Chapter 22 • Friend's for Life

5 3 0
                                    

"It's been a while, Edward." Napatingin ako sa pamilyar na lalaki na nakaupo sa sofa. Binabantayan niya si Laura na animo'y isang napakahalagang tao sa buhay niya. Bakas din sa kaniyang mukha ang dulot nang walang pagtigil sa pag-iyak at walang tulog.

"Klaus," usal ko na lang sa pangalan niya. Malayo sa dating Klaus ang nakikita ko ngayon. Mukhang mayroon na rin siyang responsibilidad, at patutunguhan sa buhay. Ganito na pala ang sinasabi nilang maturity, at mas nag-matured ang hitsura niya, hindi katulad noon.

"Sinasabi ko na nga ba't darating kayo. Hindi ko lang alam na ganito kaaga." Natigilan ako sa sinabi niya. Inaasahan niya kaming pumunta rito? Yes, he's right. Laura is my priority and responsibility.

Lumapit ako kay Laura at tiningnan ang malaanghel nitong mukha. She's sleeping. Kailan ka gigising, Laura? Can I see your smile again?

Makikita ko pa ba?

"She's in a state of comatose. Hindi alam ng doctor kung kailan siya magigising o magigising pa ba siya." Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko na lalong nagpatulo ng luha sa aking mga mata.

"I deserve this pain! Kasalanan ko ang lahat! Ako na lang sana ang naaksidente!" sisi ko sa sarili ko at hinaplos ang mukha ni Laura.

"Edward!" bawal sa akin ni Vince. I really deserve this kind of pain. Laura don't deserve her situation right now. The best person who can fit in that kind of bed beside an apparatus is me.

"The pain you feel right now is not forever," rinig kong sabi ni Klaus. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at ang pilit niyang pagtatayo. Iniupo niya ako sa may sofa, katabi nila Beatrice.

"Tatawagan ko lang si Tita," pagpapaalam ni Beatice at tumayo ito. Hindi nagtagal ay sumagot ang tinawagan niya sa telepono. "Opo. Isesend ko po sa inyo ang address."

Binigyan ako ng tubig ni Trixie. I can't still accept this! Alam kong umiyak din sila kanina dahil naging importante sa kanila si Laura. Hindi ko naman sila pwedeng sabihan na huwag silang umiyak sapagkat wala ako sa sitwasyon para sabihan sila ng gano'n. At isa pa, kaibigan sila ni Laura, so they have the rights.

"Private po. Hindi ko po alam kung saan kami kukuha ng pambayad sa mga magagastos." Rinig kong sabi ni Beatrice.

"Sabihin mo, ako na ang magbabayad." Si Klaus.

"No, ako ang magbabayad. At saka ako ang may kasalanan kung bakit nangyari ito," pilit ko. Medyo maayos na rin ang pakiramdam ko ngunit medyo mabigat pa rin ang aking mga mata.

"Ako na, Edward. Ako ang nagdala sa kaniya rito sa private hospital."

"Kaya mo lang ginawa 'yon dahil alam mong hindi siya masiyadong maaasikaso sa public, hindi ba?" And I'm right. Natigilan siya sa sinabi ko.

"May magbabayad na pong dalawang tao. Pinaghatian po nila ang babayaran," ito ang sinagot ni Beatrice para hindi na mag-alala pa ang magulang niya.

Pinatay na ang tawag at humarap na ito sa amin. "Darating na sila dito mamaya." Nang sabihin ni Beatrice iyon ay tanging tunog na lamang mula sa monitor ang naririnig.

---

"Bakit nandito ka pa rin? May pasok pa kayo bukas." Umupo sa aking tabi si Klaus bago binigay sa akin ang isang cup ng coffee. "Baka napapabayaan mo na ang pag-aaral mo." Napatingin ako sa kaniya dahil sa narinig.

"It's no big deal. Ang mahalaga ay nakita ko na si Laura." I saw a glint of pain in his eyes. Panandalian lamang ito ngunit napansin ko.

"Kayo pa rin pala," medyo may lungkot ang pagkakasabi nito ngunit pilit pa rin siyang ngumiti. "Ginayuma mo siya 'no?" sabi nito na sinundan pa ng tawa, to lighten the mood.

Nandito kami sa garden ng hospital kung saan kitang-kita ang napakaraming bituin sa kalangitan. Laura, can you open your eyes and see the stars shining in the dark sky? 

"Do you like her, aren't you?" tanong ko na ikinahinto niya sa pag-inom sa kaniyang kape.

"Sabihin na natin na ako ang unang nagkagusto sa kaniya." Tumawa pa ito na animo'y hindi seryoso sa kaniyang sinabi.

"Bakit tinago mo sa akin ang lahat ng ito?"

"Sasabihin ko sana sa 'yo noon na may balak akong ligawan sa facebook dahil wala akong lakas ng loob sa personal. Hindi ko alam na may gusto ka rin pala sa babaeng liligawan ko." Tumingala pa siya sa kalangitan kaya napatingala na rin ako. These stars are the witness of the truth behind our lies.

"You're joking, right?"

"Alam mo, Edward? Humanga ako sa 'yo noon. Kahit na ba sinabi ni Laura na hindi siya pwedeng ligawan, you still insist and try to do it on your own. Kung ako siguro 'yon ay titigil na ako at maghahanap ng iba. Nagulat na lang ako nang humingi ka sa akin ng tulong. But who am I to refuse?"

Who am I to you to follow my orders? You're not my slave afterall, Klaus.

"Alam ko ang hirap na pinagdaanan mo para makuha lang si Laura. Napa-isip ako. Kaya ko ba 'yon? Paano kaya kung ako si Edward, mamahalin din ba ako ni Laura? Pero isang bagay lang ang natutunan ko. Learn to wait, because having patience is worth for who you love."

"Do you still like her?" tanong kong muli sa pangalawang pagkakataon.

"Edward. . ." Humarap siya sa akin bago ngumiti. Huwag mong sabihing. . . "I'm already signing off for begging someone just to love me back. Ito na siguro ang araw na kailangan ko ulit maghanap ng mamahalin ko sa panghabang buhay."

"Natatandaan mo pa ba ang sinabi ko dati?"

"Hindi lang natin gagawing girlfriend ang isang babae, dahil hindi lang naman pansamantala ang plano natin. Ginawa natin silang kasintahan para may kasamang tatanda sa buhay," sagot niya.

"Kulang," sagot ko na sinundan ko ng tawa. Muli akong humigop ng kape sa tasang hawak ko.

"Nandoon na rin 'yong thought."

This night, I feel like I'm still have an important person in my life that I was lost but I already found. You're rare, Klaus. Definitely one of a kind.

"Nakita mo na ba ang taong mamahalin mo panghabang-buhay?" Tumingin siya sa akin bago nakangiting sumagot.

"Yes." I'm proud of you, Klaus. "Hinihintay ko lang kayong mag-break!"

"I'll kill you!" Tumakbo ito palayo kaya naman hinabol ko siya. Naghahabulan kami sa hospital garden na ginagawa namin simula pa noong bata.

I miss the way he talk and joke around. This is you, Klaus. The real one they haven't seen but only me and your relatives. They encountered you in our highschool journey as a serious one but when you're with me you're back to yourself.

Hindi ko alam kung paano nalusaw ang yelo sa puso mo nang makilala mo si Laura. Siya ang dahilan kung bakit ka nagbago. But you don't deserve the pain you feel right now. Alam kong may gusto ka pa rin kay Laura, but you still endure the pain. I deserve every pain you feel. My friend's pain is my pain.

You're my friend's for life, Klaus. You're one of a kind.

Fate's TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon