Chapter 25 - Still Her

52 5 0
                                    

(Vaz POV)

<fifth month without Amber>

"Vaz masaya ako at di mo itinuloy sa ibang bansa ang pagbabranch. Akala ko din talaga ipursue mo yung dream mong maging director at magaral sa Korea," Tobby said while fixing my files.

Breaktime namin kasama ang mga nasa opisina, ugali ko talagang makisabay sa empleyado ko. Been years now as a shareholder of different businesses. I'm thinking about making a new business.

Tobby is my friend, classmate ko mula nung highschool at nagtatrabaho na siya saakin ngayon. Tama siya pangarap ko talagang maging director at magaral ng film making sa Korea.

"Itutuloy ko parin ang pangarap ko, pero sa ngayon gawin ko muna ang nais ni Dad saakin," I sighed as I lay my back straight on my chair looking outside my office through the glass wall.

Pangarap ng Dad kong maging successful shareholder ako sa lahat ng negosyo dito sa Cordova City. Ang pangarap niya kay Harry ay magtayo ng sariling business. Dahil buhay pa si Harry noon kaya hindi ako makabwelo para makatulong sana sakanya.

Gusto ko pa sanang makita ni Dad ng personal ang mga achievements ko pero maaga siyang kinuha saakin.

I sighed deeply. I miss Dad and Harry.

"I know you're in this because kind of business since your Dad wants you to, but your heart is always on directing, writing and making movies," puna ni Tobby.

"Yeah Tob, but his dream first before mine. I love and miss him so much," I closed my eyes.

Tumulo na ang luha ko. Tuwing naalala ko kasi ang nangyari sakanya nanghihinayang talaga ako. Magaling sana si Harry kaso naging sakim siya. Sinayang niya ang talento niya dahil sa pag-aakalang lalamangan ko siya. Kung hindi niya sana ginawa yon, sana magkasama pa kaming lahat. Sana kasama pa namin si Amber. Sana hindi ako mag-iisa ngayon.

"I know how much you love them Vaz, hush now. Everything will be alright," wika ni Tobby tapik ang likod ko.

"I hope so, it's been years and it still hurts," mahinang usal ko. Naging mababaw na ang luha ko ngayon.

***
(Rapture Hotel 8 pm)

Pauwi na kami ni Tobby galing sa isang meeting with a client sa Rapture Hotel.

Palabas na ang kotse ko mula sa underground parking ng hotel ng may mapansin akong pamilyar na pigura papasok ng hotel.

"Look who's here, " ani Tobby turo ang papasok na si Sheily sa hotel, nakikita ko galing dito sa kotse.

Sheily is my girlfriend since Amber left. Isa din siya sa dahilan kung bakit di na ako tumuloy sa Korea para nag-aral ng film making. I don't live her, yes. But I have to use her to forget Amber.

Buksan ko sana ang pinto ng kotse ko para labasin at puntahan si Sheily.

"Puntahan ko muna,"

Puntahan ko sana siya para salubungin ng halik pero may lalaking sumulpot sa likuran ni Sheily. Nakikita ko sa bintana ng naghaharutan sila papasok ng elevator.

"Who is that bastard with him?" I asked Tobby.

"Kilala ko yan, si Nigel Reed Ang anak ng may-ari ng Reedelkin," sagot ni Tobby.

"Nigel Reed?" Not so familiar.

Bakit magkasama sila ni Sheily at Nigel anong ginagawa nila dito?

"Wait lang Tobby, susundan ko lang sila," paalam ko kay Tobby.

Lumabas ako ng kotse para sundan si Sheily.

Pumasok din ako sa hotel kong saan sila pumasok. VIP at kilala ako sa hotel na to kaya walang humaharang sakin.

Why Making Me Hate You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon