Chapter 18 • Missing?

5 3 0
                                    

[Edward Brian]

Inaayos ko ang mga natapos ko ng interior design nang maramdaman kong nagba-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa bago bumungad sa akin ang pangalan ng kaibigan ni Laura. Beatrice.

"Ang tagal mong sagutin. Gosh, Edward!" Na-imagine ko kung paano niya sampalin ang kaniyang noo nang sabihin niya iyon habang nakapamaywang.

"What do you need, Beatrice?"

"Wow, just wow! I still have a business with you. Nakakalimutan mo ba?"

"Alam ko. Masiyado pang maaga para diyan. Tinatapos ko lang itong project ko para maipasa ko na bukas." May pasok na naman pala bukas. Tila kay bilis tumakbo ng oras, parang dati ay nagpaplano pa lang akong pumunta kami sa Norte, na hindi pala matutuloy.

Do you miss me, Laura?

"Okay fine! Kapag natapos mo 'yan, pumunta ka kaagad sa milktea shop na pinuntahan natin kahapon. Maghihintay ako kahit hindi ka dumating." Pinatay na niya ang tawag, kaya pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko.

---

Pumasok ako sa loob ng milktea shop na pinuntahan namin kahapon. Nakita ko siya malapit sa counter kung saan kami nakaupo noon. Humihigop siya sa Large size milktea na ang flavor ay mango graham shake. Typical Beatrice.

"Ano ng plano mo?" Ito ang unang niyang tanong nang makaupo ako sa katapat niyang upuan.

"Bukas ng hapon. Kauusapin ko na si Laura," paninigurado ko sa kaniya na ikinatango niya. Hindi ko alam kung makukuha ko ba mula sa kaniya ang matagal ko ng balak o mauuwi lang ulit sa wala ang lahat?

Such a hardheaded girl, Laura, huh? Alam kong hindi ka papayag.

"Good to know." Napansin ko ang napakatamis na ngiti ni Beatrice.

Um-order muna ako ng milktea ko para mapatagal pa ang usapan. Saglit lang ang hinintay ko at nakuha ko rin ang order ko.

Babalik na ako sa pwesto nang maramdaman ko ang isang bagay. Isang bagay na ilang araw ko nang nararamdaman. Something's missing that my heart attached to. Something important was slowly drifted away.

I'm missing something.

"Nga pala, Tumawag ba or mag-text sa 'yo si Laura? Dapat nasa bahay siya kagabi at doon magpalipas para magpractice, pero hindi siya dumating."

"Baka wala lang siyang load?" sabi ko para mapagaan naman ang loob niya.

Tumingin ako sa relo ko, pasado alas dyiz na ng umaga. Magsasalita na sana ako nang marinig ko ang usapan ng babae at ng isang tao sa counter.

"Yvette! Nakita mo ba ang kasama ko kahapon? 'Yong babaeng maputi at maganda? Dumaan ba siya rito?" Napatingin ako sa taong iyon. Short hair, tall, pale skin, and she ware a big round glasses.

"Hindi siya dumaan dito. Kahapon ko lang siya nakita," sagot ng babae sa counter. Napahawak na lang sa noo ang babaeng nagtanong bago sumandal.

"Paano na ito? Bukas na ang performance."

"Edward, nakikinig ka ba sa akin?" Tinapik ni Beatrice ang kamay ko na nakapatong sa mesa.

"Give me a little time, Beatrice. Just a little, please?" She paused. Hindi niya akalaing hihingi ako ng pakiusap sa kaniya. I know, hindi ako ganito. But the conversation between the two girls behind us really caught my attention.

"Sandali lang, Althea. Tatawagan ko lang si Fram, baka nakita niya si Laura."

Laura. . .

Fate's TwistWhere stories live. Discover now