Tiningnan ko sya ulit bago ko sya hinalikan sa labi. “Gising na sleeping beauty. Nakakailang kiss na ko sayo. At kahit mamaga ang labi ko kakahalik sayo, di ako magsasawang halikan ka dahil alam kung gigising ka. Pakipot ka lang.” Napangiti ako sa sinabi ko. kung gising lang sya. Siguradong parati akong bugbog. Kinuha ko na first kiss nya ng di nya alam.

Umupo na ako sa upuan sa tabi nya at tsaka ko hinawakan ang kamay nya tsaka ipinatong ang ulo sa kamang hinihigaan nya.

~~~

 

*poke*

 

*poke*

Nagising ako dahil may kung sinong sumusundot sa pisngi ko. dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko si Chlaud na nakangiti sakin.

 

“Kuya, I’m Back!” tili nya.

“I missed you Chlaud!” sabi ko tsaka ko sya niyakap gamit ang kaliwang braso. Dahil nakahawak sa kamay ni Kien ang kanang kamay ko.

Niyakap nya rin ako at hinalikan sa pisngi.

“Hi Ate Kien! Gising na. gusto na kita makabonding.” Sabi nya ng nakangiti pero malungkot ang mga mata nya.

Niyakap ko nalang sya ulit. Wala akong masabi. Lahat kami nakakangiti, pero yung mga ngiting hindi umaabot sa mata.

Maraming kinuwento ang kapatid ko. tuwang tuwa sya sa mga kwento nya about sa pag aaral nya sa states. Sa pang a-under nya ng lalaki at kung ano ano pa. Masaya akong makitang Masaya ang kapatid ko. kahit papano nakakagaan ng nararamdaman.

Dala na rin ng pagod ay nakatulog sya sa kakakwento nya. She was 6 nung nakita nya si Kien 3 years ago. now she’s 9. Kailangan ko na maging strict sa kanya baka mag boyfriend agad.

Nilipat ni Dad si Chlaud sa sofa bed para makatulog ng maayos. Tsaka sya lumapit sakin at tinapik ang balikat ko.

Kamusta anak?” tanong nya sakin.

“Pass.” Tipid na sagot ko.

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Where stories live. Discover now