CHAPTER 45- I'm Sorry

47 2 0
                                    

(Amber POV)

<5 months later>

"Zy, Zy, you are really big now. Di na kita makakarga at mailalabas pa sa cage mo. Baka kasi tatakas ka at kung ano pang mangyari sayo," usal ko himas himas ang tyan ng alaga kong si Vazzy habang pinapakain ito.

Plano ko sanang dalhin nalang si Zy sa dog shelter or saan maaalagaan siya dahil naaalala ko lang ang ginawa ko kay Vaz noon sakanya sa tuwing nakikita ko siya. Kaso napamahal na talaga siya ng husto saakin kaya hindi ko kayang malayo siya saakin. Si Zy na lang ang alaala ko kay Vaz kahit papano.

Paano ko ba mapatawad ang sarili ko? Takot ang nararamdaman ko. Loneliness, sanay na ako, but this feeling of guilt, there is no way I could escape.

Kinabahan ako nung tumunog ang doorbell. Napatayo ako at tumingin sa gawi ng gate.

Kakaalis lang ni Manong Kulas ah? Sino kaya ito? Hindi din naman ako nagpadeliver ng pagkain o gamit.

Nilock ko ng maigeh ang cage ni Vazzy at naglakad papunta sa gate.

Sinilip ko ang awang ng gate.

Laking gulat ko nung nakita ang tao na nakatayo sa labas! Napa-atras at napaupo sa lupa!

"VAZ! Anong ginagawa niya rito? Paano niya ako nahanap?" Gulat na gulat talaga ko nung tumambad ang napakagwapong mukha ni Vaz sa railings ng gate ko.

"Let me in," wika niya. Wala akong mababakas na emosyon sa mukha niya pero kinakabahan ako ng husto. Pinagpapawisan ang leeg, kilikili ko at ang mga palad ko.

Sobrang takot ang nararamdaman ko at di ako halos makagalaw dahil lang sa nakita ko uli si Vaz. Huling pagkaalala ko ay nakahandusay siya sa kalsada at naliligo sa sariling dugo!

Ngayon, ibang iba na ang itsura niya! Takot ang nangingibabaw saakin.

"No, no way!" Takot at sari saring emosyon ang nararamdaman ko.

"What? Why treating me that way?" Tanong niya pilit tinutulak ang gate.

"Vaz alam ko galit ka pero," di ko alam ang sasabihin ko.

"Dummy, after what you did to me, tatakas ka na lang. Plano mo bang kalimutan na lang yong ginawa mo saakin?" Malamig na tanong niya.

"I wont open this gate. Just leave Vaz," nanginginig na sabi ko.

"Lets go back to Cordova City," wika niya alog alog ang gate.

Tahol ng tahol si Vazzy.

"No way,"

"Amber you owe me from what you did to me few months ago. Intensiyon mo ba ang tumakas at kalimutan na lang yon? Sa tingin mo ba papalagpasin ko na lang yon? Nagkakamali ka," aniya tinaasan ako ng kilay.

"Vaz, di na ako babalik sa Cordova. I can't go back there. Sira na ang buhay at imahe ko sa lugar na yon. Dahil sayo, ganon kadali nawala ang mga pinaghirapan ko dahil sayo," malungkot na usal ko.

"You know that it's not me who ruined it Amber. Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo. Open this damn gate and let me in!" singhal niya.

"What do you want me to do? Just to spare me? Leave me alone! I don't want to get involve with you again, please." Pakiusap ko.

"Go back to Cordova City with me," pamimilit niya.

"No way."

"You will."

"Vaz, please. "

"Babalik ako uli at uuwi ka ng Cordova City sa ayaw at sa gusto mo para pagbayaran ang ginawa mo saakin. I won't be easy on you this time," banta niya umatras at naglakad na papalayo.

Why Making Me Hate You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon