Chapter 22: Endure the Pain (Alexi's Past)

1 0 0
                                    

ALEXIS POV

Naiiyak ako sa hapdi ng sugat sa likuran ko. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Ayala na nakaupo sa higaan niya...habang nakatulala sa kawalan. Si Ariana na pinapakalma si Hansel at si John na nakaupo sa sulok.

"Ayos ka lang ba?" Napatingin ako sa tabi ko ng tangunin ako ni Riyoka.

"A-ah...oo." Mahina kong sabi at napayuko ako.

"Okey.....ayos na ba yung sugat mo?" Tanong ni Riyoka sa akin.

Tumango lang ako bilang sagot at tumayo.

"Saan ka pupunta?" Takang tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"K-kay Ate Carla." Sagot ko at naglakad ako papunta kay Ate kahit na masakit ang sugat ko.

"Ate....." Napilingon si Ate sa akin at nakita ko na nag-alala siya sa akin.

Tumakbo siya palapit sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit.

"A-aray."

"S-sorry....ayos ka lang ba? Kamusta ka na?" Nag-aalalang sabi ni Ate.

"Ayos lang ako Ate....salamat sa pag-alala." Nagulat na lang ako ng umiyak bigla si Ate. "Ate.....ayos ka lang ba?" Nag-aalala kong sabi.

"S-sorry *sniff* hindi ko n-nasabi a-about sa *sniff* t-training na *sniff* yan." Ngumiti naman ako.

"O-okey lang yun Ate.......alam ko naman na pinagdaanan nyo rin toh."

"Kahit na!!! K-kahit na *sniff* d-dapat sinabi ko p-pa rin sayo *sniff*." Niyakap ko siya at nakahinga ako ng maluwag ng yakapin niya ako ng puno ng ingat para hindi matamaan ang sugat ko.

"Okey lang ako......magiging maayos ang lahat."

"Alexis!!!" Napatingin ako sa likuran ni Ate at nakita ko si Carlo na nakatayo sa dulo ng hallway.

Mabilis siyang tumakbo sa gawi ko at niyakap din ako kaso hindi niya inilagay ang kamay niya sa likuran ko kundi sa likod ng ulo ko.

"Gusto mo ba ng painkiller? Huwag kang mag-alala kukuha ako para hindi ka na masaktan." Nag-aalalang sabi ni Carlo.

"Okey lang ako Carlo....huwag kang mag-alala sa akin." Nahihiya kong sabi at inayos ko ang salamin ko.

"Kahit na......masakit yung ginawa sa inyo ni Kuya Fade.......sa amin nga hinampas lang kami ng kahoy sa hita braso at tyan." Sabi ni Ate Carla.

Nanlaki bigla ang mga mata ko sa sinabi niya.

"M-mas masakit ata yung sa inyo k-kesa sa amin." Tangi ko lang nasabi sa kanya.

"Kahit.....ano...mangyari....Alexis..s-sana *sob* huwag kang s-sumuko." Hindi ko naintindihan si Ate Carla.

Umiiyak si Ate at yakap-yakap niya si Carlo na dinadamayan siya. Hindi ko gusto ang mga katagang sinabi ni Ate....pakiramdam ko isa itong malaking pagsubok na magiging kalaban namin at kapag natalo kami dito ay malaki ang magiging kapalit.

"A-ano ang ibig mong sabihin?" Kinakabahan kong tanong na kahit ayaw kong itanong pero dahil sa curiosity ay nagawa kong itanong.

Napabuntong hininga si Carlo at siya na ang  nagsalita.

"Karamihan sa mga nakasabay naming bata ay......n-namatay a-at yung iba a-ay n-nabaliw." Nanghihinang sabi ni Carlo.

Napasinghap ako sa sinabi niya.....hindi ko alam kung bakit ako nabigla. Basta pakiramdam ko na hindi magandang resulta ang nangyari sa mga batang yun.

"M-maging malakas ka sana Alexis." Malungkot na sabi ni Carlo.

