•Chapter 7- Always A Hero

84 3 0
                                    

(Event Area)

I stopped right beside Vaz.
He put his hands in his pocket at palingon lingon, parang may hinahanap.

Inayos ko ang gown ko at yumuko upang ayusin din ang heels ko.

"You need help?" baling ni Vaz saakin.

"No need. I'm okay." Nahihiyang sagot ko. Masyado ko na yata siyang nagulo at inabala. Mula sa pagsundo sakin galing kina Rhyz at pag-asikaso sakin sa hotel.

I finally stood straight in the vertically and challenging high heels. Humakbang ako para hanapin si Mom nung biglang natapilok ang kaliwa kong paa dahil sa high heels. Damn!
Buti di ako na-out balance para kasing nakahanda ako at alam kong matatapipilok ako. Minsan talaga malakas ang pakiramdam ko.

Maagap akong sinalo ni Vaz. Kasabay ng pagtugtog ng isang kanta, napatingin ako sa mukha niya. Parang tumigil ang lahat, pakiramdam ko kami lang dalawa sa gitna ng nagliliwanagang mga ilaw at malamyos na musika.

I scooped in a quick breath, desperate to relieve the tightness in my chest.

"You should be careful." Nag-aalalang sambit ni Vaz. Pilit kong umayos ng tayo.

"I have to change my heels into shoes," I muttered, dropping my gaze to his hand holding mine, mga kamay na handa akong saluhin palagi.

"Wag na. Dagdag height mo din yan. Alalayan na lang kita." He murmured pulling my hands up para tumuwid ang tayo ko.

I straighten my back and forced my legs to move, mamaya baka masanay na ako sa heels na to kaya susubukan ko. Nagsusuot naman ako ng heels kaya medyo sanay ako pero ang heels nato parang ang hirap. O talagang nanghihina lang ang tuhod ko dahil kay Vaz kaya di ako makahakbang ng maayos?

‘Let me help you search for your Mom,’ inalalayan niya na ako.

Those seductively sensual hands on my hand, holding it making me safe.

My mind reeled at how vulnerable or shy I might be to be guided by him. "I can manage," I rattled out, hinatak ang kamay ko mula sa hawak niya at nagsimula ng humakbang.

Nang nabitawan niya ang kamay ko saka na uli naging maingay ang lahat sa pandinig ko. Ang aura ni Vaz ay kayang takpan lahat ng ingay at presensya ng mga tao sa hall na to.

He intercepted the move, taking my hand, turning me towards him. "Wait up. I'll guide you right? Baka natapilok ka na naman. Madulas ang sahig."

I darted an anguished look of protest at him, but only caught his shinning eyes, and suddenly my defences caved in.

"Amber relax." he murmured, stepping beside me. "Here." abot ni Vaz ng braso niya. Huminga akon ng malalim at pinulupot sa braso ko ang braso niya. Inipit niya naman agad ang kamay ko at nagsimula ng humakbang papunta sa gitna ng mga tao.

Di ko masyadong napapasin ang paligid dahil sakanya.

I can feel his heat just by this.
I was aware of weird little tremors running down my stomach fluttering with excitement.
It is like he was in control of me and I want his embrace.

He lowered his head looking at me. At ang mga mata niya na parang nangungusap, sinasabing okay lang yan, I'm here for you.

"Isn't that Amber? An adapted daughter of Kaur?" Rinig kong sabi nung nadaanan namin ni Vaz.

"Swerte naman niya, kasama niya si Vaz." Rinig ko pa ang mga bulungan ng mga babaeng nandoon at ang matatalim nilang mga titig.

Nahagip agad ng tingin ko si Holly, suot ang napakaganda at kumikinang pang night gown kakapasok lang mula sa malaking pinto. Napahigpit ang hawak ko kay Vaz.

Ang ganda niya sa panlabas pero nabubulok na ang loob niya!
"Amb, excuse me. I have to talk to some investors." Paalam ni Vaz saakin. Kaya kailangan kong bumitaw sa braso niya.

"Okay lang Vaz. I can manage." Ngiting sagot ko.

Humakbang ako papunta sa gilid sa may lamesa malapit sa fountain ng juice. Saan kaya sila ni Mom?

"Hi Amber? I know you are not happy to see me here!" Bulong ni Holly tinaasan pa ako ng kilay.

Nakalapit na pala ito. Hindi ko man lang napansin. Hirap talaga ma-detect ang mga ahas.

"Hindi ikaw pinunta ko dito kaya lumayo layo ka sakin." Bulong ko rin sakanya, pinipigilan ang sarili kong sabunutan siya.

"Ang init ng ulo mo. Wala bang nagturo sayo kung paano maging magalang at mahinhin?" Dagdag pa niya at nagcross arms pa sa harap ko. Ang kapal talaga ng mukha.

"Ikaw, wala bang nagturo sayo kung paano makuntento at di maging malandi? You go away. You are making me sick!" Pagtataray ko rin na sagot ko.

Nakita kong papalapit si Harry.
Humugot ako ng hininga.
Relax, Amber. Relax ka lang. Chill she's not worth it.

Nagulat akong binagsak ni Holly ang dala niyang pouch at umupo ito sa sahig. What the hell is she doing?

"Ouch, babe help." Sigaw niya parang uma-arteng tinulak ko!

"Anong ginawa mo Amber?" Tumatakbong lapit ni Harry alalay si Holly.

"Wala akong ginawa sakanya! Neh wala akong balak hawakan siya!" Sagot ko. Anong nangyayare kay Holly? Nasiraan na yata ng bait.

"He pushed me down Harry darling. Baka may problema siya saakin." Pagdadrama ni Holly turo ako.

Mabuti na lang nasa medyo sulok kami hindi masyadong kita ng mga taong nandoon.
Maldita. Malandi. Sinungaling pa ang babaeng to!

"Anong ginawa mo sa anak ko?" Tanong nung Mom yata ni Holly na kakalapit lang. Kasama ang Dad niya yata.

"Amber, bakit ang tagal mo? Di ba sabi ko sumunod ka?" Biglang sulpot ni Vaz, hinawakan ako.

"Vaz iho nandito ka at kasama mo pala siya?" Tanong ng Dad ni Holly na masama ang tingin sakin.

"Ofcourse, it's my Dad's event and I'm one of the investors of this hotel. And this is my sister." Sagot ni Vaz at inakbayan ako.

"Sister? Not by blood of course." Holly said rolling her eyes habang tumatayo.

"Vaz iho, come and join our family with Harry?" Anyaya ng Mom ni Holly kay Vaz.

Thanks to Vaz, sakto lang ang dating niya, dahil kapag di siya lumapit sigurado akong pagtutulungan ako ng pamilya ni Holly!

"I'm not interested with your family. How dare you insult Amber?!" Galit na bulyaw ni Vaz,  kaya nagulat ako. Lalo na sila.

"No, Vaz, how come? She's yours and Harry's sister. We dont dare bully her!?" Pilit ngiting pagsisinungaling ni Holly.

Umiling si Vaz.

"Get lost. Go home and teach your daughter how to be pure. I saw what she did." Baling ni Vaz sa parents ni Holly.

"Stop it Vaz!" Singhal ni Harry at halatang galit na ito.

"Tama na Vaz. Party ng Dad niyo to wag mo na silang pansinin." Pigil ko kay Vaz hawak ang braso niya.

Tinignan ako ng masama ni Holly at mababasa ko ang mga labi niyang nagsasabing "You'll pay for this!"

Ako pa talaga ang takutin nito? Para bang ako pa ang may kasalanan sakanya!

"Okay, tara labas na tayo." Bulong ni Vaz hila ako.

"Pero magsisimula palang ang event."

Di na umimik si Vaz at hinila na ako palabas, papunta kung saan nakapark ang maganda bago naman at mamahalin niyang kotse.

Saan naman kaya kami pupunta? Paano kung hanapin kami nina Mom at Dad niya? Magsimula pa lang ang event!

Why Making Me Hate You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon