Chapter 16- I Have To Escape

96 4 0
                                    

After a while.
I'm back!

Nakaawang ang malaking pinto kaya tinulak ko nalang ito para bumukas at makapasok. Bumungad sa akin ang bagong chandelier sa unang living room at ang bagong styles at designs ng hagdanan. Bago na rin ang mga painting na malalaki sa dingding at may mga halaman at orchids na buhay sa bawat pillar at sa itaas ng hagdanan. Iba na rin ang mga design ng ilaw, ang dating plain circle na ilaw ay may mga pacurve na lights na. Maraming nagbago pero ganon parin ang pakiramdam ko sa mansion na to. Bakit walang katao tao? Saan ang mga helper dito?

Napatigil ako nung may mga yabag akong narinig galing sa kaliwang bahagi ko.

"You're back," sambit ng isang pamilyar na boses kaya napatingin ako sa kaliwa. Nakita ko si Vaz suot ang swimming trunks niya at mukhang galing sa swimming pool.

Napatingin ako sa mukha niya. The same gloomy face as usual. Naalala ko ang kabaitan niya saakin dati pero naalala ko rin ang isang gabing lasing siya at pinagsamantalahan ako. Yes, he is my first. I was going to hate him pero dahil sa nangyari kay Uncle at Mom sa kamay ni Harry, mas pinili kong lumayo at naibsan ang galit ko sakanya.

Kung hindi lang talaga sana kailangan ko, di na ako bumalik dito. Gipit talaga ako at marami akong gustong bilhin.

***

Sa hapag kainan kami nagharap ni Vaz pagkatapos niyang magbihis.

Napatingin ito sa suot ko at halatang di niya nagustuhan.

Suot ko ay isang simple dress na backless at maikli, at wala akong suot na bra. Uso yon sa lugar kung saan ako nag-aral.

"Alam kong maraming di magandang nangyari sa mansion na to. Bakit hindi mo parin benenta?" Tanong ko sandal ng maayos sa upuan.

"I use to live here," mahinahong sagot niya at tinitigan ako. "How's your life since you leave the city?" Tanong niya higop ng kape.

Ngumiti ako at kumuha ng grape at sinubo. "Life is good. How about yours?"

"Good too. I hope you don't mind at all and feel at home. This is still your house after all," seryosong sambit niya.

Sa katulad kong nasanay na sa galaan, iwan ko lang kung gustuhin ko pang mamalagi dito at ituring to bilang permamenteng bahay, since ang pakay ko lang naman dito ay kumuha ng mga gamit, pera at alahas. Gusto kong bumili ng kotse. Well, sa kukunin ko dito sapat na man na siguro yon bilang kapalit sa ginawa niya saakin noon.

"Oh, thankyou so much. You're kind as always," ngiting usal ko.

"Your room is always ready with your clothes. You can sleep here."

"Really? I can stay too? Wow. Thankyou, dahil kailangan ko talaga ng pahinga dahil napagod ako sa byahe. Kakauwi ko lang ng Cordova." Kwento ko. "Nga pala, saan ang katiwala dito sa bahay?" tanong ko.

"Ayaw ko ng maraming tao dito sa bahay, pumunta sila dito Saturday and Sunday to clean. At kapag kailangan ko sila tinatawagan ko lang," sagot niya.

"I see." Kaya pala walang ibang tao sa mansion. Di man lang siya matakot mag-isa.

Sinamahan ko siyang magluto ng pagkain namin at pagkatapos kumain ay umakyat na kami papunta sa kanya kanyang kwarto. Malinis ang kwarto ko halatang hindi pinabayaan. Kompleto parin ang mga gamit neto, komportable parin ang pakiramdam sa loob. Napakagat labi ako nung naalala ko ang ginawa ni Vaz saakin sa mismong kama na to! Damn! No! Nasa nakaraan na yon. Forget it! Ngayon ang mahalaga!

Kapag makatulog na siya ay papasukin ko ang silid ni Harry at kunin ang mga mabebenta pang gamit niya, sana di tinapon ni Vaz or sinama paglibing niya baka kase ugali nilang isama sa namatay ang gamit niya.

