•Chapter 5- Scary Harry

557 20 2
                                    

(Amber POV)

Naawa ako kay Vaz, dahil alam kong napuruhan ang kaliwang balikat niya dahil ito ang unang bumagsak at lumapat sa lupa nung tamalon kami galing ng kotse niya, di man lang niya ito ininda at siguro tiniis niya lang ang sakit.

He looks like a brave man. Di ko naaninag sa mukha niya ang ano mang takot o sakit. Lalo lang tuloy akong nailang sa sobrang lakas ng charisma niya bilang lalaki.

***

Nagulat ako nung pagdating namin sa bahay bigla na lang sinugod ni Vaz si Harry.

Pinilit kong maglakad ng maayos kahit masakit ang sugat sa tuhod ko, dahil ayaw kong malaman ni Mom at mag-alala pa siya.

Wala din naman akong alam tungkol sa alitan nila, siguro nagalit si Vaz dahil siya ang inutusan ni Harry na sunduin ako. Kaya nasira ang kotse niya.

Hanggang ngayon nanginginig pa rin ang laman ko. Ano ba kaseng nangyare sa kotse ni Vaz? Sobrang bago pa ang kotse niya para masiraan.

Nung maka-alis si Vaz at Harry, para maiwasan ang mga tanong ni Mom at Uncle, nagpaalam ako sakanila na maligo at magbihis na muna.

Kanina, kahit nasa pilegro kami ni Vaz, di ako natakot kahit konti at parang pakiramdam ko safe ako dahil nasa paligid si Vaz. Tsk shit!

Umakyat ako sa mahaba at magarbong hagdan paakyat, papunta sa silid ko upang humanap ng gamot at panglinis sa sugat ko.

Nung nasigurado kong di na ako makikita nina Uncle at Mom, paika ika na naman akong tinungo ang kwarto ko.

Pagpasok ko sa silid ko, nalanghap ko agad ang napaka-aliwalas na amoy ng katahimikan at kapayapaan, para bang nasa tamang lugar ako at ito ang aking tahanan.

Agad kong pinagbubuksan ang drawer na nandoon upang humanap ng firts aid kit. Saktong papasok na ako sa isa sa mga walk-in closet ko nung biglang bumukas ang pinto at pumasok si Vaz dala ang box ng isang first aid kit.

Natulala lang ako sakanya. Sinara neto ang pinto ng silid ko at naglakad na papunta saakin.

Nakawhite T-shirt ito at suot parin ang uniform na pang-ibaba.

"Sit down. I'll treat your wounds." Sabi niya turo ang kama ko.

Umiling iling ako.

"You don't have to do that. Pwede mo na lang iwan yang box Dyan at ako na ang gumamot sa sugat ko. Maliit na galos lang naman ito." Seryosong sabi ko.

Tinapunan niya ako ng tingin at nilapag sa sahig ang box na hawak.
Pinasadahan pa ako neto ng tingin, siguro naninigurado kung okay lang ako.
Tumalikod na ito at naglakad papunta sa pinto.

Nakahinga ako ng malalim nung tuluyan na siyang lumabas.

Damn!

Tumakbo agad ako sa pinto at nilock ito.

Tinungo ko ang closet at nagpalit na ng damit. Pagkatapos kong magpalit ay umupo na ako sa harap ng malaking salami at sinimulang suklayin ang buhok.

Naalala ko na naman ang nangyari kanina kaya iniling iling ko ang ulo ko para mawaksi sa isip ko ang trauma.

Nalaglag ko ang suklay nung may kumatok sa pinto ng silid ko.

Vaz? Nakapagpasalamat na ba ako sakanya? Nawala sa isip ko.

Tumayo ako para buksan ang pinto.

"Amb." Ngiting bungad ni Harry pagbukas ko ng pinto.

"Harry? May kailangan ka?"

"Balita ko, di maganda ang araw mo at may nangyaring di maganda sainyo ni Vaz, dahil di kita nasundo kanina. Pwede bang bumawi?" Ngiting sabi neto.

"Eh, paano?" Takang sambit ko.

Why Making Me Hate You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon