Chapter 23 • Victim of Fate (Final Chapter)

17 2 0
                                    

Tapos na ang second semester at may tatlong taon pa ako para magpatuloy sa pag-aaral. It's been 6 months since she was admit to the hospital. Anim na buwan na wala siya sa tabi ko para suportahan. Anim na buwan na walang pagtatalo. Anim na buwan na puro pag-aaral ang inatupag ko.

"Congratulations, Edward! Paano ba 'yan? Pasok ka na naman sa Dean's list," bati sa akin ni Mom and Dad. Nagpasalamat ako sa kanila at matamis na ngumiti. Siguro, bago ko isipin ang plano ko sa buhay kasama si Laura, uunahin ko muna ang taong walang sawang nagpa-aral sa akin.

"Anong regalo ang gusto mo?" tanong ni Dad sa akin kahit na ba maingay ang buong hall.

"Mom, Dad, hindi ko po kailangan ng regalo niyo. Saka na po 'yon kapag graduate na ako sa kursong kinuha ko." Hinawakan naman ni Dad ang ulo ko bago guluhin ang aking buhok.

"Wala ka talagang pinagbago, anak." Natawa na lang sila ni Mom at lumabas na kami ng hall.

Sa aking paglabas, nakita ko ang mga pamilyar na tao na nakasama ko sa anim na buwan. And there she is, standing beside them wearing a black toga with her usual smile. Beatrice.

"Congrats, Beatrice. Teacher ka na sa susunod na makikita kita," biro ko. Hinampas niya naman ako sa aking balikat na nagsasaad na nagbibiro ako. "Totoo naman, a?"

"Hoy, Edward! Hindi pa ito ang huli nating pagkikita. Bibisitahin pa natin si Laura mamaya!" sigaw naman nito. Tumawa sina Mom and Dad sa likod ko bago nagpaalam na uuwi na sila, buti na lang at binilhan na nila ako ng bagong sasakyan.

Hindi naman talaga ako umaasa na bibilhan nila ako ng gano'n, pero mapilit sila. Matanda na raw ako kaya naman kailangan ko na ring magmaneho ng sarili kong sasakyan.

"Saan tayo kakain?" tanong ni Trixie habang hinihimas pa ang kaniyang tiyan. Nabatukan tuloy siya ni Vince at sinabihan na hindi na siya nahiya. "Bakit ba kasi! Gutom na nga ako," pilit ni Trixie.

"May manlilibre yata." Nagkunwari pang umuubo si Beatrice matapos niyang sabihin iyon.

"Sino kayang graduate na diyan?"

"IKAW NA LANG KAYA ANG HINDI PA GRADUATE!" sabay-sabay nilang saad kaya napatakip na lang ako sa aking tainga. Oo nga pala't gumraduate na rin sina Vince at Trixie noong March, hindi nga lang ako nakapunta dahil pumunta kami sa Tagaytay noon.

"Ikaw na ang manlibre, Mr. Lajom. Minsan lang naman."

---

Matapos naming kumain sa isang expensive restaurant na pinili nila ay bumyahe na kami. Katabi ko sa harap si Vince para magpapalitan kami sa pagmamaneho kung sakali.

Huminto ako sa isang lugar na pamilyar sa aming lahat. Bumaba ako sa kotse habang naririnig ko ang usapan nila.

"Bibisitahin nga pala natin siya."

"Bakit walang flowers na dala ngayon si Edward?"

"Hindi ko alam. Sa kaniya mo itanong."

"Ayoko nga! Nahihiya ako."

Nakarating kami sa isang puntod na once a month ko dinadalaw. Nandoon pa rin ang huling rosas na inilagay ko— na ngayo'y tuyong-tuyo na.

"Kumusta ka na diyan?" tanong ko na baka sakaling maririnig niya at masasagot. "Pasensiya na kung wala akong dala na paborito niyong rosas." Hinimas ko ang lapida na nasa harapan ko.

"Miss ka na siguro ng anak mo, nakausap mo na ba siya diyan—" Makalas na binatukan ko si Vince dahil sa sinabi niya.

"Ano bang problema mo, Edward!"

Fate's TwistWhere stories live. Discover now