Chapter 27- Impossible

46 3 0
                                    

(Amber POV)

Makalipas ang limang araw, si Paige naging promoted na as manager sa isang branch ng isang beauty cosmetics company na pinagtatrabahuan niya. I'm so proud being her bestfriend. Kaya minsan na lang siya umuwi sa apartment niya.

Mula nung naging busy kami pareho ni Paige hindi na kami nagkaroon ng bonding dahil may kanya kanya na kaming pinagkakaabalahan. Hindi narin kami nakahanap ng boyfriend dahil siguro sa naeenjoy namin ang company ng isa't isa at di pa namin kailangan ng hadlang para sa pagtupad ng kanya kanya naming pangarap.

Pauwi ako sa apartment ni Paige upang kumuha ng mga gamit na dadalhin ko papunta sa hotel na pagtetrainingan namin para sa darating na modeling audition ng Reedelkin.

I'll do my best because Paige recommended me. I'll give it a try and not disappoint her. She is been always supporting me so kaya dapat gawin ko to dahil alam kong naniniwala siya saakin.

Maaga akong umuwi sa apartment ni Paige pagkatapos ko magpaalam kay Holand, marami namang nandoon kasama si Ben na mag-aasikaso sa coffeeshop kaya okay lang kahit umuwi ako ng maaga. Doon din kase ako natulog kagabi. Nag over time kami dahil ginawang venue ang coffee shop ni Holand sa isang wedding proposal.

Siguro wala pa si Paige sa apartment niya dahil madalas itong natutulog sa branch kung saan siya nagtatrabaho. Kailangan niya kasing tutukan ang branch na yon dahil bago pa.

Nakatayo na ako sa pinto ng apartment ni Paige.
"Okay, pin 00000." Pinindot ko na ang pincode ng pinto at bumukas agad ito.

Pumasok na ako at tinapon sa kung saan ang bag ko at heels ko pagkahubad. Inunat unat ko pa ang kamay at paa mo habang naglakad papunta sa silid.

"Paige? I'm here, yohooo. Are you here," tawag ko pero walang sumasagot, siguro nasa library na nanaman siya at doon na naman natulog kung sakaling umuwi siya kagabi.

Deretso ako sa kusina at kumuhang cupcake, papunta na ako sa maliit na library ni Paige nang nahagip ng tingin ko na may natutulog sa may sofa.

Hmp umuwi pala si Paige.

Humakbang ako papalapit sakanya.
"Hey sissy wake up," pukaw ko sakanya tanggal ang kumot na nakabalot sakanya.

Napatigil ako dahil hindi si Paige ang nakahiga. Lalaki ito! Sino to? May boyfriend na ba si Paige? Hindi man lang siya nagsabi saakin.

What the hell? Binuksan ko ang ilaw para makita ko kung sino ang natutulog.

Napatigil ako nung maaninag ang lalaking natutulog.

Natigilan ako. No way! Napatigil ang paghinga ko nung maaninag kung sino ang natutulog sa sofa.
Namamalikmata lang ba ako? Humugot ako ng malalim na hininga at nanginginig pa ang kamay na hawiin ang nakatakip na buhok sa mukha niya.

Gosh ang gwapo niyang natutulog. Mukhang napakabait at napakaanghel niya talaga tignan. Mahimbing ang tulog niya at diyos ko po, sobrang gwapo niya. Galing ba siya sa pamilya ng mga diyos?

Gosh, how I miss this face of him! Fate are you kidding me? Anong ginagawa ni Vaz dito?!

Lumapit ako sakanya at pinasadahan siya ng tingin. Bukas ang tatlong butones ng polo niya, kita ang mamuscles niyang dibdib. Ang jawline niya perpekto, makinis na mukha, adams apple na ang manly tingnan. Medyo mahaba na na itim niyang buhok. Napakaalong mahabang pilik mata, matangos na ilong, mapulang mga labi at nahahabang mga paa at mga daliri.

Kung titigan mo siya para siyang galing sa ibang planeta, sa Venus, planet of beauty and love. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at natuyo na yata o nawalan na ako ng laway dahil kanina ko pa nilulunok.

Why Making Me Hate You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon