Chapter 2: Alexi's Past

10 6 0
                                    

*6 years ago*

Alexis Pov

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school namin at tahimik na nagmamasid, nakakatakot kasi na mabully uli at ayoko na mangyari iyon.

Grade 2 na ako ngunit tampulan ako ng bully dahil isa daw akong lampa na nerd. Kilala bilang loser. Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang kaisa isa kong kaibigan na si Lizzy.

"Lizzy!"
Masaya kong saad at nagmamadaling lumapit sa kanya.

Balak ko sana syang imbitahan sa birthday ko ngayon, dahil magkaibigan kami. Pagkalapit ko sa kanya ay halatang nagulat si Lizzy sa presensya ko.

"Hello Lizzy!"
Masaya kong saad kaya ngumiti sya.

"Ikaw pala yan Alexis. Tinakot mo ako don ah!"
Parang bata nyang saad kaya natawa ako.

"Uhm Lizzy\ May sasabihin ako Alexis."
Sabay naming saad ni Lizzy kaya natawa akong muli.

"I-ikaw na muna Alexis."
Nahihiyang saad ni Lizzy kaya ngumiti ako at napailing.

"Hindi ikaw na Lizzy......ano ba ang sasabihin mo?"
Sabi ko ng may ngiti sa labi kaya napayuko si Lizzy.

"G-g-g-gusto"
Sabi nya at yumuko.

"Gusto?"
Paguulit ko.

"Gusto k-ko na na lunayo ka sa akin!"
Nanlaki bigla ang mata ko sa ainabi ni Lizzy.

"AYOKO SAYO! ANG PANGIT MO AT NERD PA! HINDI KO ALAM KUNG BAKIT KITA KINAIBIGAN! LOSER!" LUMAYO KA NA SA AKIN AT HWAG NANG MAGPAKITA PA!!"
Sigaw nya mismo sa harapan ko kaya hindi ko namalayan na naiiyak na ako.

"L-lizzy."
Sabi ko habang nagpipigil sa pagtulo ng luha ko.

"A-alexis."
Sabi nya ng nanlalanbot na tono.

Ngumiti ako sa kanya kahit na patuloy na dumadaloy ang aking luha sa matatambok kong pisnge.

"M-masaya ako n-na naging t-totoo ka sa a-akin."
Sabi ko at pilit na ngumiti sa harap nya at pinigilan na ang pag iyak ko.

"This is the best gift you give to me Lizzy I am so happy for you to be honest to me."
Sabi ko at pilit na ngumiti, nakita ko sa mukha nya ang pagkabigla.

"Bye Lizzy."
Sabi ko at tumalikod sa kanya sabay takbo ng mabilis palayo sa kanya.

Narinig ko pang tinatawag nya ako pero hindi ko iyon pinansin, dahil lalo lang akong masasaktan kapag nilingon ko pa sya.

"Ang saya sa birthday ko pa talaga ako mawawalan ng kaibigan."

Sabi ko sa aking isipan at huminto sa pagtakbo, dahil ngayon lang talaga ako tumakbo ng ganoon kabilis at kalayo.

Napatigil ako at tila nabuhusan ng malamig na tubig ng mapansin ko na hindi pamilyar ang lugar na kinatatayuan ko.

Inside In Her MaskDonde viven las historias. Descúbrelo ahora