Kabanata 29

331 13 0
                                    

Kabanata 29

Brother


I was taken aback when I saw the Mercedes Maybach in front of our boarding house. Parang gusto ko tuloy huwag na lang lumabas at pumasok ng paaralan, but LG spotted me already. At ang nakakainis, ang nang-aasar na ngiti nito sa labi na mas ikina-gwapo nito, dahilan para palibutan ito ng mga babae na ka-boardmates ko. Pati 'yong landlady namin, eh naki-tsismis rin.

"Excuse me, ladies, my princess has already arrived." I rolled my eyes to LG nang marinig kong nagpaalam ito. LG just let out a bark of laughter kaya parang kiti-kiting kiniliti ang mga kababaihang nakapaligid dito.

"What do you mean by she's your princess?"

"What?"

"But—" reklamo ng mga babaeng ang sarap hambalusin. Nakabusangot ako nang lumapit si LG at inakbayan ako.

"Good morning, Princess." Salubong sa akin ni LG at hinalikan ako sa noo at pisngi. Ang laki pa ng ngiti nito pero nakabusangot lang ko.

"What's with that face?" tanong nito nang umupo ito sa driver's seat. Tinulungan rin ako nitong ayusin ang seatbelt ko.

"Nakakahiya 'to!" reklamo ko at ito naman ang nangunot ang noo.

"What? Sa gwapo kong 'to nahihiya kang kasama ako? Ikaw na nga 'tong may gwapong driver, ikaw pa 'tong nagrereklamo?" Irap lang ang isinagot ko kay LG dahil sa kahanginan nito.

Pero totoo rin naman kasi. Matutulala ba ako no'ng una ko siyang nakita kung hindi 'di ba?

Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang kapatid ko siya at nakita ko ang mga magulang... namin. Hindi pa ako makapaniwalang nayakap ko sila ng mahigpit.

Pagdating namin sa SLC, pinagtitinginan na agad ang sasakyan ni LG. 'Yong iba humihinto talaga at lumilingon ulit nang mapansin ito. Tatanggalin ko na sana ang ang seatbelt ko nang ipasok ni LG ang sasakyan at ni-park ng maayos. Tinaasan ako nito ng kilay nang binalingan ito. Imbis na magtanong ay pinabayaan ko na lang ito sa gusto.

Bumaba si LG at pinagbuksan ako.

Paglabas ko, rinig na rinig ko ang impit na tilian ng mga babaeng nakamasid sa amin. Pero wala do'n ang atensyon ko kun'di nasa harapan kong sasakyan, nasa kay Ryler.

Seryoso lang itong nakatingin sa amin. Tingin na hindi ko kayang labanan kaya iniwas ko na lang ang paningin. Aaminin ko, sobrang namimis ko siya, pero alam kong may kasalanan ito sa akin. Nakita ko rin si Maddisson sa likuran nito at nakatingin ng masama sa akin. What do you expect right?

"Why he stared at me like that?"

Nilingon ko si LG nang bumulong ito sa akin. Ang laki ng ngisi!

"I smell something fishy," dagdag nito.

Ngumuso ako.

"Bunganga mo 'yon, 'di ka kasi nag-to-toothbrush!" bulong ko rin rito.

"Bumabawi ka na sa 'kin ah! Bati na tayo?" Ngiting-ngiti ito sa akin tsaka ako inakbayan.

Hindi ko man sinasadya pero napapagawi talaga ang tingin ko kay Ryler na sana hindi ko ginawa, ang talas na ng tingin nito sa akin.

Naglakad na lang ako paakyat sa 3rd floor para sa unang klase. Panay ang tingin ng mga estudyanteng nakakakita sa amin. Ang laki ng mga ngiti ng mga babae pero t'wing nagagawi ang tingin nito sa akin, ay halatang nandidiri ang mga ito. Hindi ko na lang pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad.

"Susunduin kita mamaya kaya huwag kang gagala kung saan-saan," paalam ni LG tsaka ako hinalikan nito sa noo.

Naririnig ko na naman ang mga bubuyog sa paligid na nagbubulungan. Tumango na lang at 'di na nagreklamo pa para umalis na ito. Kinawayan ko muna si LG bago pumasok sa classroom.

"Psst! Sino 'yon?" Salubong ni Amyna at ininguso pa nito ang gawi ni LG kanina.

"Ahh... si LG," maikling sagot ko at nagkibit-balikat. Tiningnan ako ni Amyna ng nagdududang tingin pero inikotan ko lang ng mata.

Alam kong marami siyang gustong itanong sa akin pero pinipigilan nito ang sarili.

Agad na nagsimula ang klase pero ilang minuto lang ang nakalipas ay nagpaalam na ang prof dahil may emergency meeting ang mga ito. Nagkakasayahan ang buong klase dahil wala na namang klase kaya napagpasyahan na lang namin ni Amyna na tumambay sa secret garden para tapusin ang assignment na pinagawa sa amin.

"Kumusta na kayo ni Ryler?" biglang tanong ni Amyna habang nagsusulat ako.

Sa loob ng ilang linggong dumaan ay ngayon lang ito nagtanong tungkol sa amin ni Ryler. Alam kong alam ni Amyna na may hindi magandang nangyari sa amin ni Yuan at Ryler pero hindi ito nagpumilit na magtanong. Alam nito kung kailan ako handang sabihin ang problema ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang ako kasi wala naman akong maisasagot doon.

"Eh, kayo ba ni Yuan, kumusta? Bati na ba kayo?" Amyna asked again. I sighed in that thought. Umiling ako kay Amyna at tinigil muna ang pagsusulat. Bumaling ako sa kanya at malungkot na ngumiti.

"I did not talk to them..." I paused and sighed again. "Ayaw ko muna silang kausapin, Myna. Nasasaktan pa rin ako dahil sa paglilihim nila sa akin." Yumuko ako at tiningnan ang ballpen na nasa mesa katabi ng bond paper na kasalukuyang sinusulatan ko.

"I miss him," mahinang usal ko. "You know, the feeling of being betrayed by the one you loved and the one you fell in love—it's more painful. 'Yong feeling na para kang pinagtulungan ng walang kalaban-laban." I sighed again and it made my tears start to form.

Tumingala ako sa maulap na kalangitan. Dinama ang malamig na simoy ng hangin. Another thought crossed in my mind again.

He was once like me, yet he fooled me.

Umiling ako at binalik ang atensiyon sa pagsusulat.

"I don't have any news about you..." Amyna thrilled off. "Sino... 'yong lalaking kasama mo kanina?"

I glanced at Amyna na seryosong nakatitig sa akin, bago bumuntonghininga.

"It's a long story, but to make it short, he is Lord Gardjan Villafranca... my brother."

I Was Once Like You - COMPLETEDWhere stories live. Discover now