Kabanata 30

406 11 3
                                    

Kabanata 30

Why


"You're kidding me," hindi makapaniwalang usal ni Amyna matapos kong e-kwento sa kanya ang mga nalaman ko. Kung hindi lang siguro ako seryoso habang nagke-kwento ay sigurado akong binatukan na ako ni Amyna.

"Sure I am not." Nagkibit-balikat ako.

"I still can't believe it!" hindi pa rin makapaniwalang usal ni Amyna. Hindi ko siya masisisi dahil kahit ako ay hirap din akong maniwala noong sinabi iyon ni LG sa akin.

Kinagabihan, tinawagan ako ni Enzo habang nasa mall ako kasama si LG. Tulad nang sabi ni LG, susunduin niya ako at dinala rito sa mall.

"Hinuli na raw si Ruin kanina." Iyan ang panimula ni Enzo kaya nagmamadali akong pumuntang Eutophia. Ayaw pa sana ni LG na umuwi pero nagpumilit ako kaya wala itong nagawa. Pagdating ko sa Euthopia agad akong sinalubong ni Enzo sa labas pa lang.

My heart throbbed when I saw a familiar silhouette inside Euthopia. Yuan is sitting beside the glass wall across from Ryler, and Ryler's back was facing us.

What are they doing here?

"Kanina pa sila nandito. Gusto ka raw maka-usap." Tinanguhan ko si Enzo at dahan-dahang pumasok sa coffee shop. Sumunod sa akin si LG at Enzo.

Agad namang nakuha ang atensyon ni Yuan pagpasok ko at bahagya itong ngumiti sa akin, but I just remained my face stoic.

Ryler's familiar scent was locked in my nostrils that I almost closed my eyes. Damn! I miss his smell!

Nanatili sa akin ang paningin ni Yuan habang papalapit ako sa mesa ng mga ito. Ramdam ko rin ang tingin ni LG at Enzo na nakasunod sa akin. Pero ang hinihintay ko ay ang lingunin ako ni Ryler, na hindi naman nangyari.

Sumikip ang dibdib ko at gusto kong maiyak.

I blew a loud breath before walking fast to their table. Uupo na sana ako pero natigil lang dahil sa biglaang pagtayo ni Ryler at hinila ako nito palabas ng Euthopia.

Gustohin ko mang magprotesta ay hindi ko nagawa. Narinig ko pa ang pagreklamo ni LG at Yuan bago kami tuluyang nakalabas.

Sobra-sobra ang kaba ko nang makarating kami sa likod na bahagi ng Euthopia. Malapit sa mga hammocks kami tumigil.

Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa Ryler. Hindi ko maintindihan kong bakit niya ako dinala rito kung may pag-uusapan naman pala kaming lahat.

"W-What are we doing here?" Pilit kong pinapakalma ang boses ko kahit na kabaliktaran naman ang nararamdaman ko.

Hindi kumibo si Ryler at nanatiling nakatayo habang hawak ang pulsohan ko. His hot palms made my heart pound hard, bringing me both happiness and pain.

I miss him, so much.

Dahan-dahan kong hinila ang kamay ko para mabitawan ito ni Ryler. I did it successfully dahil kusa rin namang bumitaw si Ryler dahilan upang mas makaramdam ako ng paninikip sa dibdib.

I composed myself before I looked at Ryler's direction. When I opened my eyes, Ryler's melancholic eyes were staring at me.

My heart skipped a beat.

"I-I... heard about what happened. Enzo told me already." My voice was shaking a bit, but still, I managed to talk to Ryler about his brother, Ruin.

"Yes," maikling sagot nito. Yumuko ako dahil sa pag-aalangang naramdaman.

Why did I feel guilty? I shouldn't! His brother's at fault... and him too!

Mahabang katahimikan na naman ang namayani bago ako magsalita ulit.

I Was Once Like You - COMPLETEDWhere stories live. Discover now