Chapter 1: Hearthtrob

43 6 0
                                    


Image of Yohan at the multimedia.

Yohan Pov

Ako si Yohan Blue 16 years old at ang gwapo nyong entertainer. Hahahaha ^____^
Blonde hair, blue eyes, matangos ang ilong, maputi, matangkad at syempre gwapo. Isa akong peace officer sa student council dahil ayoko ng bully, at dagdag na rin sa pogi points *wink*. Isa akong gangster at kasama ako sa wolf gang. Higit (hindi sa pagyayabang ha) sa lahat ay popular kami inshort hearthtrob

Kasalukuyang nagtuturo si Madam Menopause na nakasalubong ang kilay habang tinuturo ang mga nakasulat sa blackboard. Bakit nga ba menopause ang tawag ko kay madam? Dahil napakainit ng ulo nya. Hahahaha.

"Mr. Black answer this question."
Sabi ni Madam kaya tumayo si Rian at sinagot ang tanong.

He is Rian Black 17 years old ang student council president at leader ng wolf gang. Black ang hair nya, black ang eyes, maputi, gwapo (pero syempre mas gwapo ako!) Matangkad at cold.

"Very good Señior Black, as expected to our top 2."
Ngiting ngiting saad ni Madam.

"Sus kung hindi ko lang alam na may gusto sya kay Rian.....mapapaniwala nya pa ako na mabait sya."
Sabi ko sa aking isipan at napailing.

Si madam menopause kasi ay bata pa, nickname nya lang iyon dahil ang init ng ulo na akala mo eh araw araw meron. She is 21 years old at di maipagkakaila ang kagandahan.....nung una nga na crush at first sight ako eh, kaso ang sungit kaya nawala.

Napatigil kami ng makarinig kami ng isang bell, hudyat na tapos na ang morning subject namin kaya natuwa ang ilang kong classmat. Napaayos ng tayo si Madam Menopause at masungit na tumingin sa amin.

"Okey class dismissed."
Sabi nya at kinuha ang mga gamit sabay alis.

Nagsitayuan ang iba kong classmate habang ako ay iniligpit ko ang gamit ko bago tumayo. Iginala kong muli ang tingin sa buong paligid at napansin ko na wala na ang iba pa naming classmate. Siguro dahil excited sila, at ang natira na lang ay ang mga nerd na abala sa paglilinis.

Tumayo ako at lumapit kay Rian na busy sa pagbabasa.

"Tara na Rian."
Yaya ko kaya tumayo siya at naglakad palabas ng room, kaya sumunod na ako sa kanya.

Nang makalabas na kami ay nakita namin ang dalawa pa naming kaibigan.

"Tss. Ang tagal."
Pagpaparinig ni Luke.

He is Luke Semester, 17 years old third year (like us) class b (kami class a). Gwapo sya (syempre mas gwapo ako) itim ang hair at brown ang mata. Nakakunot parati ang noo at araw araw badtrip. Sya ang vice president ng student council at kanan kamay ni leader sa wolf gang.

"Sensya na."
Sabi ko ng may ngiti sa labi kaya napa tss si Luke.

Napatingin ako sa katabi ni Luke at bigla na lang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Jack na mukhang inaantok.

"Ano nangyari dyan?"
Sabi ko at binalingan ko ng tingin si Luke.

"Tss. Hwag ako ang tanungin mo."
Inis na saad ni Luke kaya natataka akong tumingin sa kanya.

Inside In Her MaskWhere stories live. Discover now