Chapter 26: Escape (Alexis Past)

0 0 0
                                    

(121818 Tuesday 8:15 Somewhere in Laguna)

ALEXIS POV

Pang limang araw na nung huling usap namin ni Ariana. Matapos nung araw na nag-usap kami ay napansin ko na ang pagiging mapagmasid niya at mukhang pinag-aaralan niya ang buong paligid para sa pagtakas niya.

"You need to change your mind." Sabi ko nung nakita ko siyang naglalakad mag-isa.

"Don't disturb me." Inis niyang saad.

Tinalikuran niya ako at aalis na sana ng hawakan ko ang kanyang braso.

"Ariana....natatakot ako na baka mag-fail ang plano mo." Nakikiusap kong turan.

Marahas siyang lumingon sa akin at tiningnan niya ako ng masama bago niyang marahas na binawi ang braso niya sa pagkakahawak ko.

"Hindi masisira ang plano! I can do this and I can accomplish it! Kaya tumigil ka na." Inis niyang saad.

Napayuko ako at naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko.

"I don't want you to get in trouble....hindi mo ba naiintindihan?!! Nag-aalala ako sayo Ariana!!." Tinignan ko siya ng maigi

"At bakit ka naman nag-aalala?" Inis niyang tanong.

"D-dahil kaibigan kita." Mahinang tono kong sabi.

Napatigil lang ako ng tumawa siya kaya binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.

"Kaibigan? Kailan ba kita tinuring na kaibigan?" Nakaramdam ako ng sakit ng sabihin niya iyon. "Diba kapag may kaibigan ka tutulungan mo siya....kasi nasa kagipitan siya at lalo na nandiyan para suportahan ka. Pero ikaw....tss kaibigan ba talaga turing mo sa akin? Bakit hindi mo ako matulungan? Bakit iniwan mo lang ako sa ere dahil nag-aalala ka sa mga iba mo pang kaibigan? Diba tinuturing mo akong kaibigan? Bakit Alexis? Bakit mo ako tinanggihan?" Mapait niyang dagdag.

"H-hindi naman sa ganun Ariana ka-kasi h-" pinutol niya ang sinasabi ko.

"Kasi ano?! Kasi wala tayong pag-asang makatakas? Kasi takot ka? Kamo duwag ka! Duwag ka Alexis at mahina. Kailang ka ba hindi naparusahan sa ilang ulit nating pagtre-training, huh? Kasi mahina ka! Duwag at umaasa sa iba!!!" Napatakip ang palad ko sa aking bibig dahil sa mga masasakit na salita ni Ariana.

"Bakit napakamean ni Ariana? Oo alam kong mahina ako...kaso sana naman. Sana naman maintindihan niya ako...ayoko lang naman masaktan siya ng pisikal dahil alam kong nasasaktan na siya sa emosyonal. Ayoko nang dagdagan ang sakit na meron siya kaya ko toh ginagawa. Bakit hindi niya maintindihan?"

"K-kailangan mong itigil toh...m-may iba pang b-bagay na p-pwede mong pagtuunan ng p-pansin Ariana." Mahina kong sabi pagkatapos kong tanggalin ang kamay ko sa pagkakatakip ng bibig ko.

"Hindi mo ba naiintindihan Alexis?!! Kailangan ako ng kapatid ko! Kailangnan niya ako! Kaya gagawin ko ang lahat para lang makasama at masuportahan ko siya. Wala nang makakapigil sa akin....kaya sumuko ka na." Pahina ng pahina niyang sabi bago niya akong iwan mag-isa.

"Hindi mo rin ako maintindihan Ariana.....nag-aalala lang ako sa kahihinatnan ng plano mo at ayoko. Ayokong mangyari sayo ang mga possibilidad na sumasagi sa isip ko." Sabi ko habang nakatingin kay Ariana na lumalayo sa gawi ko.

__________

"May problema ba Alexis?" Tanong ni Hansel matapos naming mag-training.

"W-wala ayos lang ako." Mahina kong sabi at pilit na ngumiti.

Napatingin ako sa gawi ni Ariana na masayang makipag-usap sa iba pang mga bata na nakasama namin ngayon sa training.

"Kung hindi mo na kayang hawakan yang mga iniisip mo.....andito lang ako para sayo." Sabi ni Hansel.

Ngumiti siya sa akin at pinat niya ang balikat ko bago tumayo at lumapit sa gawi nila Riyoka. I hug my knees and buried my face. This is all I can do for now..to let my concern washed. I feel that this is only my comfort zone and I feel little freedom. Napaangat ang tingin ko ng may humawak sa balikat ko.

"Ate Carol....ikaw pala yan." Sabi ko at ngumiti ng pilit.

"May problema ka." Sabi niya.

"Hahaha....wala ate pagod lang ako sa training." Sabi ko at pilit na ngumiti.

Tinignan ko siya at nawala ang ngiti ko ng makita ko ang seryosing mukha ni Ate. Napayuko ako at napabuntong hininga.

"A-ate....pwedeng huwag muna nating p-pag-usapan toh?" Sabi ko.

"Pero Alexis."

"Please.....Ate huwag muna ngayon." Sabi ko.

"Haaay........okey fine. Pero hindi nun ibig sabihin na hahayaan ko na lang na hindi alamin yang problema mo. Kung hindi ko man malalaman ngayon pwede ko tong malaman bukas o kahit gaano pa katagal basta malalaman at malalaman ko pa rin yan." Sabi ni Ate kaya napangiti ako sa kanya.

"Haay!! Sa wakas ngumingiti ka na." Masayang sabi ni Ate Carol.

Natawa naman ako sa sinabi niya at isinawalang bahala na lang yung tungkol kay Ariana.

_____________

23:10

THIRD PERSON POV

Nanaig ang katahimikan ng buong paligid. Mapapansin ang paglakad ng isang tao, palagpas sa mga batang mahimbing na natutulog. Maingat na lumabas ang taong yun ng makarating siya sa pintuan ng silid palabas sa kwarto ng mga bata. Hindi napansin ng taong yun na nagising si Alexis at tumayo siya para sundan ang taong yun.

"Don't tell me ngayon niya gagawin ang plano niya?" Sabi ni Alexis sa kanyang isipan at mabilis na sinundan si Ariana.

Habang si Ariana naman ay busy sa pagkuha ng mga gamit ay hindi niya napansin na may nakamasid na pala sa kanya. Nagtago ang taong nakamasid na iyon at may inilabas siyang kung anong device. May pinindot niya ang button nun at nagsalita dun.

"Target is keep going through the forest. I repeat she's keep going through the forest." He put down the walkie talkie device and he decided to continue  to follow the girl.

"Asaan ka na ba Ariana?" Sabi ni Alexis sa kanyang sarili habang tumitingin sa buong paligid.

Napahinto lang siya ng may makita siyang parang gumalaw. Tinitigan niya iyon ng maigi at nanlaki ang mga mata niya ng may makita siyang taong nagmamadaling pumasok sa gubat kaya nakaramdam siya ng matinding kaba.

"Ariana." Sabi ni Alexis at tumakbo siya papunta sa gubat upang pigilan si Ariana.


______________________________________

Inside In Her Maskजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें