Kabanata 07

339 13 0
                                    

Kabanata 07

Hurt


Napaka-ingay sa loob ng cafeteria kahit nasa entrance pa lang kami. Nakaka-ilang pumasok dahil ang daming estudyanteng kumakain tapos puro pa mayayaman. Na-a-out of place kaming dalawa ni Amyna.

Pero mas okay pa 'tong si Amyna eh, kasi mamahalin naman ang damit at ibang gamit nito kahit nerd.

"Ganito pala karami ang kumakain dito tuwing tanghali?" pabulong kong tanong kay Amyna habang nakapila kami.

This is my first time kasi na makapasok dito na maraming estudyante, kasi noong ni-tour ako ni Amyna rito e wala naman masyadong tao noon. Tapos ang dami pang tumitingin sa amin na parang nandidiri.

Kung 'di na lang kasi sana kayo tumingin 'di ba?

"Ew! 'Wag ka ngang dumikit sa akin nerd!" maarting sigaw sa akin ng babaeng may I.d sa Tourism Department. Napatingin tuloy sa amin 'yong ibang nakapila rin tsaka ang mga kumakain na malapit sa gawi namin.

Kala mo naman gusto kong dumikit sa kanya! Eh siya 'tong umatras bigla-bigla tapos ako ang sisisihin. Tapos kung makasigaw naman parang nasa kabilang ibayo 'yong kausap! Hello? Magkatabi lang tayo.

Hindi ko na lang ito pinansin dahil baka mapagtripan pa kami dito.

"Kala mo naman gusto kong madikit sa kanya!" pabulong kong saad sa sarili dahil sa iritasyon ko. Siniko ako ni Amyna tsaka pinandilatan ng mata. He. he. he!

"Italian Spaghetti, rice, fried chicken, beef steak, and pork steak, please. Tapos dalawang coke in canned na rin po," Amyna ordered politely. Napatingin ako dahil sa dami ng in-order niya.

"Hindi ka ba kumain ng dalawang araw, Myna?" nagtatakang tanong ko kaya kinurot ako nito sa tagiliran.

"Tumahimik ka nga riyan, sa 'yo iyong iba! 'Wag kang ano riyan."

"Oh! Ba't nasali ako, e may pagkain naman ako rito," I hissed.

Amyna paid her order. Ako na ang nagdala ng softdrinks at spaghetti tsaka sumunod sa kanya, pero pagtalikod ko ay natapon ang dala ko sa isang babae dahil may bumangga sa likuran ko.

Narinig ko agad ang pagsinghap ng mga estudyanteng nakakita tapos nagbulong-bulongan agad ang mga ito. Tinawag akong tanga, loser, nerd, stupid at marami pang masasakit na salita ang tinawag sa akin.

Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa gulat at takot. Sa sobrang taranta ko ay mabilis kong pinagpag ang spaghetti sauce na dumikit sa damit nang nabangga ko. Mas lalo tuloy kumalat ang mantsa nito.

"P-Pasensiya na... 'd-di ko sinasadya. P-Pasensiya na talaga." Nagkanda-utal-utal ako. Sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko habang natataranta akong humingi ng tawad. Hindi ko kasi sinasadya iyon.

I heard someone whistle kaya mas lalo akong binundol ng kaba. Nanatili lang akong nakatungo. Biglang tumahimik ang paligid at parang kabog na lang ng dibdib ko ang naririnig ko. Natatakot akong mag-angat ng tingin.

Wala ni isang nagsalita kaya dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para tingnan kung sino ang natapunan ko. Pero isang malakas na sampal ang sumalubong sa mukha ko na nagpabaling sa akin sa pakaliwa galing kay Maddisson. Ito pala ang nabunggo ko. Sa dinami-dami ng tao sa cafeteria, bakit ang taong pinaka-iniiwasan ko pa ang natapunan ko?

"You stupid bitch!" Dumagundong sa loob ng cafeteria ang sigaw na iyon ni Maddison. Napaigtad at napapikit ako. "Do you think na malilinis ng sorry mo ang damit na nadumihan ko? Ha!" malakas na sigaw ni Maddison sa akin at dinuro-duro ako.

Nakatungo lang ako habang hawak-hawak ang kanang pisngi. Ramdam kong naiiyak na ako dahil ang sakit ng pisngi ko.

"You're stupid! Do you know how much is this? Huh? Kulang pa ang buhay mo pambayad sa damit ko! My dress is much, much more expensive than your life! Napaka-stupid mo! Tatanga-tanga! Ba't ka nakapasok dito sa SLC, e tanga ka naman!" patuloy na pang-iinsulto nito sa akin. Nanatili akong tahimik at pinipigilan ang pag-iyak.

"This is fucking gross! Bullshit!" patuloy na reklamo ni Maddison. 'Yong puso ko parang nasa lalamunan ko na dahil sa sobrang kaba. Hindi ko rin magawang iangat ang mukha ko sa takot nab aka sampalin na naman ako ni Maddisson.

"Maddi, come on, let's get you a clean dress." Narinig ko ang boses ni Gladen.

"Bullshit!" nanggigigil na asik ni Maddison.

"Okay, enough. You have spare clothes in you locker, common," aya ulit ni Gladen.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko, si Amyna pala. Naaawa itong nakatingin sa akin. 'Di ko na namalayang umiyak na pala ako dahil sa sakit na naramdaman. I'm physically and emotionally hurt.

'Di na ako nagsasalita. Ang mga estudyante sa paligid ay nanood lang sa amin. Wala man lang nagbalak tumulong. Sino nga ba ako para tulungan 'di ba? Sigurado akong takot rin ang mga ito kay Maddison. Ayaw rin ng mga ito na makisali.

Hinila na ako ni Amyna para sana umalis na lang pero napatigil ako dahil sa isang iglap ay pareho kaming naligo ng pagkain. Agad nagtawanan ang mga estudyante sa paligid. May iba pang panay ang pandidiri sa amin. Ang lakas-lakas ng tawa ng mga ito habang tinitingnan kami ni Amyna. Some are taking videos and pictures.

"There! That's better. Next time, 'wag kang tatanga-tanga kung ayaw mong sa basurahan na kita mismo ilagay. 'Wag mo kasi akong binabangga. Matuto kang lumugar. At sa itsura niyong dalawa wala kayong lugar dito sa cafeteria!"

Binuhusan kaming dalawa ni Amyna ng softdrinks na hawak ko kanina. Tapos may ulam pa na tinapon sa akin at kung ano-ano pa kaya nagmukha nga akong basura.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi matigil-tigil ang pag-iyak ko dahil pati si Amyna ay nadamay pa sa katangahan ko. Umalis kami sa cafeteria pagka-alis ng grupo nina Maddisson.

"Pasensiya ka na talaga, Myna, pati ikaw nadamay pa sa katangahan ko." Nakapagbihis na kami at nakaligo. Mabuti na lang at may extrang damit kami sa locker. 'Di na nga kami nakapasok sa isang subject dahil sa nangyari. Dito na lang kami dumiritso sa clinic para makahingi ng ice pack para sa pisngi kong namamaga.

"Ako nga dapat ang mag-sorry eh. Kung 'di tayo pumuntang cafeteria kanina, 'di natin mabubungo ang grupo ni Maddisson. Pasensya na."

Idinadampi ni Amyna ang ice pack sa pisngi ko. Grabe ang sakit talaga ng sampal ni Maddisson. Namamaga ang pisngi ko at halos bumakat ang mga daliri nito.

"Ano ka ba. Kung hindi tayo pumunta do'n wala kang kakainin. Kaya okay lang 'yon."

Ngumiti ako.

"Sobrang sakit pa ba nito?" Turo nito sa pisngi ko. Sinusundot pa ni Amyna ang pisngi kaya ngumiwi ko.

"Tingin mo, 'di na kaya ako pagti-trip-an nina Maddisson? Siguro naman bawing-bawi na siya 'di ba?" nakangiwing tanong ko.

Nakabawi na naman siya siguro ano? Kasi sa kanya damit lang ang nadumihan tsaka nasampal na niya ako, samantalang kami nagmukha kaming pagkain kanina na may kaonting tao. Tss!

"Huwag na lang tayo magpakita do'n. Umiwas na lang tayo, kasi sigurado akong 'di tayo tatantanan no'n." Tumango na lang ako sa sinabi ni Amyna dahil alam kong 'yon talaga ang mangyayari.

Sa anim na buwang pagpasok ko sa paaralan na 'to nakikita ko na ang grupo ni Maddisson na nambu-bully sa mga estudyante rito. Kahit mga mayayaman dito, binu-bully niya. Kaya 'di na nakakapagtaka na 'di ako nito pinalampas. That's her hobby and it makes her happy, na kahit makasakit siya ay wala siyang pakealam.

Hindi ko naman kasi talaga kasalanan 'yong nangyari eh kasi may bumangga sa likod ko. Ibig sabihin hindi ko naman sinasadya 'yon. Tsaka humingi na rin naman ako ng tawad at nakabawi na siya sa akin. Kailangan ko na lang gawin ay pagpasensyahan siya. At lalong-lalo na ay ang iwasang magtagpo ang landas naming dalawa. Mahirap na, alam kong hinding-hindi ako ang tipo na palalampasin ni Maddisson kapag nakita niya pa ako ulit.

I Was Once Like You - COMPLETEDWhere stories live. Discover now