Chapter 17 • Suspicion

7 4 0
                                    

Nagtuloy-tuloy pa ang practice namin ng ilang araw, medyo polished na ang naunang scene kaya naman pinapractice na namin ang ilang scene na hindi pa masiyadong pulido.

"Iyong pagkanta mo, Wendy. Siguro medyo babaan mo ng kaunti kasi mababa ang music doon, dapat pantay lang para hindi pangit pakinggan. Kapag tataas ang nota, itaas mo rin ang boses mo. Pero kapag mababa, babaan mo. Always keep it on your mind." Muli kong sinimulang magtugtog sa piano kaya naman from the top of the song ang practice namin.

"Ikaw, Helen, theater tayo, 'di ba? Ang tamlay mo namang kumilos. Para kang hindi kumakain," puna ulit ni Althea nang makarating kami sa ibang scene. Walang duda, hindi pa gamay ng ibang actors ang kanilang role.

"HARVEY! Hindi naman ganiyan! Mali 'yong ginagawa mo. Tinuro ko na sa 'yo'yong gagawin mo, hindi ba? Kapag katapos mo pa lang magsalita, saka mo pa lang marahas na yuyugyugin si Wendy. Paulit-ulit na lang." Ito ang Althea na nakasanayan ko. Strikto at gagawin ang lahat para sa grades.

"Anong tawa 'yan, Daisy? Tawang pabebe? Exaggerated dapat. May sira sa pag-iisip ang role mo 'di ba? Nagpapractice ka ba sa bahay niyo?" Napapakamot na lang sa batok si Daisy dahil sa pagbabago ng mood ni Althea. From good mood yesterday, from this.

"Hey, Jhamil! Ano? Doctor ka sa lagay na 'yan? Mukha ka lang naligaw na tao na nagbihis doctor."

And so on. . .

Paulit-ulit kong naririnig ang puna ni Althea sa lahat. Paulit-ulit na dumating sa punto na alam ko na ang susunod niyang sasabihin.

"Kumusta ang pagpi-play ng piano?" tanong niya sa akin ng magkaroon ng saglitang break.

"Naiwan ko sa bahay nila Beatrice and score sheet na ginawa ko. Kaya medyo nahihirapan akong tandaan ang ibang nota," sagot ko.

"Anong masasabi mo sa whole performance kanina?" Natigilan ako. Isang linggo na ang lumipas at todo practice pa rin kami. Mayroon na lamang kaming isa pang linggo para ma-perfect lahat.

"Medyo ayos na ang performance, siguro dahil sa pinakita mo kaninang ugali. Nawawala-wala pa ako sa minsan sa music pero magpapractice ulit ako mamaya."

"Let's do this!"

---

Kaunti na lang. . .

Kaunti na lang at matatapos ko na ang tinutugtog ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi ako dapat magkamali.

Huminto ako sa pagtugtog at bumuntong hininga pa, matapos kong tapusin ang kanta. Tagaktak ang pawis sa mukha ko kahit na ba air conditioned ang bahay ni Tita Reina.

"Ayos, Laura! Wala kang mali sa sampung beses mong inulit ang tinutugtog mo." Napangiti ako.

Salamat at nakuha ko ang tama. . .

---

November 30 na at nagkaroon kami ng pahinga kaya naman walang practice. Dalawang araw na lang— dalawang araw para paghandaan ang performance namin.

Pulido na ang practice, sana sa performance ganoon din. Mahirap madismaya sa mismong performance na. Iyong akala mo'y perfect, may mamamali pala. 

‘Beatrice? Pwede mo ba akong samahan?’ Ito ang text ko kay Beatrice kanina. Balak ko kasi sanang magpunta sa National Bookstore para bumili ng panibagong lapis at ilang gamit pangdrawing.

‘Busy ako.’ Ito naman ang reply na nanggaling sa kaniya.

Napapansin ko nitong mga nakaraang araw ay lagi siyang abala sa kaniyang cellphone. Minsan akong nagyaya na mag-milktea kami pero sabi niya'y may pupuntahan daw siyang mahalagang bagay. Ganoon din ang nangyayari kapag inaaya ko si Ed lumabas.

Fate's TwistWhere stories live. Discover now