•Chapter 6 - Hero Twice

106 4 0
                                    

Nagising ako sa lamig na naramdaman ko. Napansin kong nakahiga ako sa malambot na bagay. Ang lamig ng pakiramdam ko. Minulat ko ng maayos ang mga mata ko. Nasilaw ako sa liwanag ng ilaw. Ang bigat ng talukap ng mga mata ko at parang namamaga. Napansin kong nasa isang pamilyar na silid ako.

"Vaz?" Tawag ko. Alam kong si Vaz yon. Ang boses na yon ay pamilyar sakin nong tawagin ang pangalan ko.

Napansin ko si Vaz sa isang sulok.
Nakaupo siya nakaharap sa glass wall nakatingin sa baba. Anong oras na ba? Saang lugar to?

"Okay ka na ba?" Baling nito saakin.

Dahan dahan akong bumangon at binalot ang sarili ng kumot.
"Salamat!" Sambit ko. Hindi ko alam kong anong mangyari saakin doon nung nahimatay ako sa gitna ng kalsada kung di dumating si Vaz.

Damn!

Nanumbalik na naman sa isipan ko ang ginawang kataksilan ni Rhyz at Holly. Napapikit ako. Ang skip ng dibdib ko at ang hirap huminga.

Sasabihin ko ba kay Vaz ang tungkol sa girlfriend ni Harry? Pero alam ko, hindi sila malapat sa isa't Isa kahit pa magkapatid sila.

"Malamig ba? Gusto mo bang hinaan ko ang air-conditioner?" Sambit ni Vaz kaya napamulat ulo ako ng mga mata.

"Yes please. Thankyou."

Pinilot ni Vaz ang remote ng Aircon. Napatingin ako sa mahahabang braso niya at sa mamasa masa niya pang buhok.
Naligo ba siya o nabasa ng ulan kanina?

Wait!

Naalala ko, nabasa ako ng ulan kanina pero bakit sleeping robe na ang suot ko! Hindi kaya binihisan ako ni Vaz. Napayakap ako sa sarili ko. Nag-init ang mukha ko sa isiping binihisan ako. Nakakahiya! Shit!

"Don't worry, staff na babae ang nagbihis sayo." Sambit ni Vaz kaya napatingin ako sakayan.

Nakakahiya talaga!

"Ganon ba. Salamat naman kung ganon." Napatakip ako sa mukha.

Napansin ko ang pagngiti niya.

Argh nahiya na ako lalo. Nakakaasar naman!

"Gusto mo ba ng wine or sabaw?" Tanong niya,naglakad papunta sa table na nandoon.

"It's okay, kaya ko na." Dali dali akong bumaba ng kama at naglakad papalapit sakanya.

Sa isang lamesa may nakahaing mga pagkain at mainit pa na sabaw.

"Humigop ka muna para ma-initan ka bago pa lumamig yang sabaw." Umupo na siya sa bangkong nandoon.

Hmm akala ko ipaghila niya ako ng upuan. Umupo na rin ako at kumuha ng maliit na bowl para lagyan ng sabaw.

"Saan tayo?" Halata naman kaseng wala kami sa bahay.
Napakaelegante kase ng room at hindi to ang room ni Vaz sa mansion.

"Nasa Rapture Hotel tayo. Sa itsura mo kanina, sigurado akong ayaw mong makita ka ng Mom mo na ganon, kaya dito na lang kita dinala." Sagot niya at humigop ng sabaw.

Wow isa sa mga sikat na hotel na alam ko.

"Bakit ka pala nandoon kina Rhyz kanina?" Nagtatakang tanong ko.

"Pinahanap ka ni Dad. May event si Dad dito mamaya at malapit ng magsimula kaya ayusin mo ang sarili mo, maligo at magbihis ka pagkatapos." Sagot niya abot ang kanin. "Kumain ka ng marami."

***

Pagkatapos naming kumain ay pumasok na ako sa banyo para maligo. Dalawang beses na ako niligtas ni Vaz kahit maikling panahon palang kaming nagkakilala. Mabait naman pala siya kahit sabihing mukha siyang arogante.

Matapos bunasan ang katawan gamit ang tuwalya ay binalot ko naman ang buhok ko gamit ito. Sinout ko ang bath robe at humakbang na palabas ng banyo.

Napatingin ako sa kama nung mapansin ang mga gown na nakalatag at kumikintab ito.

"Mamili ka ng susuotin mo." Sambit ni Vaz tukoy ang mga gowns sa kama. "And here." He stated abot ang gold box, gold shoes at mga alahas.

Kinuha ko ang mga inabot niya, dinampot ko na rin agad ang punakamalapit na gown at pumasok ulit sa banyo para magbihis. Naiilang kase talaga ako sakanya.

Nakakahiya magbihis sa harap niya. Alam kong nagmamadali na siya kaya binilisan ko ang pag-aayos.

.....

Paglabas ko nakapagbihis na si Vaz.

Ang well fixed na buhok at Ang tuwid na bangs niyang nakatakip sa noo, ang kumikislap niyang mga mata, ang ilong na matangos at ang napakaperfect na labi niyang pula na para bang ang lambot.
Napakagwapo at elegante niya sa suot niyang tuxedo.

Wala lang sa kalahati ni Vaz si Rhyz! Sa dating, porma, at tindig wala sinabi si Rhyz kay Vaz.

Pareho kaming natulala sa isa't isa.

"Ready? Lets go!" Pamukaw ni Vaz.

"Pwede bang maglagay muna ng konting make up sandali?" I stated, kahit nakapaglagay na ako ng light makeup sa banyo kanina.

"Maganda ka na. Di na kailangang magmakeup ka pa." Mahinang sabi niya hawi ang buhok ko.

Pinigilan ko ang sariling mapangiti. Bolero.
Tumingin si Vaz sa relo niya at humakbang na palabas ng pinto.

"Tara na, baka ma late pa tayo sa event ni Dad. Ipakilala yata kayo ni Mom mo sa mga kasosyo at kaibigan ni Dad. Ito na uli ang unang family event namin mula nung mamatay si Mom." Vaz uttered.

I feel sad for him but I know his Mom is in good hands now.
Huminga ako ng malalim at humakbang na kasunod ni Vaz palabas ng silid papunta sa event area ng hotel.

Family event to, sigurado akong kasama si Harry at syempre isasama niya si Holly.

Di ko pa kayang makita ang babaeng yon. Naiisip ko palang naninikip na ang dibdib ko.

Idagdag mo pa ang mga matataas at makapangyarihang taong kasama sa event mamaya.

Damn! Sana kayanin ko mamaya.
Pumikit ako at pinukpok ang dibdib ko baka sakaking lumuwag ang paghinga ko.

Humugot ako ng hininga bago tuluyang pumasok ng elevator kasunod ni Vaz.

Relax Amber you can do it.

*****

Why Making Me Hate You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon