Chapter 4 • Her Boyfriend

20 4 0
                                    

"Laura, nasaan ka na? Nandito na ang kaibigan mo!" sigaw ni Nanay mula sa ibaba na ikinatigil ko sa pagta-type sa laptop.

"Sandali lang po!" sigaw ko pabalik. Ni-save ko muna ang sinusulat kong story at pinatay ang laptop. It's already 6:47 in the morning pero ramdam ko pa rin ang antok.

Bumaba na ako at nakita ko si Beatrice na umiinom ng chocolate drink na tinimpla sa kaniya ni Nanay. Dala niya na rin ang maleta na nakalagay malapit sa pintuan.

"Wala pa sila Edward," sabi niya sa akin nang mapansin niyang may hinahanap ako. "Baka alas siyete niya raw tayong sunduin dito."

"Ayun din ang sinabi niya sa akin kaninang umaga," sabi ko. Si Ed ang dahilan kung bakit antok na antok ako ngayon. Alas tres pa lang kasi ng madaling araw nang tumawag siya sa akin, at dahil na rin doon hindi na ako nakatulog pa.

"Titimplahan na rin kita ng chocolate, Laura," ani ni Nanay nang makaupo ako sa may tapat ng sofa ni Beatrice.

"Thank you, Nanay." Nginitian ko ito at nagpunta na siya sa gawi ng kusina.

---

"Bye-bye!" Kumaway ako sa kanila senyales ng pamamaalam bago sumakay sa loob ng kotse sa may bandang likod. Sa passenger seat umupo si Beatrice kaya ang katabi ko rito sa likod ay si Ed. Wala namang pinagbago, laging siya ang katabi ko kapag dito kami sumasakay sa kotse nila.

Nang tumakbo na ang kotse ay sa labas na lang ako tumingin, ilang araw ko rin itong hindi makikita. Ang mga puno, ang mga bahay, ang tanawin; ito na ang nakasanayan at kinalak'han ko.

Maya-maya'y naramdaman ko na lang na may nilalagay sa tainga ko si Ed, ang kalahati ng earphone. Napatingin ako sa kaniya na ikinangiti nito. I will miss his smile, and especially him. Kung pwede lang humiling sa kaniya na samahan niya kami ni Beatrice, baka gawin niya. Pero mahalaga ang pupuntahan nila ng Dad niya.

Pinakinggan kong mabuti ang musika, naka-play ang kanta ni Ed Sheeran na cold coffee. Mas lumawak ang ngiti ko. Pareho kaming fan ni Ed Sheeran, ngunit mas nauna ako sa kaniya. Naimpluwensiyahan ko lang siya noong panahon na nanliligaw siya sa akin. At ngayon, sabay na naming pinakikinggan ang kanta ng paborito kong singer.

"And you can stay with me forever, or you could stay with me for now." Rinig kong sumabay siya sa kanta. Ito na naman, narinig ko na naman ang boses ni Ed. Hindi si Ed na Ed Sheeran kundi Ed na Edward Lajom.

"Tell me if I'm wrong. Tell me if I'm right. Tell me if you need a loving hand, to help you fall asleep tonight." Ang ganda ng boses niya. Mukhang nakapag-vocalize na siya kaninang umaga, o talagang ganito ang boses niya ngayon?

"Tell me if I know. Tell me if I do." Nagkatitigan kami ni Ed na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"Tell me how to fall in love the way you want me to." At sa huling linya ng koro ay sinabayan ko na siya.

"Hoy, ano 'yan?" Nakita ko ang gulat sa mukha ni Beatrice ng makita niya kaming magkatitigan ni Ed kanina. Tuloy pa rin ang kanta na cold coffee na naririnig ko mula sa earphone.

"Wala 'to, Beatrice." Sabay pa kaming tumawa ni Ed kaya bumaling na lang ang tingin ni Beatrice sa harap. "Bahala kayo riyan."

"Sorry kung hindi kita masasamahan sa Norte, Laura," paghingi niya ng kapatawaran sa akin.

"Ayos lang, Ed. Ang mahalaga ay makapunta tayo sa nais nating puntahan. May next time pa naman," sabi ko sa kaniya. Napahikab pa ako dahil na rin sa antok. Sinandal ko ang aking ulo sa may bintana ngunit maingat na iginawi ni Ed sa balikat niya ang aking ulo.

"Matulog ka na. Humihingi ulit ako ng pasensiya dahil nagising kita kaninang umaga." Hinawakan niya pa nang mahigpit ang kamay ko bago ako natulog sa kaniyang balikat.

Fate's TwistOù les histoires vivent. Découvrez maintenant