Kabanata 20

289 11 0
                                    

Kabanata 20

Pagod


"Okay na ba ang tuhod mo, Lhour?"

Nasa clinic na ako ngayon dahil pinalagyan ko ng gauze ang sugat ko sa tuhod. Kasama ko si Amyna dito na panay ang mura kina Maddison.

"Ang maldita talaga ng babaeng 'yon eh! Nakakainis!" ulit nito.

Bumuntonghininga ako.

"Ah, okay na ako, Myna, medyo masakit lang ng kaonti." Bahagya kong hinaplos ang galos sa braso ko na nilinis rin ng nurse kanina.

"Palagi ka na lang nasusugatan," komento nito na tinanguhan ko lang. Totoo naman kasi, ang dami ko ng sugat dahil sa pang-bu-bully sa akin, na kadalasan ay kagagawan ni Maddisson.

"Okay lang 'yan. Malayo 'yan sa bituka, tsaka sanay na ako sa mga ganyan," medyo natatawa kong saad kahit na plastic 'yon.

Who would be happy if you'd been bullied, right? Sino ang matutuwa na sinasaktan ka lagi ng mga taong wala namang ambag sa buhay mo? Sino ang matutuwa na pinagkakaisahan ka ng mga taong wala ka naman sanang atraso? Ang gusto ko lang naman mangyari ay makapagtapos ng pag-aaral ng matiwasay. Pero 'di yata talaga iyon mabibigay sa akin.

Maybe, they really don't like me here.

Pero kahit ganoon ay nagpapasalamat pa rin ako na nakapag-aral ako rito. No matter how bad the things get, always remember to count your blessing.

I'm blessed that I studied in this prestigious school. A very good one. I should not include the bullies inside because they're just part of the challenges that I should take down to be successful.

Uwian na at nagpaiwan muna ako sa classroom dahil may tinatapos pa ako. Nauna nang lumabas si Amyna kaya mag-isa na lang ako. May mga iilang estudyante pa rin namang naglalakad pa sa campus. Kailangan ko kasing tapusin ang requirements ko bago ako umuwi para wala na akong iisipin pa pagkatapos ng trabaho sa coffee shop.

Naglalakad na ako patungo sa teacher's office para ihatid ang mga quizzes na pinaayos ng prof namin. Pero sadyang minamalas yata talaga ako at makasalubong ko pa ang grupo ni Maddison. Nagtatawanan ang mga ito nang namataan ako kaya yumuko na lang ako para hindi mapagtripan. Pero sino ba naman ang niloloko ko.

Tumigil sa harapan ko si Maddisson kaya napahinto rin ako. I gulped.

"You know what guys, I don't really like this face!" Tinusok-tusok ni Maddisson ang pisngi ko kaya todo iwas naman ako.

Humakbang na lang ako para iwasan ito, pero tulad ng kadalasang ginagawa nina Maddison, pinatid na naman ako.

Napapikit ako sa hapdi ng sugat ko. Kalalagay nga lang ng guaze kanina sa tuhod ko, ngayon nadagdagan na naman iyon.

Ang sarap-sarap umiyak. Gusto kong magreklamo na ang sakit na ng ginagawa nila. Gusto kong sabihin na sana tama na dahil nasasaktan din naman ako. Pero kahit anong maramdaman ko, alam kong wala namang pakialam sina Maddisson sa akin. My pain is their happiness.

"Tanga!" sabay tawa nila.

Pagkatapos magtawanan ay naglakad na rin ang mga ito palayo sa akin. Nakahinga ako ng maluwag. Umupo ako sa semento at inihilig ang likod sa dingding ng building. Nakapikit at napapangiwi ako dahil sa hapdi ng sugat ko na tumama na naman sa sahig kanina.

A lone tear escape in the corner of my eyes kaya hinawi ko rin iyon. Nakakahiya at umiyak pa ako. Dapat masanay na ako.

My heart throb dahil sa naisip.

"Parang wala talaga akong karapatang masaktan ah," nakapikit na usal ko at naramdaman ko na naman ang pagdaloy ng isang butil ng luha sa pisngi ko.

"Huwag kang umiyak, Lhourense, masasanay ka rin," dagdag ko at pilit na ngumiti.

I blew a loud breath before I wiped off my tears and opened my eyes. And to my surprise, Reevan Skyler was kneeling his right knee in front of me at inayos ang mga papel na nagkalat dahil sa pagkakadapa ko kanina. Napatunganga ako habang nakatingin kay Ryler na tahimik lang habang pinupulot ang mga papel.

Agad nagbadya ang mga luha ko pero yumuko ako para hindi nito makita ang reaksiyon ko.

He is very serious and his eyebrows are knotted like he is very irritated. My heart ached when he looked at me. Quite literally, my heart skipped a beat, made me stunned for a minute and had hard breathing.

His smell is occupying every space in my nostrils. I can't take my eyes off of him, but he avoided my gaze. He continued picking the papers and gave them to me when he had done. My hand is shaking while accepting it.

"Thank you," I said, despite my trembling voice.

He just nod kaya umamba na akong tatayo pero na out balance ako. Ryler's reflexes was fast enough, kaya nahawakan agad ako neto sa beywang.

Nanginig ang kanang binti ko at ramdam ko ang pagdaloy ng sakit galing sa tuhod ko. Siguro namutla ako dahil sa biglaang sakit.

Ang sakit-sakit na talaga ng mga tuhod ko. Kung puwede nga lang na dito na lang ako hanggang bukas, magpapahinga, gagawin ko. Kasi pagod na pagod na talaga ang buong katawan ko para sa mga pasakit na nangyayari sa akin ei.

Gustong-gusto ko nang sumuko. Ang hirap lumaban lalo na't parang wala na namang dahilan ang mga ginagawa ko ei.

Kung sana lang sinama ako nina Mama noong umalis sila e 'di sana magkasama parin kami hanggang ngayon.

Naramdaman ko ang paglandas ng luha ko sa pisngi kaya nagmamadali akong punasan iyon, dahilan para muntikan na naman akong matumba.

I cursed in my mind.

"Careful." Mahina pero alam kong hindi ako nagkakamali sa narinig ko.

Agad akong umayos nang tayo kahit na nanginginig pa rin ang binti ko at nagpasalamat ulit bago ko tinalikuran si Ryler.

Paika-ika akong naglakad papasok sa teacher's office at binigay sa prof ang quizzes at umalis rin pagkatapos.

Makapal na ang mukha ko kung hihilingin ko pa na sana ay naghihintay sa akin si Ryler. Pero tulad nga ng inaasahan ko, wala na ito kaya para akong sira dahil halo-halo ang nararamdaman ko. Panghihinayang at sakit. Hindi ko na maintindihan.

Sana hindi ako nag-assume. Sana hindi ako nag-expect. Alam ko naman kasing naawa lang siguro si Ryler sa akin kanina kaya ako nito tinulungan.

I sighed.

People break their own heart because of expectations. Kaya from now on, I won't expect too much if I don't want to get hurt so much.

Tumingin muna ako sa relo ko bago napagpasyahang dumaan muna sa secret garden. 5:30 pa naman, magpapahinga lang ako sandali kasi sa tuwing pinipilit kong ihakbang ang mga paa ko ay humahapdi ang tuhod ko.

Inilibot ko lang paningin sa buong secret garden habang nililipad ng hangin ang buhok ko. Pababa na ang araw kaya nakatulala ko itong pinagmamasdan. Makalipas lang ang ilang minuto ay tumunog ang cellphone ko para sa isang text messages. Agad kong tiningnan kong sino iyon.

Nakita ko ang mensahe ni Yuan.

Yuan: Out mo na? Can we have a dinner, Vhanney?

Nagtagal muna ang tingin ko sa text messages ni Yuan. Nagdadalawang-isip ako dahil may trabaho pa ako. Pero alam ko namang maintindihan ako ni Enzo.

Yeah sure... magpapaalam lang ako kay Enzo na hindi muna ako papasok.

I tapped the send button at tinitigan muna ang screen ng ilang saglit.

Bumuntonghininga ako.

"Pagod na ako... pero dahil nandiyan pa naman kayo, kakayanin ko muna. Susuko na lang ako kapag alam ko na na hindi niyo na ako kailangan, kapag wala nang nangangailangan sa akin, at kapag settle na kayong lahat. Susuko rin ako kapag alam ko nang... wala na akong halaga."

Pinunasan ko ang luha ko. Kahit kailan luha talaga ang lagi kong karamay tuwing nag-iisa ako.

My phone bepped pero hindi ko na pinansin iyon at inayos na lang ang bag at tumayo na.

"Please don't go."

Napaigtad ako dahil sa biglaang pagsasalita si Ryler sa likuran ko. Muntik ko pang maihagis ang cellphone ko sa gulat.

"Just stay."

I Was Once Like You - COMPLETEDWhere stories live. Discover now