Chapter 7: Transferee

3 1 0
                                    


YOHAN POV

Kasalukuyan akong naglalakad sa school grounds at busy sa pagkalikot sa phone ko. Lalo na at malapit na ang school fest kaya kinakausap ko yung mga kamember ng kasama kong peace officer sa club.

"Ouch!"

"Aray!" Sabi ko ng may makabangga ako.

"S-sorry miss." Sabi ko ng makita ko ang nakabangga ko, nakayuko sya at nagkalat ang mga gamit nya sa lapag.

"It's okey." Sabi nya at pinulot nya ang mga gamit nya kaya inilagay ko sa pocket ko ang phone ko.

"Let me help you." Sabi ko sabay bend ng knees at pulot din ng gamit nya.

Nang matapos ay tumayo na kaming dalawa.

"Here." Ibinigay ko sa kanya ang mga napulot kong gamit kaya napatingin sya sa akin.

Napatulala ako sa ganda nya. Wow! As in wow ang ganda nya. Mahaba ang pilik mata, matangos na ilong pinkish na labi, mabilog na mata at paheart shape nyang mukha na pinaresan ng maikling itim na buhok na hanggang balikat nya.
In short mukha syang manika.

"Shit! Mukhang na crush at first sight na naman ako."

"Uhmm...yung gamit ko." Nahihiya nyang saad sa akin kaya nabalik muli ako sa realidad.

"Here." Nakangiti ako habang ibinigay ko sa kanya ang gamit nya.

"Grabe nakakahiya."

Pinilit kong ngumiti upang hindi nya mahalata na nahihiya ako sa pagkatulala sa kanya.

"Ano nga pala ang name mo?" Tanong ko sa kanya kaya ngumiti sya.

"Caramel Nami Gon." Sabi nya kaya napangiti ako.

"Ang cute ng name mo....by the way, baguhan ka ba?" Tanong ko ng mapansin ko na wala pa syang uniform ngunit may I.D sya.

She was wearing an sleeveless polo na pangbabae at nakapalda sya na hanggang tuhod. Nakasuot din sya ng black na dollshoes at may hairband sya sa ulo.

"Uhmm yes." Nahihiya nyang saad at umiwas sya ng tingin.

"My name is Yohan Blue and I am third year highschool, I am also a part of student council acting peace officer." Masaya kong saad kaya napatingin sya sa akin.

"G-ganoon ba....pwede ba akong humingi ng pabor?" Tanong nya sa akin.

"Sure." Nakangiti kong saad.

"Pwede mo ba akong samahan pumunta kay Mrs. Fatima Herera? K-kasi nakalimutan ko yung faculty nila." Sabi nya kaya ngumiti ako.

"Tara sumunod ka sa akin." Sabi ko at naglakad na ako.

JACK POV

"DAD!!! PLEASE IBIGAY NYO NA YUNG CANDY KO!!" Nagwawala ako ngayon dahil hindi ibinigay ni Dad yung mga pasalubong nila Tito at Tita Blue.

Inside In Her MaskWhere stories live. Discover now