Kabanata 15

295 11 0
                                    

Kabanata 15

Miss


Para pa rin akong lutang habang naglalakad papasok sa SLC. Nakita ko pa ang mga ka-board mate kong ngumisi kaya nginitian ko na lang ang mga ito pabalik, pero parang ngiwi yata ang resulta no'n.

Dumiritso ako sa secret garden para hintayin si Amyna. Nakaupo ako sa palagi kong inuupuan na bench at lumipas na ang kalahating oras pero wala pa si Amyna. Aaminin ko man o hindi, mayroon sa loob ko na umaasang darating din si Ryler, tulad nang ginagawa nito palagi.

8:45am na pero wala rin si Amyna, 'di rin dumating si Ryler kaya walang ganang naglakad ako paakyat sa floor ng classroom namin.

Naabutan kong nakaupo na si Amyna sa p'westo nito kaya umupo na rin ako.

"Nauna na ako sa 'yo rito. Alam ko namang may kasama kang iba do'n," agad na panunukso ni Amyna.

Bumuntonghininga ako.

Alam ko kung sino ang tinutukoy nito kaya inilingan ko na lang ito. 'Di na ako nagkomento sa sinabi ni Amyna dahil nalulungkot pa rin ako.

"Bakit matamlay ka?" Nang-uusisang tanong ni Amyna nang mapansing 'di ako umiimik.

"Napuyat lang." Bahagya akong ngumiti kay Amyna bago itinuon ang atensiyon sa harapan. Nagsimula nang magklase pero wala doon ang atensiyon ko.

My mind keeps on thinking about what happened last night. I keep on thinking about Yuan's comeback. And I keep on thinking about Ryler's absence.

Hanggang sa lunch time ay lutang pa rin ako. May nabubunggo pa ako kanina habang naglalakad kami ni Amyna papunta sa secret garden.

"Hey, are you really okay, Lhour?" Boses ni Amyna ang nagpakurap sa akin. Hindi ko namamalayang kanina pa pala ako nakatulala sa pagkain ko.

"Uh... I guess?" wala sa sariling sagot ko. Kunot-noo akong tinitigan ni Amyna kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Tell me... what is it? Is it about Ryler? Maddisson? Who?" sunod-sunod na tanong ni Amyna. Ramdam ko ang pag-aalala nito sa akin kaya she deserves to know what happen. Siya lang ang tanging kaibigan ko rito and I trusted her.

"He's back, Myna," mahinang usal ko pero alam kong narinig nito ang sinabi ko dahil sa naging reaksyon nito.

"You mean, your ex-boyfriend?" gulat na tanong nito na tinanguhan ko lang. "Oh my! Nagkita na kayo? When? Where?" sunod-sunod ulit na tanong ni Amyna kaya binalingan ko lang at bumuntong hininga ulit.

"Kagabi sa labas ng boarding house."

"Then what happened? I mean, namis mo ba?" tanong uli ni Amyna. Napayuko ako dahil may napagtanto ako sa sarili ko.

"Yes. I miss him, Myna... so much," pag-amin. "I really do." Naramdaman kong tumulo ang luha ko.

I didn't know that confessing my real feeling about Yuan hurt me this much. Yes, I really miss him, I admit it. For almost four years not having a contact with him, it made me missed him more.

But there is a part of me telling me that I shouldn't feel that way. That I should care about someone's presence instead of Yuan's. Fucos on someone who's in the present and not those from the past who just came back. And I am torn between them.

"N-Nandoon din si Ryler kagabi," malungkot kong usal.

"What? Anong ginagawa niya ro'n! Tsaka anong reaksyon niya?"

I know that Amyna is confused kaya hindi ko ito masisisi kung marami itong tanong sa akin.

"Hinintay ako. Hindi siya nagsalita at umalis na agad."

I Was Once Like You - COMPLETEDWhere stories live. Discover now