Kabanata 02

640 21 0
                                    

Kabanata 02

Familiar


Inubos ko ang bakanteng oras sa paglilibot kanina sa campus. Amyna toured me around and show some places. Habang nakikita ko ang ibang parte ng paaralan, ay mas lalo akong humahanga. Aside from the basketball court in front of the school, there is also here in auditorium. There library also is so big that I almost drop my jaw in amazement. There is also a swimming pool na parang kalahati ang laki ng campus namin dati. May mga lockers din para sa mga estudyante. At pati sa rooftop ay pinasyal ako ni Amyna, which amazed me even more dahil sa dami ng mga pigeons na minsan ay pinapakain din ni Amyna. While roaming around, feeling ko nasa ibang bansa ako. Ang ganda-ganda na para bang napakaperpekto para magkaroon nito rito sa Isla Grande.

"Saan ka dati nag-aaral, Lhour?" Amyna is sipping on her black forest shake.

Nakaupo kami ngayon sa isang bench dito sa secret garden ng SLC. Dito kami kumain ng tanghalian dahil wala raw tao rito kapag tanghali. Ang lahat ay nasa cafeteria. Buti na lang talaga at may kaibigan na agad ako, at least hindi ako nag-iisa sa unang araw ko at magmumukhang tanga.

"Sa isang public university sa El Salvador," sagot ko habang ngumunguya ng pagkain. Tumango-tango si Amyna sa akin.

"Public? Bakit sa public? Wala bang private colleges do'n?" Amyna asked again. Umiling ako.

"Meron naman, 'di nga lang namin afford." I shrugged it off. 'Yon kasi ang totoo. Hindi ko afford ang mag-aral sa isang pribadong paaralan. Mga mayayaman lang ang nakakapag-aral doon. I struggled everyday for my daily needs, how much more for my school expensis?

"Oh? Ba't ka nakapasok dito sa SLC kung gano'n? E private ito?" nagtatakang tanong ni Amyna. Sino ba kasi ang hindi magtataka kung sa pagkain mo nga nahihirapan kang sustentohan, how much more ang tuition sa isang pribado at mamahalin na paaralan?

"Through scholarship." I chewed the food in my mouth and get my water.

"Oh? May scholarship na pala rito?" Amyna is obviously clueless kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit? Wala bang scholars dito dati?" nagtataka kong tanong. Nagkibit-balikat lang si Amyna tsaka pinagpatuloy ang pagkain.

I did the same. Sa bagay, hindi na ako magtataka kung bakit walang scholars dito. Ang yayaman naman kasi ng mga nag-aaral dito. Tsaka ang mahal ng tuition fee! Kahit siguro magtrabaho ako 24/7 'di ako makakabayad! Kaya salamat na rin at may scholarship na.

Ang Sierra Leona Colleges kasi ay ang pinakamahal na paaralan dito sa Isla Grande. Tanging mga anak ng mga mayayaman lang ang nakakapag-aral dito, p'wera na lang sa akin kasi nga scholar lang ako rito kaya ako nakapasok. Ang hirap-hirap din ng entrance exam nila ditto na para bang wala kang karapatang makapasok kung hindi mo paghihirapan ang mga sagot mo sa bawat tanong. Buti na lang ipinanganak akong bookworm kung hindi ay baka sa kangkonggan ako pupulutin! Nagsunog nga ako ng kilay makapasa lang!

Amyna Stillers is just one of those rich kids who study here. She's a daughter of a businessman here in Isla Grande, pati na rin sa mga kalapit na isla at sa mismong Manila. She can even afford to study abroad if she wants too.

"Saan ka pala nakatira, Lhour?" tanong na naman ni Amyna makalipas ang ilang sandali. Hindi ako sanay na may nagtatanong sa akin na kaklase ko, kasi wala namang nagtatanong sa akin dati maliban na lang kay Enzo na kaibigan ko. Kaya ngayon parang naninibago ako.

"Two blocks away from here."

"Walking distance lang pala?" Tumango ako.

"Hmm... maganda nga 'yon eh, para maglalakad lang ako. 'Di na ako gagastos para sa pamasahe. Makakatipid rin ako."

I Was Once Like You - COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt