Kabanata 23

280 13 6
                                    

Kabanata 23

Takot


Nothing is forever. Coffee cools. Smoke dissipates. Time passes. And people change.

Iyan ang mga salitang paulit-ulit na nagpapaalala sa akin sa nakaraan. Yes, people do really change and Ryler is one of them.

Sa gate palang nakita ko na si Maddisson na umiiyak. Pinapatahan ito ni Ceyda, isa sa mga kaibigan nito. Panay ang hagod sa likod. Pero nang makita ako, parang umurong yata ang mga luha ni Maddisson dahil sa nanlilisik na tingin sa akin. Napalunok ako dahil sa kaba.

Mabilis itong naglakad palapit sa akin at 'di ko na nagawang umiwas pa nang malakas na sampal ang isinalubong ni Maddisson sa akin. Agad nagtubig ang mga mata.

Ang sakit! Ramdam ko ang galit sa paraan nang pagsampal ni Maddisson sa akin.

"How dare you! Malandi ka talaga! Mang-aagaw!" Napaigtad ako dahil sa lakas nang sigaw ni Maddisson at hindi ako nakapagsalita.

"Ano ha! Masaya ka na! Nasa 'yo na si Ryler! Ano pa ang gusto mo!" sigaw ulit ni Maddisson at sinampal na naman ako sa kabilang pisngi. Hinila na rin nito ang buhok ko kaya nabitawan ko ang mga librong hawak-hawak ko.

Napapikit ako.

Sobrang hapdi ng pisngi ko at sobrang sakit ng ulo ko dahil sa pagkakasabunot ni Maddisson kaya 'di ko na napigilang mapahikbi.

This is the worst thing that has happened to me in this school. And I'm looking forward to the next.

"Maddisson! That's enough!" sigaw ni Ryler ang dahilan nang pagbitaw ni Maddisson sa buhok ko.

Patuloy pa rin ang paghikbi ko dahil sa sakit, feeling ko, makakalbo na ako dahil sa higpit nang hawak nito sa buhok ko kanina.

"That bitch! Bagay lang sa kanya 'yan!" Dinuro-duro pa ako ni Maddisson. Hawak-hawak ito ng isa sa mga kaibigan ni Ryler na si Shawn.

Nagpupumiglas si Maddisson kaya pilit akong itinago ni Ryler sa likod. Pero parang namanhid ang katawan ko at ayaw gumalaw.

Maraming estudyante na ang nakiki-usyoso sa nangyari. Marami ang nagbulong-bulongan.

"Stop it, Maddi! Walang kasalanan si Lhourense sa desisyon ko! Tanggapin mo na lang ang sinabi ko sa 'yo!" sigaw ulit ni Ryler na halatang iritado na rin sa kakasigaw ni Maddison.

"No! You are mine! Inagaw ka lang ng babaeng 'yan! Malandi! Manang-mana sa ina niya!" Buong lakas kong sinampal si Maddisson nang hindi ako nahawakan ni Ryler.

Nanlaki ang mga mata ni Maddisson dahil sa gulat. Galit na galit ako at feeling ko nanginig ako.

I heard people around me gasped in shock, mumbling hurtful words and cussing me too. But I don't give a damn!

Nanginig ako sa galit na nararamdaman ko para kay Maddisson. Para sa mga kaibigan nito, para sa mga estudyanteng walang ibang ginawa kun'di pagtawanan at bully-hin ako. Lahat ng iyon ay parang naramdaman ko ngayon.

I am not sorry for what I did, because she talked ill about my mother!

Tumahimik ang paligid. Nagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa paghahabol ko ng hininga.

"Insult me all you want, but never include my mother. She is way, way better than what you think. Wala kang ni katiting na karapatan para magsalita tungkol sa mga magulang ko!" Puno ng diing saad ko habang matalim ang matang itinutok kay Maddisson.

"At kung ang rason ng ipinagpuputok ng butsi mo ay lalaki..." rinig ko ang bahagyang tawanan ng mga nanunuod sa amin.

"Lhourense," pigil ni Ryler sa akin pero hindi ko ito binalingan.

Hinawakan ako ni Ryler sa braso pero winaksi ko iyon at tanging kay Maddisson lang nakapako ang mata ko.

"Kung si Ryler ang ipinagpuputok ng butsi mo, Maddisson, 'wag mo akong idamay sa kabaliwan mo sa kanya. Dahil hindi ako ang tipo ng babaeng naghahabol ng lalaki. Nakikipag-away para sa lalaki. Nangbu-bully dahil takot na maagawan ng lalaki at umaasta na para bang nagkakaubusan na."

I smirked because of the anger that shows in Maddisson's eyes. Ngayon lang yata ako ginanahang makaharap si Maddisson.

"Kung isang basura lang ako sa paningin mo, bakit takot na takot kang pansinin ako ng isang Reevan Skyler? Bakit galit na galit ka tuwing tinutulungan ako ni Ryler?" madiin na tanong ko.

"Well, ako na ang sasagot. Kasi hindi mo matanggap sa sarili mo na ang taong tinatawag mong basura ay nagpapabangon ng takot diyan sa puso mo. Takot sa katotohanang kahit gaano ka pa kaganda, kayaman at katalino. Gaano ka man tinitilian at kina-iinggitan ng mga kababaihan. Gaano ka man tinitingala ng mga kalalakihan, may isang basurang katulad ko ang naka-agaw ng pansin ng taong gustong-gusto mo. At hinding-hindi mo iyon kayang tanggapin sa sarili mo dahil duwag ka, sanay ka na nakukuha mo ang lahat. Sanay ka na ikaw ang tinitingala ng lahat. You can't just accept it."

Hindi ko alam kung dahil ba sa galit ko at sa lahat ng ginawa ni Maddisson sa akin kaya ko nasabi iyon. Hindi ako sanay na magsabi ng masasakit na salita kanino man dahil ayaw ko nang ganoon. Ayaw kong makasakit ng ibang tao. Pero siguro dahil napuno na ako at sinali ni Maddisson ang magulang ko.

"If you think I am sorry for what I did to you, then think again, because I will never be. Hindi ka nga nagso-sorry sa akin na ang dami mong ginawang masama eh, ako pa kaya na ibinalik lang ang ginawa mo?" I said it with my gritting teeth and raising brow.

Maddisson was still holding her face. At sa tingin ko ay tatatak doon ang palad ko, sa puti niyang niyan, at sa lakas nang pagkakasampal ko, tingnan lang natin kung hindi ko mabilang ang daliri ko sa pisngi niya.

"If I really was a bitch, I'd make your life a living hell. But instead, I'll just sit back and watch you do it yourself," I added with finality and a smirk in my lips.

Tahimik pa rin ang paligid at hindi ko man lang narinig ang kadalasang bulong-bulongan na nakasanayan ko na.

"No! Ryler is mine! Mine alone! Quit dreaming bitch!" sigaw ulit ni Maddisson nang maka-recover na sa ginawa ko.

"Sino ba ang nagsabing aagawin ko si Ryler sa 'yo? Itali mo siya sa leeg mo nang mahigpit kung ayaw mong maagaw siya ng iba," naiinis na untag ko.

"You'll regret this, bitch!" Maddisson shouts. Bahagya akong pumikit at akmang aalis na sana.

"Shut up, Maddi! I already told you that I love her! Nothing is between us, just a mere friendship. I love Lhourense. Do you get it?"

Kasabay nang sigaw ni Ryler ay ang pagtahimik ni Maddisson at parang tanging kabog lang ng dibdib ko ang naririnig ko.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Ryler at Maddisson. Binalot ng katahimikan ang paligid at ang pagtaas-baba lang ng balikat ni Ryler dahil sa hingal nang pagsigaw nito ang tanging galaw na nakikita ko.

But not anymore, kasabay nang pagbuga ko ng hangin ay ang pagbuhos ng luha ni Maddisson at ang pagkakatumba ni Ryler sa semento.

Nakita ko na lang na sinusuntok na ito ni Yuan at hindi man lang lumaban si Ryler.

Nasa gate pa kami ng SLC at marami ang nakakakita sa amin kahit na mga dumadaan.

Hindi ako nakagalaw. Nakatitig lang ako kay Yuan at Ryler dahil sa takot na baka mapa'no ang dalawa.

"How could you do this to me, Ryl!" sigaw ni Yuan at malakas na sinuntok si Ryler na nanatiling nakahiga sa semento.

I Was Once Like You - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon