Chapter 26- Katya Howard

54 3 0
                                    

Katya Howard

(Vaz POV)

Lumabas na rin ako nang hotel. Hayy mga babae talaga sa ngayon ang we-weird, isa pala ang sex sa dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Sheily saakin. Kung ayaw mong makipagsex sakanya iniwanan niya ako. Kung di ka rin magaling makipagsex iiwanan ka rin. Nakakahiya mang aminin pero mula nung mahakawan ko uli si Amber wala na akong ganang humawak ng ibang babae bukod sakanya.

Dapat makulong si Amber dahil sa mga pinaggagawa niya saakin. Pakiramdam ko kulang ang pagiging lalaki ko kapag wala siya. Siya ang bumubuo saakin.

Bumalik na ako sa kotse ko pumasok at umupo nalang ako ng maayos at sinubsob ang mukha ko sa mga palad ko.

Maganda si Sheily, kaya kinainggitan ako noong college kami dahil girlfriend ko siya. Sikat siya, chics at magaling kumanta't sumayaw.

Mula pa man noon kaibigan ko na siya hanggang sa naging nobya ko na siya.

"I don't need her, I can do this. I'm strong," bulong ko sa sarili ko.

"That's good, don't waste your tears for the likes of her," usal ni Tobby sa likod ko kaya napalingon ako. Nakalimutan kong kasama ko pala siya.

"Did you hear it?" tanong ko Kay Tobby.

"Not really pero nakita kong sinampal ka ni Sheily. She actually cheated on you tapos siya pa ang may ganang manampal? What a wicked woman," napakunot noong wika ni Tobby.

"It's not her fault. I deserve her slap," I muttered.

"You think so? How come? It's not you who cheated," Tobby added at lumipat sa tabi ko.

"You can get it," I murmured.

Tumawa siya.
"Haha, bilib din ako sayo, di ka man lang lumuhod at nagmakaawa sa kanya na wag kang hiwalayan," wika ni Tob habang inaayos ang buhok niya.

"Huh bakit ko naman gagawin yon? I'm not that desperate," I sighed.

Pinatunog niya ang mga daliri.

"Ganon kasi ginagawa nang mga naging babae ko kung hihiwalayan ko sila," dagdag pa ni Tobby.

Napa-iling ako.
He must be really a playboy.

"Ang mga katulad niyong lalaki dapat di pinapatulan e," iling ko ng ulo.

"Tsss sobra naman yata yon. So how long are you planning to stay there? We have to go and search new girlfriend of yours. At damihan mo para lagi kang may reseba. Bakit ba kase ang loyal mo sa isa," usal ni Tob.

Napa-iling na lang ako.

Inistart ko na ang engine ng kotse ko at umalis na sa lugar na yon.

***

8 pm.

Nasa Drop Dead Club ako nakaupo sa madilim na sulok ng bar. Umuwi na si Tobby dahil may usapan sila ng girlfriend niya today.

"Gaano mo katagal planong magtago dito sa dilim?" Boses ng isang babae umupo sa kabilang dulo ng lamesa ko.

"I stay here as long as I want to. Bakit ba?" Masungit na sagot ko. Bakit ba siya nakikialam?

"Then, I'll stay with you here in the dark," she whispered.

"Why? I don't need you here. I want to be alone, you go away," wika ko taboy siya.

"Well, gusto ko lang damayan ka," she insisted.

"I don't need your sympathy," I muttered.

"Hmmp, by the way I'm Katya Howard, how about you?" Pakilala niya.

Why Making Me Hate You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon