Chapter 19 • Truth Untold

7 3 0
                                    

‘Laura, kailangan kitang makausap.’

‘May sasabihin akong mahalagang bagay, pakiusap?’

‘Magkita tayo ngayon. Pupunta ako diyan sa inyo.’

Marami pa akong texts sa kaniya ngunit ni isang reply ay wala pa rin akong natatanggap. Baka tama nga ang sinabi ko kay Beatrice, baka wala siyang load.

"Baka hindi matuloy ang plano," sabi ko kay Beatrice bago siya tingnan sa likod. Naka-crossed arm siya habang mataray na nakatingin sa akin.

Ano bang naisip ni Laura para kaibiganin ang taong katulad nito?

"Mahaba pa ang araw, Edward. May dalawang linggo pang naghihintay," sabi niya bilang pagsasabi na hindi ako pwedeng sumuko na lang.

Malaki ang pasasalamat ko kay Beatrice dahil malaki ang naging tulong niya para sa plano ko. Hindi ako nagkamali nang pagpili sa kaniya noon pa man. Noong panahong sinabi sa akin ni Dad na hindi ako pwedeng pumunta sa Norte, siya ang kinausap ko para ituloy ang plano.

Gusto kong dalhin si Laura sa mansion ng mga Monterogue para personal niyang makilala si Walter, ang idolo nito sa pagpipinta simula pa noong bata pa siya.

Akala ko noon ay hindi ko siya mapagkakatiwalaan dahil sa arte ng boses nito, pero alam kong wala akong alam tungkol sa kaniya maliban sa pangalan nito at siya ang kaibigan ni Laura.

Naaalala ko pa rin ang bawat pangyayari, kung paano ko siya kinausap bago ko ipaabot sa kaniya ang sobre. Walang pag-aalinlangan niyang tinanggap ito. Ako sana ang mag-aabot kay Laura ng sobreng iyon, pero nakita ko siya kaya sa kaniya ko na lang ipinaabot, at nagmamadaling umalis dahil may mahalaga pang gagawin.

She is worth to be trusted.

"Gosh! Sayang lahat ng effort mo kapag hindi 'yan natuloy." Inirapan niya pa ako at doon, tuluyan na siyang tumingin sa labas.

Napailing na lang ako at napangiti. Sayang nga ang lahat nang pinaghirapan ko kung mauuwi ito sa lahat. Ang tagal kong pinag-ipunan 'to kahit sinasabi niyang sa mahalagang bagay ko ito gastusin.

"Tell me the truth, Edward. Gusto mo ba talagang dalhin si Laura sa Amsterdam?"

Yes. Ito ang salitang alam kong dapat kong sabihin. I want to take Laura in her dream land. Lugar kung saan gusto niya ring dalhin ang kaniyang pamilya. Pinag-ipunan ko lahat ng gagastusin para doon. Alam kong sakto na lahat ng naipon ko para makapag-travel.

Ang problema nga lang, kung papayag si Laura sa plano ko. Kating-kati na ang dila ko na sabihin sa kaniya, ngunit nawawalan ako ng pag-asa. Wala pa siyang reply. Ayos ka lang ba?

"Mukhang alam ko na ang sagot mo," wika nito bago ngumiti. "Nakakakilig naman!" Hinawakan niya pa ang kaniyang mukha habang nakatingin pa rin sa labas.

Bumuntong hininga ako. "Malapit na tayo."

"Sana hindi magalit sa akin si Laura. Alam mo bang nagsinungaling ako para lang maka-usap ka dahil diyan sa plano mo?! Damn. Kailangan kong bumawi sa kaniya."

---

"Nandito pala kayo." Pinagbuksan kami ng pinto ng nanay ni Laura at pinaupo sa sofa. "Itimpla ko lang kayo ng juice."

"Huwag na po, Tita," sabi ko kaya naman umupo ito malapit sa amin.

"Pasensiya na kayo, wala si Anthony. Nasa trabaho pa kasi siya. Sinong sadya niyo?"

"Si Laura po. Nandito po ba siya?" Natigilan ang nanay ni Laura bago siya tumingin sa gawi ng kuwarto nito.

"Hindi pa rin siya umuuwi," malungkot ang naging pahayag nito. Alam kong masakit sa kanila na umalis nang walang pasabi si Laura.

Fate's TwistWhere stories live. Discover now