Chapter 33-Compatible

54 4 0
                                    

(Amber POV)

Bago ako pumunta ng hospital tinawagan ko muna sa Paige at mabilis naman itong nakarating para samahan ako.

Pagdating namin ni Paige sa hospital, papasok na sana kami kami ng makasalubong namin si Vaz palabas.

Mukhang okay naman siya sa tingin ko, pero bakit nasa hospital siya?

"Hey, Vaz what happened?" Tanong agad ni Paige kay Vaz.

"Hey, sorry sa abala pero okay na ako. Pauwi na," nakangiting usal niya.

Nakatitig lang ako kay Vaz na puno ng pag-aalala.

"Ano bang nangyari at nasugod ka dito?" Tanong uli ni Paige.

"Well, sa sobrang pagod, stress at kulang sa tulog kaya nagcollapsed ako while driving. Maswerte ako at mahina lang pagpapatakbo ko that time kaya di ako masyadong napuruhan, kaso sira na naman ang kotse ko. So don't worry I'm okay now. Pahinga lang daw sabi ng doctor, " ngiting sagot ni Vaz.

"Sure ka? Baka kailangan mo pang magstay pa ng ilang araw dito sa hospital para matignan ang kalagayan mo," wika ko.

"Amber, it's fine. Sa bahay na lang ako magpapahinga. Mas lala lang ang sakit ko kung dito ako magstay," Vaz said at inakbayan ako.

"Sakit? Anong malala?" Nagaalalang tanong namin ni Paige. Napatingin pa ako sa mukha ni Vaz na namumutla.

"Haha, I mean mas lalala lang ang stress ko kung nasa loob ako ng hospital. Tara na nga, uwi na tayo. Gusto kong humigop ng mainit na sabaw," ngiting usal ni Vaz at inakbayan na kami papunta sa parking.

Sa kotse kami ni Paige sasakay.
"Sinong nagdala sayo dito?" Tanong ni Paige.

"Isa sa nakakita ng aksidente at nagmalasakit na dalhin ako sa hospital," sagot ni Vaz. Naramdaman ko ang pagpiga niya sa balikat ko. Napasinghap ako.

"Hayy, akala ko sinundo ka ng ambulance," dismayadong usal ni Paige.

"Haha hala, ayaw kong sumakay ng ambulance,"

"Sira ka talaga. Bakit naman?"

"May trauma ako sa ambulance."

Nakinig lang ako sa kanilang dalawa. Siguro natrauma si Vaz dahil sa aksidenteng nangyari sa pamilya namin 6 years ako. Siya kase ang kasama sa ambulansya noon.

Sumakay na kami sa kotse ni Paige.
"By the way Amber,kumusta ang application mo?" Tanong ni Paige sakin tukoy ang modeling application ko.

"Natanggap ako," Balita ko. Magkatabi kami sa likurang bahagi ng kotse ni Paige dahil dito rin siya umupo.

"Ikaw pa ba? So kailan ka magsimula?"

"Next week, sa Korea ang training in 6 months to 1 year," usala ko.

"Supportahan kita. Nandito lang kami ni Vaz para sayo. Kaya kung may kailangan ka sabihin mo lang saamin. Handa kaming tumulong," panigurado ni ber.

"Marami ka nang natulong saakin, salamat talaga. Makakabawi rin ako sayo," usal ko.

Tahimik lang si Vaz at mukhang dismayado. Di ba siya masaya na magkacareer na ako onayaw niyang mapalayo ako?

"Yung isa ko palang kotse sayo na. Marunong kanamang magdrive diba," sambit ni Vaz.

"Nako wag na Vaz, okay na ako magcommute or maging driver si Paige," natatawang biro ko.

"Sira, kung di ka lang mahalaga saakin, malabong papasakayin kita ng kotse ko!" Usal ni Paige at sumimangot.

"Sure ka? Alam mo namang ayaw kung nahihirapan ka, habang nandito ka pa pwede mo siyang gamitin," pamimilit ni Vaz.

"It's okay, thankyou for your concern Vaz and Paige," nakangiting sambit ko.

Why Making Me Hate You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon