Kabanata 09

305 10 0
                                    

Kabanata 09

Normal


"Hey, you're too early!" napalingon ako sa nagsalita sa likuran ko.

It was Ryler. As usual, he looked like a model in his posture. You really can't deny the fact that he is rich.

"Ah, wala na kasi akong ginagawa sa boarding house," nahihiyang sagot ko.

Ryler is really handsome, kaya 'di na kataka-taka kung bakit ang daming babaeng naghahabol dito. Hindi lang talaga siguro pinapahalata ng iba kasi alam ng lahat na si Maddisson ang makakabangga nila. Kaya imbes na ipakita ang kanilang paghanga ay hindi na lang at tahimik na pinagmasdan na lang ito sa malayo, humahanga sa tahimik na paraan.

"May hinihintay ka rito? O dito ka lang talaga tumatambay?" Inaayos ko muna ang pagkakasabit ng salamin sa mata bago ito sinagot.

"Hinihintay ko si Amyna, dito kasi kami palaging nagkikita," nahihiyang tugon ko. Umusog pa ako ng kaonti dahil umupo ito sa tabi ko.

Agad kong naamoy ang panlalaking pabango nito na nanunuot sa ilong ko. Napapikit pa ako nang sumagi ang braso nito sa siko ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko dahil sa saglit na pagkakadikit ng balat namin. 'Yong nararamdaman ko hindi ko maintindihan, para akong kiti-kiti na nilagnat!

I heard Ryler heaved a sigh. I looked at him and saw sadness in his eyes.

"Ahm... m-may problema k-ka?" alanganing tanong ko. Tumitig ito sa akin sandali bago ngumiti ng pagkatamis-tamis.

Naku naman! Kung ganyan naman siya araw-araw, hindi na ako magtataka kung makakalbo ako!

"Concern ka sa akin?" Sabay pakawala nito ng nakakalokong ngiti kaya bahagya akong natigilan. Pero bago pa man ako makapag-protesta ay nag-bell na hudyat na magsisismula na ang first class ko.

Nagmamadali akong tumayo dahil male-late na ako. Hindi ko man lang namalayan! Nakakainis!

"Wait, sabay na tayo."

"Nooo!" agad na alma ko. Kumunot naman ang noo ni Ryler dahil sa reaksyon ko kaya pilit na pilit akong ngumiti.

"Ah... kasi male-late ka na rin. Tsaka tatakbuhin ko kasi ang room mula rito kaya maiiwan kita. Sige ha. Alis na ako!" natataranta kong saad tsaka nagsimulang tumakbo.

Humahangos ako nang nakarating sa classroom. Si Amyna ay nakaupo na habang nakangisi sa akin nang nakakaasar. Ang lakas nang pintig ng puso ko dahil sa pagtakbo.

"Bitch! Ang dungis mo! Hindi talaga nababagay ang basura rito!" rinig kong sigaw ng isang kaklase namin tsaka nagtawanan ang mga ito.

"Sino ba kasing nagpapasok ng pulubi rito?" inis na dagdag ng isa pang kaklase namin tsaka binuntotan na naman nang tawanan.

Umupo na lang ako sa upuan ko katabi ni Amyna na nawala ang ngisi sa labi. Naiinis na itong nakatingin sa mga kaklase namin na wala namang pakialam sa marararamdaman namin.

"Hayaan mo na lang," bulong ko at humarap na sa white board.

Nagsimula agad ang klase namin sa English. Bumubulong-bulong naman si Amyna sa tabi ko, pero 'di ko na lang ito pinansin. Parang baliw, kanina pa nag-uungot nang dumating ako.

"Hoy! Kanina ka pa umuungot diyan?" mahinang bulong ko pero ang paningin ko ay nanatiling naka-fucos sa harapan.

"Saan ka ba kasi galing at muntik ka ng mahuli kanina?" agad na tanong ni Amyna nang magpaalam na ang prof namin sa unang subject.

Naglalakad kami ngayon pababa sa engineering department. Kakatapos lang ng huling subject namin.

"Sa secret garden nga. Hinihintay kita pero nauna ka na pala." I sneered at her. Nagkandalaglag pa ang librong bitbit ko nang may bumangga sa akin. 'Di man lang nag-sorry, sa halip ay nagtawanan pa ang mga ito.

"Tss! Letsi naman oh! Bulag ka ba?! "singhal ng isang engineering na bumunggo sa akin.

"S-Sorry," hingi ko na lang ng paumanhin. Ayaw ko naman kasi na hahaba pa ang usapan kaya ako na lang ang hihingi ng pasensya.

"Akala mo naman ang ganda-ganda! Kung makamura mukha namang impakto!" inis na saad ni Amyna nang makalayo na kami sa mga estudyante. Bumuga na lang ako ng hangin dahil sa araw-araw na nangyayari sa buhay ko.

"Alam mo minsan, naiisip ko kung... paano kaya kung lumaki akong mayaman at normal?" malungkot na tanong ko kay Amyna habang nakaupo kami sa p'westo namin.

Amyna blew a loud breath.

"Normal tayo. Normal ang pananamit natin, ang hindi normal ay 'yong mga abnormal na estudyante na kung makalait akala mo perpekto!" saway sa akin ni Amyna.

Pilit ko mang pinapagaan ang loob ko ay hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan dahil sa trato sa mga katulad namin.

Gusto ko lang naman mag-aral nang mabuti para makapagtapos at magkaroon ng magandang kinabukasan. Pero bakit ganito kami kung tratohin? Kasalanan ba ang maging mahirap? Kasalanan ba kung mas pipiliin naming ang mag-aral na lang ng mabuti?

Kahit nalulungkot ay pinagpatuloy ko na lang ang pagkain at pakikipag-usap kay Amyna. Iniisip ko na lang na masasanay rin ako rito. Bagong buhay ko na naman ito dahil bagong paaralan ko ito. 

I Was Once Like You - COMPLETEDWhere stories live. Discover now