Kabanata 17

260 10 0
                                    

Kabanata 17

Sundo


Kinabukasan, pagbukas ko pa lang ng cellphone, ang dami na agad text messages na dumating. Nangunguna ang pangalan ni Enzo sa inbox ko, na sinundan naman ni Amyna.

Pilit ko mang huwag hanapin ang isang pangalan na nakasanayan ko nang basahin pero 'di ko magawa. Hinahanap ng mata ko ang pangalan ni Ryler sa sandamakmak na mensahe... pero bigo ako. Wala itong maski isang text sa akin.

Inuna ko na lang buksan ang huling mensahe ni Enzo.

Enzo: What the hell, Vhanne Lhourense! I am damn worried! Where are you?"

Natampal ko na lang ang noo ko dahil nakalimutan kong mag-text ulit kay Enzo na mamaya na lang ako papasok.

I type a message for Enzo.

I'm sorry, Enz. Mamaya ako papasok. Pasensiya na at hindi ako nakapag-text ulit.

Pagkatapos kasi naming mag-usap ni Yuan kagabi ay hinatid na ako nito sa boarding house dahil alas nueve na rin kasi ng gabi. Nakalimutan ko tuloy e-txt na lang si Enzo.

Napakurap-kurap pa ako paglabas ng boarding house nang makita na prenteng nakatayo sa tabi ng kotse nito si Yuan. Ang mga ka-board mate ko ay panay ang silip ng mga ito sa bintana, tapos parang nangingisay bigla.

Isighed.

Nahihiya akong ngumiti kay Yuan na sumalubong agad. Naiilang ako sa hitsura nito. Hindi kasi ito ang nakasanayan kong porma ni Yuan. O sadyang dahil lang sa sobrang tagal na naming hindi nagkita kaya naninibago ako.

"Good morning, Vhanne," agad na bati nito. Hindi tulad kagabi no'ng hinatid ako ni Yuan, halatang mas presko ito ngayon.

A sweet smile was plastered on his lips. His eyes were full of happiness. The shadow of growing stubble on his jaw is complemented by his perfectly sculpted jaw.

I miss him.

"Let's go?" May bahid na tuwa ang boses nitong naglahad ng kamay sa akin. Naiilang kong tiningnan ang kamay ni Yuan bago dahan-dahang pinatong ang kamay ko rito.

Pagpatong ng kamay ko ay siya namang pagdating ng sasakyan ni Ryler katabi ng sasakyan ni Yuan.

Tatanggalin ko sana ang kamay ko pero hinawakan lalo ito ni Yuan. Bumaba ng kotse si Ryler at tsaka naman lumapit ang isang senior na tourism student dito na nakatira sa katabing bahay ng boarding house ko.

Napayuko ako at nag-iwas ng tingin.

"Hi Ryl, let's go?" aya ng babaeng lumapit dito. Ryler nodded, pero bago pumasok sa sasakyan ay sinulyapan muna ako nito gamit ang walang emosyong mata. Gustuhin ko mang ngumiti ay hindi ko magawa. My heart ached. I don't know why.

Why did I suddenly feel a strange feeling towards Ryler? Why did I feel something aching in my heart dahil sa paraan nang pagtingin nito sa akin. Why do I need to feel this?

Is it possible that I'm in love with him?

"Do you know him?" I was snapped because of Yuan's voice.

Nakalimutan kong andito nga pala ito. Nakalimutan kong katabi ko nga pala ito at hawak ang kamay ko.

I looked Yuan at ngumiti tsaka umiling.

"Nakikita ko lang sa school," I denied tsaka ko inaya na si Yuan na umalis.

Nakasunod ang sasakyan ni Yuan sa sasakyan ni Ryler. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip kung ano ang meron sa dalawa at sinundo pa ito ni Ryler.

I was secretly broken, secretly hurt, and secretly crying while I was looking at Ryler kissing Maddisson in the secret garden.

How I wish I had not come here to wait on Amyna... and also him.

It was my fault, I know. Pero 'di ko kayang pigilan ang luhang kumawala sa mga mata ko. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa nakikita ko kahit... wala naman akong karapatan. At 'yon ang mas masakit, wala akong karapatan sa kanya.

"Lhourense! Ba't ngayon ka lang?" agad na salubong ni Amyna sa akin nang makalapit ako sa upuan.

Hindi ako pumasok sa first subject at nanatili lang sa secret garden kanina, malayo sa dalawa... malayo kay Ryler at Maddisson.

"U-Uh... late lang akong nagising," walang lingong sagot ko.

Ramdam ko ang mga titig ni Amyna pero mas pinili na lang nito ang manahimik na ipinagpasalamat ko.

Sa klase ay 'di ako nakakapag-concentrate. Ilang beses din akong tinawag ng professor at 'di ko masagot-sagot ang mga tanong nito. I feel like stupid. Muntik pa akong mapalabas dahil sa hindi ko pakikinig.

Ano na ba ang nangyayari sa 'kin? I should be happy dahil nandito na ulit si Yuan. Pero bakit may kulang pa rin? Bakit iba ang hinahanap at iniisip ko?

Pagdating namin ni Amyna sa secret garden para mananghalian ay 'di pa rin ako nagsasalita. Tinitigan ko lang ang kanin na nasa lunchbox ko.

"Is it about Yuan, Lhour?" biglaang tanong ni Amyna dahil sa pananahimik ko. Napabaling ako rito pero halata namang wala akong balak magsalita. But Amyna's face made me decide to talk about what bothers me.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago mag-kwento kay Amyna.

"Nalilito ako, Myna," malungkot sambit ko.

"Sa alin? Sa nararamdaman mo ba para kay Yuan?" tumango na lang ako.

"Mahal mo pa ba?" tanong ulit ni Amyna.

Hindi ko agad mahanap ang sagot ko. Kasi hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Kung ano ba dapat ang maramdam ko. Bakit ganito? Bakit nalilito ako?

"I don't know," pag-amin ko at muling bumuntong hininga. "I think... I still have feelings for him, but it's not like before. Parang... may gap na. I think, he is not the Yuan I owned before."

I sighed again.

Pagkatapos naming mag-usap at kumain ni Amyna ay dumiritso na rin kami sa fourth floor para sa susunod na klase.

My heart beat so loudly just seeing Ryler sitting at the baluster with his friends, wearing a serious look and weary eyes. I can't deny the fact that whatever he looks like, still, he's too handsome not to notice.

Siniko ako ni Amyna kaya bigla akong napatingin sa kanya. Ininguso nito ang direksyon ni Ryler kaya napabalik ang tingin ko sa unahan. Agad ko iyong pinagsisihan dahil kitang-kita ko kung paano hinalikan ni Maddisson si Ryler kahit na maraming estudyante ang nakapalibot.

Nag-iwas ako ng tingin at inaya na si Amyna na dumiritso sa klase.

"What do you think about Yuan, Lhour?" Napalingon ako kay Amyna dahil sa biglaang tanong nito. Nasa kalagitnaan pa naman kami nang pag-q-quiz tapos bigla-bigla na lang itong bumulong ng tanong.

"I mean, are you willing to give him a chance?" dagdag nito kaya huminto muna ako at napaisip din.

"Everyone deserves a second chance, but not everyone is given a second chance," mahinang sagot ko at nagpatuloy sa pagsagot.

Kahit kay Yuan, I don't know if I can give him another chance after what happened. Kahit alam ko na ang dahilan nang pag-alis niya. Because there are many changes already, and my feelings are not exempt from the changes.

I Was Once Like You - COMPLETEDWhere stories live. Discover now