Chapter 4: Alexi's Past

7 2 0
                                    


Rian at the multimedia.

ALEXIS POV

Pinipilit ko pa rin kumbinsihin ang sarili ko na aksidente lang iyon. Naglalakad ako mag isa at hindi ko maiwasan ang pagsabunot sa aking buhok dahil pakiramdam ko mababaliw na ako ano mang oras. May mantsa ng dugo ang uniporme ko pati na rin ang aking katawan.

Hindi ko namalayan umiiyak ako, na naman.....parati naman akong umiiyak eh, mahina kasi ako.

"Huli ka!"
Narinig kong sigaw ng isang tao.

Iniangat ko ang tingin ko at nakita ko si B-2 na nasa harap ko. Blangko lang ang tingin ko kahit na patuloy sa pag agos ng luha ang mga mata kong namamaga. Kumunot ang noo ni B-2 ng mapansin nya ang mantsa ng dugo sa uniporme ko.

"Kaninong dugo yan? Ha!"
Sigaw ni B-2 sa akin.

Blangko pa rin ang paraan ng pagtingin ko sa kanya kahit na umiiyak ako ay wala na akong maramdaman. Pakiramdam ko nablangko ang emosyon ko kaya ganto ako umasta ngayon.

"Sabi ko KANINONG DUGO YAN?!"
Sigaw nyang muli at halatang nag hysterical na sya.

"S-*sniff* sorry *sob* h-hindi ko s-*sniff* sinasadya.....a-aksidente lang i-*sob* iyon."
Sabi ko.

Nanlalaki ang mga mata nyang napailing ng paulit ulit, habang dahan dahang umatras sa palayo sa akin.

"H-hindi!! H-hindi pwede tong mangyari!!"
Sigaw nya at napaupo sya.

Umiyak si B-2 kaya umiyak ako at nagkaroon na ako ng pakiramdam. Full of sadness, guilt and regret. Napatigil sa pag iyak yung lalaki at tumawa sya ng nakakaloko kaya nanigas ako sa aking pwesto.

"HAHAHAHAHA!!! MAMATAY KA!! MAMATAY KA!!!"
Nababaliw nyang saad.

Napaatras ako ng umabante sya. Nanlalamig na rin ang mga kamay ko dahil sa takot na aking nadarama, dahil may posibilidad na mamatay na ako dito.

"P-please a-ayoko pang m-mamatay."
Pabulomg kong saad.

"MAMATAY KA HAHAHAHA!! MAMATAY KAYONG LAHAT!!"
Sigaw ni B-2 at hinawakan nya ang ulo nya.

Tumatawa sya habang umiiyak at sinasabunutan ang sarili nya. Isa lang ang masasabi ko..........baliw na sya. Umiiyak ako, habang tumakbo ng mabilis papalayo sa kanya.

"Hwag ka nang tumakbo pa........MAMATAY KA RIN NAMAN EH!! HAHAHAHAHA!!"
Hibang na saad ni B-2.

Hindi ko pinansin ang sinabi ni B-2 dahil lumiko na ako sa kaliwa at tumakbong muli. May nakita akong mga mahahabang bakal kaya nagtago ako sa ilalim nun, kasi may lusutan dun na kasya ako. Sumilip ako sa labas habang takip takip ng kamay ko ang mga bibig ko para masigurado na hindi ako makakagawa ng ingay.

Makalipas ang ilang minuto ay narinig ko ang kanyang mga yabag na para bang sinasadya nyang iparinig sa akin. Kaya lalo ko pang idiniinan ang aking mga kamay sa aking bibig. Naramdaman ko din ang pag-agos ng aking mga luha.

"Nasaan ka na? Gusto mo ata tayo mag-laro eh.........hahahahaha osige pagbibigyan kita. HAHAHA!!"
Sabi nya kaya nanginig ako sa takot.

Inside In Her MaskWhere stories live. Discover now