Kabanata 18

270 12 0
                                    

Kabanata 18

No


Maybe he deserves a second chance. But the question is... am I willing to give in? Because I am torn between giving Yuan a second chance or just leave everything in the past.

Tulad ng nakasanayan, nandito ako sa Euthopia para magtrabaho. Kanina ko pa iniisip at paulit-ulit na iniisip kung bibigyan ko nga ba ng second chance si Yuan o hindi.

Enzo got furious when I told him that Yuan is back kaya 'di ako naka-duty kahapon. He got mad, not because I don't work, but because he was worried about me. And I really understand him. And I also ask for forgiveness for what happened.

"Next time, Manang, tell me about what's happening in you. I am so damn worried! Akala ko may kumidnap na sa 'yo!" Pinapagalitan ako nito sa opisina dahil sa nangyari.

"Sino naman ang shunga na kikidnap sa akin? Baka nga malayo pa lang tumakbo na ang mga 'yon dahil sa itsura ko." Nakanguso kong bulong sa sarili. Alam ko rin naman kasi na kasalanan ko kasi hindi ako nagpaalam kay Enzo kahapon.

Pagkatapos mag-usap ay nagsimula na akog magtrabaho agad. I need to divert my attention para hindi ko na isipin ang mga nangyari.

May dala akong kape para sa isang customer nang biglang may bumangga sa akin. Natapon ang mainit na kape sa braso ko.

Napapikit ako dahil sa mainit na likidong dumaloy sa braso ko.

"Sorry, Ma'am, sorry po," nakayukong hingi ko nang paumanhin tsaka natatarantang naglakad sa counter para kumuha ng tissue.

Pero hindi pa man ako nakaka-abot sa counter ay nahila na ako ng kung sino pabalik. Hawak nito ng mahigpit ang buhok ko, bukod sa sakit ng napaso sa braso ko, iniinda ko rin ang sakit ng anit ko.

"Kahit kailan talaga puro katangahan ang pinapa-iral mong pulubi ka!" Sa boses pa lang ay alam ko na na si Maddisson ang nakabunggo sa akin.

"P-Pasensya na, Ma'am Maddisson, 'd-di ko s-sinasadya." nakapikit ako habang humingi ng paumanhin, pero naging dahilan pa rin iyon para mas lalong higpitan pa nito ang pagsabunot sa akin.

Naiiyak ako pero sinubukan ko pa ring tanggalin ang kamay ni Maddisson sa buhok ko. Ang sakit nang pagkakahawak nito.

Guminhawa lang ang pakiramdam ko nang itulak ako ni Maddisson sa sahig at binitiwan rin ang buhok ko. Sabog-sabog na ang buhok ko dahil sa pagkakasabunot nito, pero 'di ko na ito inintindi pa. Kasama ni Maddisson si Ceyda at Gladen na wala man lang ginawa kun'di ang tawanan ako. Well, what do you expect.

"What's happening in here!?" Biglaang sulpot ni Enzo at lumapit sa akin para tulungan akong tumayo.

"Enz, sorry natapon ko kasi 'yong kape dahil nabangga ako sa kanya. Hindi ko sinasadya." Yumuko ako dahil sa sakit pa rin ng anit ko.

"Hindi sinasadya? Nagpapatawa ka ba, hah! Ang sabihin mo gusto mo akong tapunan ng kape dahil naiinggit ka sa 'kin! Naiinggit ka dahil kami na ni Ryler!" sigaw ni Maddisson sa akin kahit out of topic naman talaga ang sinabi nito.

"H-Hindi 'yan totoo. Anong pakealam ko kung kayo na ni Ryler?" matapang na sagot ko kaya mas lalong nagalit si Maddisson sa akin.

Akma ulit ako nitong lalapitan pero agad na nahawakan iyon ni Enzo at nilagay rin ako sa likuran.

"Shut up, bitch! Alam kung may gusto ka kay Ryler! Kaya ka gumaganti sa 'kin kasi hindi mo matanggap na ako ang mahal niya! Malandi ka!" sigaw na naman ni Maddisson.

Nakaka-agaw na kami ng pansin sa ibang customers na karamihan ay estudyante rin sa SLC. Lumilingon ang mga ito sa akin at halatang naiinis rin. Kitang-kita ko ang pag-irap ng mga ito at maarteng pina-ikotan ako ng mata.

Yumuko ako dahil nahihiya ako kay Enzo. Dito pa talaga mismo sa loob ng coffee shop nagkagulo.

"How sure are you, Miss, that Lhourense likes your boyfriend?" Mahinahon ngunit seryosong tanong ni Enzo kay Maddi. Tumawa naman si Maddisson at halatang nang-iinis.

"Why not ask your dirty waitress instead, Mister?" Nag-angat ako ng tingin dahil sa sinabi ni Maddisson. Napalunok ako dahil bigla na lang akong kinabahan at parang nanunuyo ang lalamunan ko nang balingan ako ni Enzo.

"Do you like him, Lhourense?" diritsahang tanong ni Enzo sa akin.

Nginisihan ako ni Maddisson na halatang handa akong ipahiya sa oras na magkamali ako nang sagot. Siguro hindi naman talaga ang pagkakape ang sadya ni Maddisson at mga kaibigan niya kaya sila nandito. Siguro sinasadya talaga nitong dito pumunta para ipahiya ako.

Pero hindi ko siya hahayaang ipahiya pa ulit ako. Ilang beses pa akong napalunok bago ako tuluyang nakasagot.

"No. I don't like him. I don't like Ryler." Walang pag-aalinlangan kong sagot.

Tinitigan ko si Maddisson at kita ko kung paano ito ngumisi bago ko narinig ang malakas na pagsara ng glass door ng coffee shop. Paglingon ko ay nakita ko si Ryler na naglalakad na ito palapit sa kotse. Pagpasok nito sa sasakyan ay agad nitong pinaharurot palayo sa Euthopia.

My heart throb at parang gusto kong magsisi sa sinabi ko. Gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi narinig ni Ryler ang sagot ko pero parang malabo yata 'yon. Sa paraan pa lang kung paano pinaharurot ni Ryle rang sasakyan ay alam ko nang narinig nito ang sagot ko.

I Was Once Like You - COMPLETEDWhere stories live. Discover now