Chapter 10: Meeting Him (Alexis Past)

5 1 0
                                    


THIRD PERSON VIEW

[092218 13:45 SOMEWHERE IN LAGUNA]

Nakaupo sila Alexis habang naghahabol ng paghinga, dahil na rin sa pagod na nagpahirap sa kanila.

"Ugh! I hate her." Naiiritang saad ni Ayala at nag-cross arm.

"Huy! Huwag mo nga ilakas yang boses mo, baka marinig ka ni Ate Kate." Mahinang suway ni Hansel kay Ayala.

"Wala akong pake Taba." Naiiritang saad ni Ayala.

"Hoy! Huwag mo nga awayin si Hansel, Ayala. Sya na nga tong nagmamagandang loob eh." Pagtatanggol ni John kay Hansel, habang si Hansel ay naiiyak na.

"Whatever." Mataray na saad ni Ayala.

Habang si Alexis ay umalis don tutal pahinga naman nila eh. Kaya nagdesisyon syang makipagkita sa kaibigan nya na walang iba na si Carla.

"Ate Carla." Masayang saad ni Alexis kay Carla.

Napatayo si Carla sa kanyang kinauupuan at lumapit kay Alexis sabay yakap.

"Waaah! Namiss kita Alexis." Masiglang saad ni Carla.

"Ako din po Ate, namiss ko rin po kayo." Nakangiting saad ni Alexis at inayos nya ang kanyang salamin na tumabingi dahil sa biglaang panyayakap ni Carla.

"Tara magkwentuhan muna tayo. Hihihi gusto ko malaman ang life mo at don't worry! Magkwekwento rin ako ng life ko." Masayang saad ni Carla kaya napangiti si Alexis.

"Osige po Ate." Masayang saad ni Alexis.

Hinatak ni Carla si Alexis sa pwesto nya nung bago pa dumating si Alexis.

"Osige ang umpisa ay intoduction. Ehem. My name is Carla Madrigez, 9 Years old. May mother and Father ako so it means complete family ako... Kaso." Lumungkot ang expression ni Carla.

"Namatay ang tatay ko *sob*" Naantig si Alexis sa kanyang narinig at nakaramdam sya ng awa kay Carla.

"P-pagkatapos nun *sob* nagpakasal si Mama, hahaha (fake laugh) grabe! Ni hindi nya nga iginalang si Papa *sob* ipinili pa rin ni mama ang pagkakaroon ng pera kesa magluksa sa p-pagkamatay ni p-papa *sob*" Umiiyak man si Carla ay ipinagpatuloy nya parin ang pagkukwento.

"N-nang tumagal sila *sob* p-parati na lang inaabuso ng step father namin si mama *sob* k-kahit nga ang k-kapatid ko binubugbog *sob* h-hanggang sa nagpakamatay si m-mama dahil s-sumuko na sya *sob* Ang tanga nya kasi eh! Hindi na lang d-dapat sya pumatol *sob* a-ayan tuloy nahirapan pa lalo kami." Pinunasan ni Carla ang kanyang mukha dahil sa mga luha at ngumiti sya ng pilit.

Inside In Her MaskWhere stories live. Discover now