Chapter 43- Heartless

43 2 0
                                    

(Amber POV)

"Nigel, I'm here now? Where are you?" Sigaw ng sigaw ko tawag si Nigel pagkapasok ko ng office niya.

8 pm na.

Sabi niya magdidinner daw kami sa labas. Mukhang nauna yata ako sakanya. Galing pa kasi akong bagong branch ng Reedelkin sa north.

Nahagip ng tingin ko ang isang kakaibang kulay brown na notebook, sa mesa malapit sa glass door.

Pinulot ko ito at binuksan.

=Nigel's Note=

Basa ko ng first page.

"Amber, I'm here!!" Biglang sulpot ni Nigel mula sa CR yata.

Nilingon ko siya.

"Naabutan pa kita. Hi Nigel, " ngiting bati ko sakanya.

Nagulat ako nung tumakbo ito at pinulot ang notebook na binuksan ko kanina at sinara.

Nilingon niya ako.
" You saw it?" Tanong nito yakap ang notebook niya.

"Eh? Saw what?" Nagsalpukan ang kilay kong tanong.

"You read my notes?" Ismid niya.

"Nope why?..... Wait. It's your private stuff," pero balak ko talagang basahin sana ang laman kung di niya lang ako naabutan.

Nilagay ni Nigel ang note book sa drawer at hinarap ako.

"Alright, tara na alis na tayo," wika niya at hinila na ako papunta sa labas.

Ano kayang nakasulat sa notebook na yon at parang ayaw ipabasa ni Nigel saakin ang laman nun. Tsk.

"Saan tayo?" Tanong ko.

"Sa bahay."

"Akala ko ba sa labas tayo kakain?"

"Wag na, magluluto na lang ako para matikman mo ang luto ko."

***

(Nigel's House)

Binuksan na nito ang ref at nanguha ng maluluto.

I wonder how many years had passed mula noong nagkakilala kami ni Nigel.

Noong nasa Korea kami,
minsan sa unit ko siya kumakain, minsan sa labas kami at kadalasan sa tinutuluyan niya ako nakikikain.

Kahit matagal ko nang kilala at kasama si Nigel, pakiramdam may hindi talaga siya sinasabi saakin. May tinatago siya hindi kagaya ni Paige.

"Gutom ka na ba?" Pukaw ni Nigel sa isip ko.

"Eh, nope. Hindi pa naman," ismid ko.

"Mukha kasing ang lalim ng iniisip mo," aniya at tumalikod uli, hinarap ang niluluto niya.

"Matagal na panahon narin mula nung naging magkaibigan tayo. Di ka ba nagsasawa sa pagmumukha ko?" tanong ko pulot isang apple at kinagat ito.

Tumawa siya.

"Anong klaseng tanong yan?" Patuloy parin siya sa ginagawa.

"Wala, naisip ko lang." Ismid ko.

"Ikaw, nabobored ka na ba saakin?"

"Ano ba yan, syempre hindi. May choice ba ako? Boss kita at sanay na ako sayo," wika ko kumagat uli ng apple.

Tsaka di ko rin alam kong magiging successful na model ako kung hindi si Nigel ang kumuha saakin.

"Bukas na lang tayo kakain sa labas at mamasyal." Dagdag pa niya.

Alam kong may alam si Nigel tungkol sa amin ni Vaz. Hindi ko alam kung gaano karami ang nalalaman niya pero halata namang may alam siya.

Why Making Me Hate You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon