Chapter 24: Plan (Alexis Past)

0 0 0
                                    


(121318 Thursday Somewhe in Laguna)

ALEXIS POV

Nakaupo ako sa isang bato sa ilalim ng puno. Napayakap bigla ako sa sarili ko ng biglang nadama ko ang lamig ng simoy ng hangin.

"Malapit na magpasko......kamusta na kaya sila? Ayos lang kaya sila Mommy at Daddy?"

Mga tanong na bumabagabag sa akin simula ng malaman ko na december na.

"Alexis.....bakit ka nandito? Ang lamig-lamig kaya dito." Sabi ni Ariana at lumapit sa gawi ko.

"Wala lang nagpapahangin lang ako." Sabi ko at binigyan ko siya ng pilit na ngiti.

"Ganun ba." Sabi niya at lumapit siya sa akin.

Nagulat ako ng umupo siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaso pinili ko na lang na manahimik.

"May napamsin ka bang nagbago sa bawat isa sa atin.....Alexis?" Biglang tanong ni Ariana kaya napalingon ako sa kanya.

"A-anong ibig mong sabihin....Ariana?" Nalilito kong tanong.

"Na naging mas matured tayo sa lahat ng nangyari sa atin.....sa lahat ng hirap at sakit na nararamdaman natin. Alam mo.....may phobia ako sa dilim.....kaso nung napadpad ako sa lugar na toh...natalo ko ang sarili kong kinatatakutan.....pakiramdam ko nga na kaya ko nang lumaban, at protektahan ang pamilya ko. K-kaso *sob* h-hindi ko alam k-kung nandun pa ang *sob* k-kapatid ko s-sa bahay a-at *sob* naghihintay sa p-pagdating ko." Malungkot na salaysay ni Ariana.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya ang tangi ko lang nagawa ay ang mag stay sa tabi niya at icomfort siya sa abot ng aking makakaya.

"N-napansin...ko nga n-na kung sana n-na ganto na a-ako sa simula *sob* e-edi sana w-wala ako dito....k-kasama ko pa k-kapatid ko." Tinakpan ni Ariana ang kanyang mukha at dun humagulgol.

Wala sa sarili kong hinimas ang likuran niya upang damayan at pakalmahin siya sa pag-iyak. Makalipas ang ilang minuto ay kumalma na rin si Ariana.

"Kailangan nating tumakas dito." Bigla niyang sabi kaya nanlaki ang mga mata ko.

"A-ariana...siguro naman a-alam mo na napakadelikado yang iniisip mo diba?" Kinakabahan kong sabi.

"Oo pero malakas na ako....kaya ko nang lumaban at syempre para makasama ko na ang kapatid ko. Diba gusto mo na rin makasama ang parents mo? Ganun din ako, gusto ko na rin makasama ang kapatid ko." Tumayo bigla si Ariana at inilahad niya ang kanyang kamay sa akin.

"Sumama ka sa akin Alexis.....pag nagtulungan tayo sigurado na makaktakas tayo sa impyernong ito." Napatingin ako sa mukha ni Ariana at nakikita ko sa kanyang mga mata ang determinasyon na makaalis sa lugar na ito.

Napapikit ako at dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko upang abutin ang kanyang nakalahad na kamay kaso napatigil ako bago ko pa mahawakan ang kanyang kamay at napadilat.

"May problema ba Alexis?" Nagtatakang tanong ni Ariana.

Paulit-ulit akong umiling at binawi ko ang kamay ko.

"H-hindi....hindi tayo makakaalis dito Ariana. W-walang makakatakas sa i-impyernong lugar na ito." Nanghihina kong sabi.

"Ano ba pinagsasabi mo?!!!! Makakaalis tayo kung gusto nating makaalis!!! Kaya sana naman alam mo yan Alexis....alam ko na gusto mo nang makatakas dito kaya sumama ka na sa akin." Nakikiusap na sabi ni Ariana.

"P-peeo paano na sila? Paano na yung mga kasama natin? P-paano na sila Ate Carla at Carlo." Pahina ng pahina kong sabi kay Ariana at napayuko.

"Matutulungan natin sila kung makakalabas tayo dito......pag nakatakas tayo sa lugar na ito ay isusumbong agad natin sa pulis ang tungkol sa pagkakadukot sa atin..." Seryosong sabi ni Ariana.

Napaangat ang ulo ko at napakunot ang noo ko.

"Nahihibang ka na ba? Sa tingin mo ba na makakaya ng mga pulis tong sitwasyon natin? Alam mo naman ata kung aino ang kakalabanin natin Ariana." Inis kong sabi.

"Wala akong pakialam kung ano sila....wala rin akong pakialam kung sino ang kakalabanin ko." Galit na sabi ni Ariana.

"Ano? Sasama ka ba?" Seryoso niyang sabi.

"S-sensya na.........h-hindi ako sasama." Nahihiya kong sabi.

"Ano?!!! Naduduwag ka ba Alexis? Mawawalan ng saysay ang paghihirap natin ng ilang buwan dahil sa pagiging duwag mo!" Inis na sigaw ni Ariana.

"Oo duwag ako......duwag ako na iwan sila, duwag ako na kalabanin sila Ate Kate....duwag ako...kasi n-natatakot ako eh. Natatakot ako n-na iwan a-ang mga kaibigan ko." Pahina ng pahina kong sabi.

"Tsk......osige kung yan ang gusto mo Alexis........pero sana naman ay walang nakakaalam nito bukod sa ating dalawa." Inis na sabi ni Ariana at nag walk out siya.

Napabuntong hininga ako at tumayo then pumunta kung saan nakapwesto sila Ate Carla.

"Hello Ate." Masayang bati ko sa kanya na busy sa pakikipag laro kay Carlo.

"Hello Alexis!!! Sali ka sa amin." Masayang sabi ni Ate Carla kaya natawa ako.

"Osige....ano ba nilalaro nyo?" Takang tanong ko.

"Piko." Nakangiting sagot ni Carlo.

"Piko? Ano yun?" Curious kong tanong.

"Hindi mo alam ang piko?" Gulat na sabi ni Ate Carla kaya napatango ako.

"Haay.....iexplain ko sayo....blah blah blah blah." Hindi ko napakinggan si Ate ng makita ko sa likuran nila si Ariana na busy sa kung ano mang bagay.

"G-ganun ba....hahahha sige ate itry natin." Pag agree ko nung napansin ko na hindi na siya nagsasalita.

"O-okey? May problema ba Alexis?" Nag-aalalang sabi ni Ate kaya natawa ako.

"W-wala noh hahaha bakit mo naman natanong?" Natatawa kong sabi.

"Well...kasi napapnsin ko na hindi ka nakikinig sa akin."

"Ano kaba Ate nakikinig kaya ako......tara laro na tayo."

Inside In Her MaskWhere stories live. Discover now