Chapter 10 • Voice

10 4 0
                                    

"Tara na bumili ng mga lulutuin!" Natigilan ako sa pagsusuklay ko ng aking basang buhok nang bigla kong marinig ang sigaw ni Trixie mula sa labas ng bahay. Napangiti na lamang ako. Hanggang ngayon ay napaka-energetic niya pa rin katulad kagabi.

Anong oras na nga ba kami nakatulog kanina?

Since we spend our night under the moonlight, maga-alas dos na yata nang madaling araw kami nakatulog sa may kubo. Ito namang si Trixie ay hindi na nakatulog. Excited, I guess?

Siya kasi ang na-assign para sa kakainin namin bukas. At pinipilit niyang paborito niyang pagkain ang bibilhin. Wala akong magawa kundi tingnan na lamang silang nagtatalo, pagkain ang usapan e.

"Hindi ako makakapunta. May kikitain lang akong tao." Napatingin ako kay Beatrice na nakasilip sa may bintana. Sinasabi niya iyon nang harapan kay Trixie.

"May date ka, Bea? Nice naman!"

"Wala akong date!"

"Wala kasing nagkakagusto sa 'yo—"

"Manahimik kang babae ka!" Hindi ko man nakikita ang mukha ni Beatrice ay alam kong inis ang ekspresyong mayroon ito.

Kailan nga ba sila magmamatured? No. They are already matured enough. This little thing is what they called cousin's bond. A bond that cannot be cut by anyone.

"Ikaw, Laura? Sasama ka?" Tumango na lamang ako. Ano pa bang magagawa ko, hindi ba? Wala rin naman akong ibang magagawa ngayong araw. Alas nuebe pa lang naman ng umaga.

"Sasakay tayo sa tricycle namin! Hayaan mo, hindi naman ako ang magda-drive kundi si Vince," sabi ni Trixie at lumakad na palayo.

Nakabihis na ako at katatapos ko lang maligo. Magkano pa ba ang pera na natitira sa akin? Will it be enough? Maybe, I guess?

---

"Sa mall muna tayo," suhestiyon ni Trixie nang makarating kami sa bayan. Malapit na rin naman ang mall dito ngunit dahil sa trapiko ay matatagalan pa bago kami tuluyang makarating doon.

"Bakit naman, Trixie?" tanong ko sa kaniya dahil wala naman sa usapan na pupunta kami sa mall. Ang naging usapan lang naman namin ay mamimili kami ng mga lulutuin para bukas.

Madadagdagan na naman ng isang taon ang buhay ko. . .

"Para makapagpahinga naman ang isip mo, Laura. Pansin ko kasi kahapon na sobrang lungkot mo. Bakit? May nang-away ba sa 'yo?"

"Wala naman. Mayroon lang kaming hindi pagkakaintindihan ni Ed," sagot ko na ikinatango niya.

It's been a while, Ed. I miss your voice. Can you call now?

"Tawagan mo?" suhestiyon niya.

"Wala ring kuwenta. Hindi niya rin sasagutin."

"Why don't you give it a try, Laura? Hindi mo pwedeng pangunahan ang mangyayari pa lang. Maaaring tama ang sinasabi mo, may tiyansang hindi rin." Natigilan ako sa sinabi niya. Oo nga't tama siya, hindi ko pwedeng pangunahan ang mangyayari pa lang.

Inilabas ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon at ni-dial ang numero ni Ed.

"Ano? Sinagot ba?" Si Trixie.

Itinutok kong muli ang tainga ko sa speaker ng cellphone. Ring lang nang ring.

"Wala pa rin talaga," sabi ko kay Trixie. Nagkibit-balikat na lamang ito at muling tumingin sa harap.

"Kainit naman!" turan ni Vince sa labas. Pansin ko rin na nakakahilo ang init ngayong araw, nadagdagan pa ng mga usok na nagmumula sa mga sasakyan.

Fate's TwistWhere stories live. Discover now