Chapter 32-My Fantasies

51 5 2
                                    

(Amber POV)

Naalimpungatan ako nung makaramdam ako ng lamig. Parang umuulan.
Inunat ko ang mga paa at kamay ko bago minulat ang mga mata ko at nasa bathtub ako.

"Damn you Vaz, it's too cold! " usal ko nung makita ko si Vaz binabasa ako. Binubuhusan ako ng tubig.

"You are too drunk and sweating, this will help you. Mabawasan ang kalasingan mo," aniya binuhusan ang mukha ko ng isang tabong tubig at pinunas gamit ang kamay niya.

Inikot ko ang paningin ko. Saan ako? Nasa bahay ba ako ni Vaz? Hanggang sa napansin ko ang sarili ko.
Wala akong kahit anong suot na damit!

Tumayo agad ako at kumuha ng tuwalya at binalot sa hubad kong katawan.

"Dahan dahan baka madulas ka," mahinang usal niya.

What is happening?
Kanina lang kasama ko si Paige, 10 pm. Anong oras na ba? Naalala ko pang may bumuhat saaking lalaki palabas ng bar. Teka, bakit kasama ko si Vaz? Bakit nasa loob ako ng banyo niya? Paano ako napunta rito.

Hinigpitan ko ang hawak sa tuwal na nakabalot sa katawan ko. Napatingin ako kay Vaz habang namimili ito ng bathrobes yata sa cabinet sa itaas dito sa loob ng banyo niya.

Napatingin ako sa suot niya, it was soaking wet.

Bakit ako nakahubad at kasama si Vaz?
No! Hindi naman siguro si Vaz yon diba? Yong napag-aminan ko tungkol sa pagkagusto ko sakanya? Hindi diba?
Haha it can't be him! No way!

NO DAMN WAY! Pero paano ako napunta dito?

Bumaba ako sa tub, umupo sa sahig at pinunasan ang mukha ko.

"The floor is wet and cold. Why are you sitting there!" Nagulat ako nung hilahin niya ako patayo at sinalo ang balakang ko.

"Eh kasi, binasa mo ako!"

Hinablot niya ang tuwalyang nakabalot sa katawan ko at sinuot saakin ang bathrobe niya na napakalaki halos umabot sa talampakan ko.

"Fix yourself, I'll wait you downstairs," wika niya at lumabas na ng banyo.

Napatakip ako ng mukha. Damn, ano bang ginagawa ko dito? Inayos ko ang sarili ko sa salamin at lumabas na rin ng banyo.

Lumabas sa silid niya at naglakad sa pasilyo papunta sa silid ko dito sa mansion.  Wow, I miss the feeling being here. I miss this place. Napakalawak at napakakomportable.

Napangiti ako habang nakatingin sa loob ng mansion at sa baba. Pumasok na ako sa silid ko para maghanap ng masusuot. Napakalinis, napakabango at napakaayos parin ng silid ko. Kumikinang parin ang mga gamit ko halatang inaalagaan ng husto. I miss this place. Nakangiti ako habang hinahawakan Ang mag gamit mula sa kama at salamin.

Nagbihis agad ako at inayos ang sarili bago lumabas ng silid para puntahan si Vaz.

***

It's not him last night, right? It's not him who I confessed to?

Pagbaba ko ng hagdan tumuloy na agad ako papunta sa kitchen, naabutan kong nagkakape si Vaz.

Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang isa pang cup ng kape.

"Si Paige, saan siya?" Tanong ko sakanya.

Umiling lang siya. Nakapagpalit na ito ng suot at nakaayos narin ang buhok.

Huminga ako nang malalim. Hirap huminga kapag malapit si Vaz, parang ang sikip sa pakiramdam kahit ang lawak ng lugar na to.

Tumungga ako ng kape, mabuti at di na masyadong mainit.

"You like me?" Biglang tanong niya kaya muntik ko nang masuka ang kape, nilunok ko agad at nilingon siya.

