Kabanata 14

278 12 0
                                    

Kabanata 14

Back


Sa pagpapatuloy ng kanta ay siya rin ang patuloy na pagbasak ng mga luha ko. Tiningnan ko si Ryler na nakatulala lang habang nakatingin sa akin.

Nakatulala lang din akong nakatingin kay Yuan na naglalakad palapit sa p'westo ko bitbit ang gitara nito nang matapos itong kumanta.

My tears keeps on falling.

Mahigpit na yakap at mga palakpak ang nagpabalik sa ulirat ko. Nilibot ko ang tingin ko at doon ko lang napansin ang mga ka-board mate ko na nanunuod. Halata sa mga mukha ng mga ito na kinikilig.

But... why I don't feel the same way. Bakit sakit lang ang tanging naramdaman ko?

"Y-Yuan?" I stammered.

"I miss you so much," nakangiting pahayag ni Yuan pero nahagip ng tingin ko si Ryler na nananatiling nakatayo sa gilid, tahimik na nanonood sa amin.

"Ssshh... stop crying." Hinawakan ni Yuan ang pisngi ko at hinarap para punasan ang luha ko.

Napalunok ako dahil sa mga titig ni Ryler. My eyes are switching from Yuan to Ryler, and vice versa.

"W-What are you doing... here?" paos ang boses na tanong ko kay Yuan nang makabawi ako sa gulat kaya bahagya itong natawa.

"Aren't you miss me? Don't you like the song?" Nanunukso ang ngiting nakapaskil sa labi nito.

Matagal bago ako sumagot dahil nilingon ko pa ulit si Ryler.

"I... do." Napayuko ako dahil sa sagot ko. Huli na para bawiin ang sinabi ko.

Yes, I admit, I missed him so much. And I like the song he sang, in fact, it's our theme song. But... he already left me, why he came back?

Paglingon ko ulit ay wala na si Ryler sa kinatatayuan nito kanina. Nakita ko na lang ang sasakyan nitong umandar na papalayo sa amin... papalayo sa akin.

Nagsalita naman si Yuhan kaya napabaling ulit ako rito. Seryoso na ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Unti-unti na ring nagsipasok ang mga kasamahan ko sa kani-kanilang kwarto hanggang sa kami na lang ang naiwan ni Yuan sa labas.

"I really missed you, Lhourense." I can feel the sincerity in Yuan's voice.

May kung anong tumusok sa dibdib ko sa mga salita nito dahilan para masaktan ako... ulit.

Yuan's eyes spoke more than his lips. I knew it, because, he is still the Yuan I have loved before.

Humakbang palapit sa akin si Yuan pero umatras naman ako. Parang déjàvu lang when Ryler steps forward, I take a step backward. And now, to Yuan. His expression was the same as Ryler's earlier: shocked and a bit confused.

"I'm sorry." Yumuko si Yuan at ramdam na ramdam ko ang panghihinayang sa boses nito. "Can we talk tomorrow? I guess you need to take a rest now. You looked exhausted." Tumango ako at hindi na nagsasalita. I still at the stage of shocked and confused too. At hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin ko. Masyado akong nagulantang.

"Please, lend a time for me tomorrow, Lhour... I miss you so much," malungkot na saad ni Yuan na tinanguhan ko lang ulit.

"I'll go now. Good night." Isang tango na naman ang ibinigay ko matapos akong halikan ni Yuan sa noo nang mabilis. Pumasok ito sa sariling sasakyan na hindi ko napansin kanina na nandoon pala.

Nang tuluyan nang nawala sa paningin ko ang sasakyan ni Yuan ay tsaka lang ang nakahinga ng maayos. Para akong nakalutang habang naglalakad papasok sa boarding house.

Hindi pa rin nag-p-process sa isip ko ang mga nangyari kanina. Pero isa lang ang tumatak sa isipan ko ngayon.

Yuan is back... for real.

I Was Once Like You - COMPLETEDWhere stories live. Discover now