Ngunit kahit ganun ay hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam ng takot na baka dumating ang panahon na maging katulad ako ng mga batang sinasabi ni Carlo.

"K-kailangan ko nang umalis." Tangi ko lang sinabi at wala sa sariling naglakad palayo sa kanila.

Pumunta ako sa mga kasama ko at napansin ko si Ayala na nanginginig sa isang tabi at si Hangsel na umiiyak sa sakit.

Dun ko lang narealize na may sugat rin pala ako sa likod at dahil don naramdaman ko ang paghapdi ng sugat kaya napadaing ako ng di oras.

"A-ayos ka lang ba?" Nag-aalalang sabi ni Ariana sa akin kaya ngumiti ako ng pilit.

"A-ayos lang ako." Sabi ko.

Bumalik ulit si Ariana sa pagpapakalma kay Hansel kasabay ng pag-papapansin kay Ayala.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa harapan niya.

"Kamusta si Ayala?" Inosente kong tanong kay Ariana.

Napabuntong hininga si Ariana at tiningnan niya ako na may pag-aalala.

"H-hindi ko pa rin siya makausap at kanina pa siya nakatulala.....nag-aalala na ako sa kanya." Tanging sabi ni Ariana.

Napatingin muli ako kay Ayala at nakatulala pa rin siya.

"K-kamusta naman si Hansel?" Nilingon ko si Ariana ng marinig ko ang mabigat na pagbuntong hininga niya.

"Umiiyak pa rin dahil sa sakit....hindi ko siya mapakalma." Sabi ni Ariana.

Tumango ako at lumapit kay Hansel.

"M-mama....huhuhuhu ansakit mama....gusto ko na umalis dito *sob* mama iligtas nyo po ako." Rinig kong sabi ni Hansel.

Napatigil ako ng maalala ko bigla si Mommy at Daddy. Naramdaman ko bigla ang pamamasa ng mga mata ko ng bumalik sa aking alaala ko kasama sila.

"H-hansel." Pagtawag ko sa kanya.

"*sob*" Hindi ako pinansin ni Hansel kaya napabuntong hininga ako.

"H-hansel....kung gusto mo ng kausap...andito lang ako." Sabi ko at pinat ko ang balikat niya.

Tumayo na ako at balak ko sanang umalis ng biglang may humawak sa pulsuhan ko. Napalingon ako at nakita ko si Hansel na nakatingin sa akin kaya umupo muli ako.

"Alam ko na namimiss mo ang mama mo...at katulad mo....ako rin namimiss ko si Mommy." Panimula ko.

Napatingin ako sa kawalan at pilit na ngumiti.

"A-ang saklap nga kasi....bago ako madukot iniwan ako ng nag-iisa mong kaibigan...at ang mas malala sa kaarawan ko pa nang yarin yun." Tiningnan ko siya at napansin kong nakikinig siya sa akin.

"Naranasan ko na habulin ng mga masasamang tao pagkatapos kong tumakbo palayo sa kaibigan ko then n-naranasan kong p-pumatay.....h-hindi ko naman s-sinasadya yun eh. At sa huli eto....nandito na ako." Pagkwe-kwento ko sa kanya.

"B-bakit mo sakin to sinasabi." Mahina niyang tanong.

"Hindi ko alam....basta pakiramdam ko na mas mainam nang malaman mo yun." Sabi ko at ngumiti ng pilit.

"Salamat." Bigla niyang sabi kaya nagtaka ako.

"Bakit ka nagpapasalamat?" Tanong ko sa kanya.

Umiwas siya ng tingin bago magsalita.

"Kasi kahit papaano gumaan ang loob ko kaya salamat." Napangiti naman ako.

"Salamat din." Napatingin siya ng sabihin ko yun.

"Kasi pinakinggan mo ako......kaya gumaan kahit papaano ang loob ko." Dagdag ko at nakita kong ngumiti siya kaya ngumiti din ako.

Inside In Her MaskWhere stories live. Discover now