"Whaaat are you talking about?" Nauutal na tanong ko. Nagkatinginan kami. Hinilig niya ang ulo niya at tinitigan ako.

Lumakas ang tibok ng puso ko at halos hindi ako makahinga. No way!

Ngumiti siya.
"Narinig ko lahat ng sinabi mo kagabi, akala mo siguro hindi ako yong nasa harapan niyo," aniya.
Malapit ko nang nabitawan ang baso ng kape dahil sa sinabi niya.

Parang nabingi ako pero rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko.
Hindi pwedeng siya yon? No! Hindi talaga pwede. Nakakahiya!

"What?" Usal ko dahil wala akong masabi. Kinakabahan ako at nagiinit ang mukha.

"So you like me too?" Dagdag pa niya pa kaya napaiwas ako ng tingin.

"Stop teasing me, it's not funny at all," usal ko nilugay ang buhok para sakaling matakpan ang mukha ko.

"You told me you like me since you meet me, right? Ang lasing di nagsisinungaling," dagdag niya pa.

Napalunok ako.
"Paano mo nasabi, don't tell me ikaw yon," mahinang sambit ko.

"Yup, ako yung inakala mong kamukha ko. It is actually me, you confessed your feelings with, " dagdag niya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil di ako makapaniwala. Damn!
"No way!"

"I don't notice that you like me too Amber," nakangiting usal niya. Napa-ismid ako nung tinapunan siya ng tingin. Why he manage to be this handsome for heaven sake!

Teka, too? Anong too? Di kaya gusto niya rin ako o, trip niya lang na gustuhin din ako dahil sa mga sinabi ko? Isn't he hate me?
Nanginginig ako, di ko alam ang sasabihin. What to do? Help me! Why I'm being so careless! This can't be happening.

"Dapat na pansin ko agad," nakangiting wika niya at nilapag ang baso sa mesa. Tumayo siya.

Nagulat ako nung lumapit siya saakin at hinawakan ang labi ko.
Nanigas ako nung nilapit niya ang mukha niya saakin. Ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko.

"Amber, you want to kiss me, right?" Mahinang sabi niya sa mga mata ko at naginit ang ang buong katawan ko! Napaawang ang mga labi ko.

"Kiss me now I'm waiting, Amber," bulong niya. Lalong nag-init ang mukha ko at lumakas pa lalo ang kabog ng dibdib ko.

Di ako makagalaw at makapagsalita! Naparalisa na yata ako.

Nilapit niya pa ang mukha niya saakin.
"I want to kiss you too," bulong niya at napapikit ako nung hinalikan niya ako. His lips so soft and hot. Damn!

Niyakap niya ako.
"I like you too Amber,"

Loooooong silence!
What?! Nananaginip ba ako?! Is he confessing too or what......

Nagulat ako nung tumunog ang telepono. Naalimpungatan ako. Shit! Nanaginip lang pala ako? Bakit parang totoo? Bwisit na telepono to tumunog pa, sinira ang napakaganda kong panaginip!

My fantasies is crazy!

Tumunog uli ang telepono kaya napilitan akong bumangon bumaba sa kama at humakbang papunta telepono. Napansin kong nasa silid ko ako ng mansion. So Ang totoo lang sa panagip ko ay yong nasa mansion nga ako.

Napangiti pa ako nung naalala ang panaginip ko. Nabaliw na yata ako dahil sa sobrang pagkagusto ko kay Vaz o dahil sa kalasingan ko kaya kung ano ano ang napapanaginipan ko.

"Hello?" Sagot ko sa tawag habang hinihilod ang mata ko.

"Is this Amber Cane?"

"Yes speaking?"

"Hospital, calling behalf for Vaz Kaur," sagot ng nasa linya.

Nanlaki ang mga mata ko at nagising sa wakas ang diwa ko
"What? Anong nangyari kay Vaz? Saang hospital? Bakit?"

......

Why Making Me Hate You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon