Chapter 30: Guilt (Alexis Past)

1 0 0
                                    

Charlotte  is on the multimedia....

Guys.....enjoy reading!!!!

______________________________________

ALEXIS POV

Napamulat ng dahan-dahan ang mga mata ko at napapikit muli ng masilawan ako ng liwanag. Hinarang ko ang kamay ko sa aking mukha upang dumilat muli at doon ay naadjust na ang mga mata ko kaya binaba ko ang aking palad.

Napatingin ako sa buong paligid at napakunot ang noo ko.

"Asaan ako?" Dahan-dahan akong tumayo at naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko.

Napadaing ako at napahawak sa ulo ko. Pumikit ako ng mariin at dun nagsimula na maalala kung bakit nga ba ako nandito. Napadilat agad ang mga mata ko at tumingin muli sa buong paligid.

"A-ariana!!!! Asaan si Ariana?!"

Napatakbo agad si ako habang tumitingin pa rin sa buong paligid. Natatalisod ako sa mga bato at sanga na hindi ko napansin dahil sa busy ako sa paghahanap kay Ariana.

"Ariana!!! Nasaaan ka Ariana!!!" Sigaw ko at maririnig ang paghinga ko habang tumatakbo.

Lumipas ang minutong paghahanap kay Ariana ay hindi ko parin siya makita, napahinto ako sa pagtakbo at napahawak ako sa tuhod ko. Maririnig ang paghabol ko ng paghinga dahil sa tagal ng pagtakbo ko.

"Alexis?" Napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ko si Hansel na nakatayo di kalayuan sa gawi ko.

"H-hansel." Sabi ko.

Lumapit agad sa akin si Hansel at inilahad niya sa akin ang panyo niya.

"Nagjo-jogging ka rin pala Alexis. Ngayon ko lang napansin." Nakangiting sabi ni Hansel.

Kinuha ko ang panyo niya at pinunasan ko ang mukha ko na basang-basa sa pawis.

"Eto tubig...baka nauuhaw ka na." Alok ni Hansel kaya kinuha ko ang bote ng tubig mula sa kanya.

Nang matapos na ako makainom dun naman nagsalita si Hansel.

"Ang aga mo naman mag-jogging Alexis." Napatingin ako sa lup at naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko.

"N-nakita mo ba si Ariana?" Mahina kong sabi.

Hindi ko makita ang reaction ni Hansel dahil nakayuko pa rin ako.

"Nang banggitin mo si Ariana...bigla kong naalala na wala siya sa higaan niya..nagkasabay ba kayo sa pag-jogging at nagkahiwalay, kaya hinahanap mo siya sa akin?" Sabi ni Hansel.

Marahas akong napatingin sa kanya at umiling ng paulit-ulit.

"H-hindi....h-hindi." Nakita ko na nag-aalala ang itsura ni Hansel.

"Bakit Alexis may problem ba? May nangyari ba ng hindi ko alam?" Nag-aalalang sabi ni Hansel.

"S-si Ariana...kailangan natin hanapin si Ariana. B-baka h-hindi pa siya malayo...kailangan n-natin siguraduhin na a-ayos lang siya. H-hansel si A-ariana." Sabi ko at naramdaman ko ang pagluha ng mata ko.

"Kumalma ka nga Alexis....ayos lang si Ariana. Sure ako na nagjo-jogging yun di kalayuan sa atin." Sabi ni Hansel.

"H-hindi mo naiintindihan...h...hindi mo naiintindihan....hindi mo naiintindihan!!!! Delikado si Ariana!! At kailangan niya tayo!!" Hindi ko na naitago pa ang pagka-panick ko kaya nagulat si Hansel.

"Kumalka ka nga! Osige.....hahanapin na natin siya." Sabi ni Hansel.

Napatango ako at tumakbo papasok sa gitna ng gubat.

"Alexis!!!" Rinig kong sigaw ni Hansel.

Hindi ko iyon pinansin dahil alam ko naman na makakasunod siya sa akin.

_____

"Hanggang ngayon hindi pa natin nakikita si Ariana." Sabi ni Hansel at umupo siya sa isang bato.

"Kinakabahan ako....ayoko nitong pakiramdam na toh." Sabi ko at nagpabalik-balik ako ng lakad sa harapan ni Hansel.

"Tumigil ka nga Alexis....akong nahihilo sayo." Sabi ni Hansel kaya sumunod ako sa sinabi niya.

Umupo ako sa isang bato at nanaig ang katahimikan sa aming dalawa.

"Guyz....what are you doing here?" Napatingin kami kay Ayala na naglalakad palapit sa amin.

Napansin ko na malapit lang pala kami sa lugar ng mga assassin.

"Nakaupo...obvious ba?" Sabi ni Hansel kaya napa roll eyes si Ayala.

"Don't be a jerk Hansel. Btw I'm here because the bitch calling you."

"H-huh bitch?"

"Don't be soooo dumb Alexis...I know that you know who was I saying though." Maarting sabi ni Ayala habang may pakumpas pa ng kamay.

"Tara...guyz. Baka magalit na naman yung bitch na yun." Inis na sabi ni Ayala kaya sumunod kami sa kanya sa paglalakad.

Hindi ko alam kung bakit bitch ang tawag ni Ayala kay Ate Kate at hindi ko rin alam ang ibig sabihin ng word na yun.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay natanaw ko na sila At Kate na nakatayo di kalayuan sa amin at kasama niya na ang iba pang bata.

Napalingon sa gawi namin si Ate Kate at tiningnan niya kami ng masamang tingin kaya napayuko ako.

Nakalapit na rin kami sa kanila at nanatili pa rin akong nakayuko.

"Ehem!!" Napa-angat ang tingin ko kay Ate Kate. "Kiddos....pupunta tayo sa underground room para malaman nyo ang mga hahantungan ng mga pasaway na bata."

Pinagpawisan ako ng sabihin yun ni Ate Kate.

"Ariana....andun kaya siya? Sana naman hindi siya yung nandun."

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa lugar kung saan tinatawag na Underground Room.

"Ang lame nilang magpangalan ng lugar." Mahinang bulong ni Hansel kaya mahina ko siyang siniko.

"Huwag ka nga....baka marinig ka ni Ate Kate." Mahina kong bulong.

Nanahimik na lang si Hansel at napa peace sign. Napabuntong hininga ako at bumalik muli ang kabang nararamdaman ko.

Makalipas ang ilang likuan at pagbaba sa hagdan gamit ng secret door ay nakarating na rin kamj sa tinatawag na 'Underground room'.

"Ang creepy ng lugar." Comment ni Ayala ng makita namin ang loob ng 'Underground Room'

May mga surgery tools na nakalatag sa lamaesa at mga matatalas na kutsilyo. Sa gitna naman ng kwarto ay may table at may mga posas na nakakabit dun. Nakita ko rin di kalayuan ng higaan ang upuan na may mga kadena.

Nakaramdam ako ng kilabot ng makita ko ang tuyong dugo sa dalawang bagay na iyon pati na rin sa lagayan ng mga matatalas na weapon

"Ehem......mukhang kumpleto na tayo....kaya sisimulan na natin toh." Sabi ng isang lalaki at sinenyasan niya ang katabi niyang babae.

"Ito ang mangyayari sa mga pasaway na bata." Sabi agad ng babae at may ibinagsak ang lalaki sa lapag.

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ang bibig ko.

______________________________________

Inside In Her MaskWhere stories live. Discover now