Chapter 16: The Son (Alexis Past)

5 1 3
                                    


ALEXIS POV

(092318 5:16 Somewhere in Laguna)

Pinagmasdan ko ang paligid, dahil kakaiba ang lugar na ito. May nakita rin akong mga bata na ngayon ko lang nakita na nakaupo sa isang lamesa. Pumunta kami sa isang mesa at nakita ko ang mga unan na nakalatag sa sahig.

Napalingon ako kay Ate Carla ng umupo sya sa isang unan at kasunod nya si Carlo pati na rin ang ibang bata. Napalingon sa amin si Ate ng mapansin nyang hindi kami nakaupo.

"Umupo na kayo....bago pa dumating si Father."

"Why do we need to seat in that old thin pillow?"

Maarteng angal ni Ayala kaya sinuway sya agad ni Ariana bago harapin si Ate at ngitian.

"Salamat sa paalala.....pasensya ka na kay Ayala."

"Okey lang yun....marami na ring bata ang ganyan nung una."

Nag-ngitian si Ate Carla and Ariana.

'Sigurado akong magkakasundo sila.'

Umupo ako at umupo na rin ang iba. Well si Ayala ay hindi ganoon kasaya at maririnig sa kanya ang pag-angal nya. Kung gaano daw karumi yung unan at kung gaano daw katigas ito.

Tumahimik ang buong paligid ng bumukas ang pinto. Napalingon ako dun at nakita ko ang isang grupo ng matatanda at teenagers, kasama na rin dun si Father Fujimoto. Dumiretso sila sa isang mahabang table n nasa harapan ng iba pa....(Pa vertical po yung mga lamesa ng mga bata habang pa horizontal ang lamesa nila Father Fujimoto.)

"Hmm....magandang umaga sa inyong lahat."

Nagbalik bati ang ibang mga bata na kasama namin kay Sir. Fujimoto. Kasi hindi pa ako sanay na tawagin syang Father.

"Ngayon ay tayo na at mag-almusal."

Bumukas muli ang pinto kung saan sila dumaan at lumabas dun ang iba pang teenagers at matatanda na may bitbit na pagkain at isa-isang inilapag sa lamesa.

Isa-isa nilang nilapag ang mga pagkain at nakaktakam ang bawat pagkain na nakahain sa lamesa.

"Kain na."

Pagkasabi nun ni Father Fujimoto, nagsimula na kaming kumain. Napansin ko na habang kumakain ay walang nagsasalita at napakatahimik.

"Bakit ang tahimik?"

Nanlaki ang mga mata ni Ate Carla ng itanong ko iyon sa kanya.

"Sino yung nag-ingay?"

Napatingin ako sa harap at nanlaki ang mga mata ko nang ang lahat ng bata ay nakatingin sa gawi ko.

"Napalakas ba yung boses ko?"

"You."

Turo sa akin ng isa sa mga kasama sa table ni Sir Fujimoto. Napaturo ako ng di oras sa sarili ko at nakaramdam din ng hiya.

Tiningnan nya ako ng mapanuring tingin. "Who are you?" Malamig na sabi nya.

Nakaramdam ako ng matinding kaba at nanginginig na rin ang mga kamay ko.

"A-Alexis W-wilson po..." Pautal-utal kong sabi.

Pinagpapawisan na ako ng malagkit at nakakaramdam ako ng kung ano sa tiyan ko dahil na rin siguro sa pagkailang at pagkapahiya.

Tinitigan nya ako ng mariin bago ibaling ang tingin niya sa mga ibang teenagers na nakapwesto sa isa pang lamesa.

"Sino ang may hawak sa batang ito?" Mataray nyang tanong.

Inside In Her MaskWhere stories live. Discover now