssh! Baka may makarinig....nakakahiya." Nahihiyang bulong ni Ate at tinakpan niya ang bibig ko.

"Hmmm...hmmmm hmmm"

Napabuntong si Ate Carla at tinanggal niya na ang kanyang palad sa bibig ko.

"Please lang Alexis......satin lang ito ha? Please....." Natawa ako ng magpuppy eyes si Ate Carla.

"Sure ate......bestfriend mo yata toh." Kinindatan ko siya sabay okey sign.

"Mabuti naman kung ganoon.......kung hindi mape-pektusan kita." Pagbanta ni Ate Carla.

Natawa ako dahil sa kanya......kahit kailan talaga....napapasaya ako ni Ate sa mga maliliit na bagay na nagiging dahilan ng pagpawi sa malungkot kong nararamdaman. Biglang sumagi sa isip ko sila Mommy and Daddy.

"Kamusta na kaya sila? Ayos lang ba sila? Naaalala pa rin ba nila ako? Hinahanap kaya nila ako?"

Sumagi rin sa isip ko ang kaisa-isa kong kaibigan sa labas....si Liz.

"Sana....maging masaya siya."

"Uyy Alexis....bakit lumungkot ka yata?" Napatingin ako kay Ate.

"Hindi kaya ate.....baka naman guni-guni mo lang yun." Ngumiti ako ng pilit sa kanya.

"Ngayon naman pilit na ngiti ibibigay mo sa akin? Sabihin mo nga kung ano ang gumugulo sa utak mo? Ha!" Inis na sabi ni Ate.

Nawala ang pekeng ngiting iginawad ko kay ate at naramdaman ko rin ang pamamasa ng mga mata ko pati na rin ang bigat sa dibdib ko.

"Na-nag-aalala kaya sila Mo-mommy sa a-akin.....?" Nahihirapan kong sabi.

Yumuko ako at mahigpit na hinawakan ang naninikip kong dibdib.

"Sure naman ako na mag-aalala sila sayo.....kaya huwag ka dapat sumuko. Okey?" Ngumiti si Ate Carla at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

Napabuntong hininga ako......sana ganun nga....sana nga totoo iyon.

"Mga bata! Tapos na ang inyong pag-papahinga." Tawag sa amin ni Ate Kate kaya nilingon ko si Ate Carla bago ngumiti.

Inside In Her MaskWhere stories live. Discover now