Naligo muna ako at nagbihis. Tapos umidlip muna para makapagpahinga. Inalarm ko muna ang cellphone ko ng 3 am para siguradong tulog si Vaz habang halungkatin ko ang mga kwarto.

Kakaiba man isipin pero wala na ang dating ako. Ang sweet at mahiyaing si Amber ay wala na.

***

(3 am)

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Kinapa kapa ko sa kama ang phone ko upang patayin ang alarm. Hinilod ko ang mga mata ko bago bumaba ng kama at pasuray suray na kumuha ng jacket at bag na paglagyan ng mga makukuha kong gamit.

Pagkasuot ko ng jacket ay dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at sumilip sa pasilyo. Dahan dahan akong humakbang papunta sa silid ni Harry dati. Binuksan ko ang pinto at pinasok na ang silid.

Una kong binuksan ang mga drawer at nakuha ko roon ang mga relo ng ibang ibang style at kulay. Malaki ang kikitain ko dito. Pate malalaking kwentas at bracelet panglalaki na pagmamayari ni Harry ay kinuha ko. Mabuti nalang at di tinapon I dinispose ni Vaz ang mga gamit ni Harry, nakalaan talaga to para saakin. Hmmmm.

Matapos makuha lahat na mapapakinabangan ko lumabas na ako ng silid ni Hari at tinungo ang silid nila Mom at Uncle.

"Mom, I'm sorry pero kailangang mabuhay ng anak mo kaya pagbigyan mo na ako," bulong ko sa sarili ko pagkapasok ko sa silid nina Mom.

Lumapit ako sa malaking salamin ni Mom at binuksan ang drawer doon. Tumambad saakin ang mga mamahaling alahas pambabae na bigay yata ni Uncle sakanya.

Napangiti pa ako nung pinasadahan ng tingin ang mga kwentas at hikaw. Kaya na akong buhayin neto ng mga ilang buwan. Napa-ismid ako." Mom, thankyou," mahinang usal ko.

"Bakit nandito ka? Anong ginagawa mo?"

Napaiktad ako nung narinig ko ang boses ni Vaz. Napalingon ako at napatingin sakanya. Pumasok ito ng silid nina Mom at sinara ang pinto.

"Damn, gising ka!?" Gulat na usal ko.

"Mukhang nag-eenjoy ka sa ginagawa mo. Sa tingin mo makakatulog ako knowing na nagbalik na ang babaeng matagal  ko ng hinihintay na umuwi?" Sabi niya hakbang papalapit saakin.

Inikot ko ang paningin ko at humanap ng daan palabas. Napansin ko ang isang bukas na bintana kaya umatras ako papunta doon.

"I'm not here to stay Vaz, I'm here because I'm in need!" Sagot ko papalapit sa bintana. "Naging kapatid mo rin naman ako dati, sana wag mo tong masamain." Usal ko. Hindi siya tanga para di malaman ang ginagawa ko.

Sumampa na agad ako sa bintana  para makatalon at tumakas pero mabilis na hinatak ni Vaz ang kamay ko pabalik sa silid kaya napatihaya ako tumalsik ang dala kong bag!

"Damn, why are you making this hard for me? Di naman to makakabawas ng kayamanan mo!" Singhal ko inaabot ang bag.

Nagulat ako nung sinipa ni Vaz ang bag at hinatak ako patayo.

"Where do you think you're going? Isn't this your home? You always belong here." Nanlilisik ang matang sabi nito hila ang buhok ko kaya napaangat ang mukha ko. Nilapit niya ang mukha niya saakin. Napalunok ako. Kinulong niya gamit ang Isa pang kamay ang maliit kong mukha at piniga kaya napanganga ako. Mas lalo akong nagulat nung ipinasok niya ang dila niya sa loob ng baba ko at inikotan ang dila ko gamit ang dila niya. Damn! Ang init ng laway at hininga niya!

Itutulak ko sana siya pero hinatak niya ang baywang ko diniin sa katawan niya.

Damn! I have to escape. I smell danger!

Why Making Me Hate You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon