Kabanata 28

284 10 1
                                    

Kabanata 28

Meet


As soon as I came back from El Salvador, I texted Enzo to send me LG's number. I called him and asked if he had spare time for me.

Pagkatapos ng dalawang araw kong pananatili sa El Salvador at matino na rin ang pag-iisip ko, I decided to talk to LG. I need to face him and my real... family.

I was out of control the last time we talked. After the self vacation I took, it made my head clear.

Agad akong naupo ng maayos nang makita kong palapit si LG sa direksiyon ko. He is wearing an aviator sunglass. Sa paraan ng pananamit nito ay halatang lumaki nga itong mayaman. His polo's sleeves were folded to his elbow. It was paired with a branded denim pants and a brown Timberlake boots.

I checked myself and saw our differences.

I was just wearing a plain white fitted t-shirt and a faded jeans na pinarisan ng lumang sapatos.

"I'm sorry I am a little late."

Tumango ako ng maliit nang maupo ito sa harapan ko. Tinawag din nito ang waiter at bumaling sa akin.

"What do you want to eat?"

"Uh... tapos na akong kumain." He nodded at sinabi sa waiter ang order. Ngumuso ako nang ma-realize na marami siyang in-order.

"So... kumusta ka na?" paunang tanong nito at itinuon sa akin ang atensiyon nang umalis na ang waiter. "Lorenzo told me that he can't contact you for two days, are you feeling okay now?" dagdag nito.

Tumango ako. "I... want to meet them," diritsong saad ko kaya dumaan ang gulat sa mga mata ni LG. Siguro hindi niya ini-expect ang sinabi ko dahil sa huling pag-uusap namin.

Umayos ng upo si LG matapos dumaan ang ilang minuto tsaka ito tumikhim.

"So... when do you want to meet them?" Tinitigan ako nito, para akong sinusuri nito kung totoo ba ang sinabi ko.

"Today." LG shifted his weight.

I'm determined. I want to meet them. I want to meet my... parents, my family. I want to see them... for the first time.

"Are... you sure?" nag-aalangan na tanong ni LG sa akin. Alam kong tinitimbang pa nito ang nararamdaman ko. Kaya ng tumango ulit ako ay bumuga ito ng hangin.

Kumain kami. LG didn't accept no as an answer from me kaya kumain na rin ako. Ayaw ko ring masayang ang pagkaing binayaran nito. I know he's wealthy, unlike me, I valued every small things. Lalong-lalo na sa pagkain.

LG did some calls habang nagpapalipas kami ng oras sa garden ng restaurant kung saan kami kumain. I overheard that he cancelled his meetings for today dahil sa akin.

"Yes... I'll brought an important person with me tonight... yes." Narinig kong saad nito sa kung sinomang kausap sa kabilang linya.

"Yeah... thank you," ulit nito bago nagpaalam sa kausap.

Naglakad ito palapit sa akin at ngumiti nang makita akong nakatitig sa kanya.

"They'll be home soon. They cancelled their business trip too," tukoy nito sa mga magulanng... namin.

Tipid lang akong tumango. Kinakabahan ako para mamaya. I wanted to back out, but if not now, then when should I meet them? When should I see them? I know I'm scared and all. But I need to be brave to finally face them, after all, they're still my parents.

Alas singko nang sinundo ako ni LG sa coffee shop. Habang nakasakay sa mamahalin nitong sasakyan ay hindi ko maiwasang manlamig. Kinakabahan ako na hindi ko alam. I'm excited, but at the same time I'm scared. Many questions plagued me as we drove along the road. The closer we got to the mansion, the louder my heart pounded.

Nang tuluyan nang e-park ni LG ang sasakyan sa harap ng mansion, mas lalong dinadaga ang puso ko, na kung hindi ko ito pipigilan ay tuluyan iyong lalabas sa dibdib ko. My hands also were cold and shaking.

LG opened the car's door at iginiya ako palabas. He squeezed my hands a little kaya nalipat ang paningin ko sa kanya mula sa pagmamasid sa paligid.

"Just relax, it's your home, Rense."

Mas bumigat ang nararamdaman ko dahil sa sinabi ni LG.

"Let's go? Our parents are waiting for us. They're excited to see you."

Hindi ko alam kung may mas ikakakaba pa ba ako ngayon. Parang nasa lalamunan ko na ang puso ko dahil sa kaba.

"Will they like me?" mahinang tanong ko.

LG stroked my hair and gently smiled at me.

"No one will not like and love someone like you, Rense; you are our angel. When we lost you, it was like losing an angel in our lives, Rense. Mahal na mahal ka naming, 'yan ang lagi mong tatandaan."

"I'm anxious. What if..."

"C'mon, Rense, just relax, okay?" Mahina akong tumango kay LG tsaka hawak ang kamay kong pumasok kami.

Pagpasok sa living room ay bumungad sa akin ang malaking painting ng isang buong pamilya. As I know, LG was one of them. Sinuri ng mga mata ko ang nasa painting. May maliit na batang babaeng kalong ang isang magandang babae, na kamukha ko noong bata pa ako. Nakaupo ang ginang sa isang mamahaling upuan, at nakatayo sa magkabilang gilid nito si LG na parang limang taon pa lamang at ang isang gwapong lalaki na sa tingin ko ay nasa 38 years old pa.

'Villafranca Family,' I uttered in my mind.

"V-Venice," narinig kong singhap ng kung sinoman sa likuran namin.

Dahan-dahan akong lumingon at nakita ang babaeng nasa painting na nasa harapan ko na, naiiyak at gulat na nakatingin sa akin.

"Laura Venice," ulit nito at tinitigan akong mabuti. Para itong hindi makapaniwala sa nakita.

"G-Good evening po. I..." My heart hammers in an instant. Binundol ako ng kaba. "I am Vhanne Lhourense... Leste," mahinang usal ko nang bigla akong yakapin nito ng mahigpit at tuluyang umiyak.

Hindi pa ako tuluyang naka-recover nang dumating ang lalaking sa painting ko nakita kanina. Mauha-luha itong nakatingin sa akin.

"V-Venice... our Laura Venice," bulong nito at dahan-dahang naglakad palapit sa amin.

Matapos ang madramang pagkikita ay nag-uusap –usap kami sa living area habang kumakain. Hindi magkamayaw sa pag-aasikaso sa akin si Mrs. Vanessa habang kumakain kami.

Yes, I am Laura Venice Villafranca, the long-lost daughter of Mr. Pantaleon and Vanessa Villafranca, one of the richest business tycoons in Asia.

Ampon ako ng kinikilala kung magulang na nasawi dahil sa aksidente. I was too young when they saw me in a crashed car somewhere in Visayas. I was just 2 years old when I was kidnapped and found in a car crash. Mabuti na lang at mababait ang nakakita sa akin.

"We were so devastated the day you were kidnapped, baby. All I can do is cry and cry. I am so afraid when we have news about a car crash. And that car, iyon ang sasakyang nakita sa CCTV footage na sinakyan ng mga taong kumuha sa 'yo."

My mom's teary eyes say that she was suffering from the day I was lost until the day LG found me. 

I Was Once Like You - COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora