Chapter 15- Tragedy

100 5 0
                                    

(Vaz POV)

Napayakap na lang ako kay Amber nung isang malakas na tunog ng pagputok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng mansion!
Napapikit ako!

Why Harrison?.....

"Damn! Dad!" Sigaw ni Harry. Kaya minulat ko agad ang mga mata ko para tingnan sila.

Si Dad, hawak ang isang baril na mula yata sa drawer ng mesa sa tabi niya, pinutok niya ito kay Harry dahil tinamaan si Harry sa may tiyan. Hawak hawak niya ang duguan niyang tyan.

"I'm sorry son but," usal ni Dad. Nanginginig si Dad hanggang sa nabitawan niya ang baril na hawak.

"You trash! How dare you shoot me," singhal ni Harry at sunod sunod na binaril si Dad.

Noooo Daaaad!

"Vaaaaaan!" sigaw na takbo ng Mom ni Amber papunta kay Dad at niyakap ito. Kaya pate siya tinamaan ng mga bala galing sa baril ni Hari.

"Mooooooooom!" sigaw ni Amber. Akma itong lumapit kina Dad at Auntie kaya pinigil ko ang braso niya.

What the hell? Nagulat ako nung tinutok ni Harry ang baril niya saamin ni Amber. Niyakap ko si Amber. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at parang di ko na alam ang gagawin. Nanginginig pate ang mga tuhod ko.

Nanlaki ang mga mata ko nung kinalabit ni Harry ang gatilyo ng baril niya......

Pero di ito pumutok! Wala ng bala!

Nakita kong sumuka ng dugo si Harry. Napangiti pa ito at napa-iling bago natumba.

Nanginginig ang laman ko.

Dad? Damn it! Hagulhol ni Amber ang namayani sa buong bahay. Tumakbo ito papunta sa Mom niya. Halos matunaw ako habang dahan dahang humakbang papalapit kina Harry, Dad at Auntie na nakahandusay.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa para tumawag ng tulong.

Napatingin ako kay Dad. Shit! Parang piniga ng husto ang puso ko. Oo, di kami madalas mag-usap pero alam kong mahal na mahal niya ako. Naalala ko lahat ang mga paalala niya at supporta saakin. Lagi niyang sinasabing, "Son, always take care. Always understand Harry he is your older brother."..... Dad, I'm so sorry. Tumulo na ang mga luha ko.

"Hello... is someone out there? How may I help you?" Boses sa cellphone ko.

"Hello.. please we need help, save my Father and Mother. Please hurry!" nanginginig na usal ko piga ang cellphone ko.

My Dad is lying full of blood in our living room. He loves me so much but I failed to protect him. What a useless son I am. Pinukpok ko ang dibdib ko sakaling lumuwag ang paghinga ko.

Binigo ko si Mom, si Dad, si Kuya, si Auntie at si Amber. Binigo ko silang lahat! I'm so sorry!

***

(Narrator)

Parehong dead on arrival sa hospital ang Dad ni Vaz, si Harry at ang Mom ni Amber. Si Amber at si Vaz ang naiwan at pareho silang nagulat sa sobrang bilis ng pangyayari.

Mula sa paglinis ng mansion at burol ng kapamilya nila ay sila nag-asikasong dalawa, tinulungan naman sila ng mga staff ng mga Kaur.

Ang nangyare sa pamilya nila ay tanging si Vaz at Amber lang ang nakaka-alam. Sa interview at pagiimbestiga ng mga pulis ay sinabi nilang dalawa at ng abogado nila na pinasok ng mga magnanakaw ang bahay nila. Alam ni Vaz na may makakaalam ng totoo pero iba ang nagagawa ng pera.

Lahat ng mga nag-imbestiga ay binayaran ni Vaz at nanatiling lihim nila ni Amber ang masamang kaganapan na yon sa mansion ng mga Kaur.

Hanggang sa nailibing ang mga magulang nila kasama na rin si Harry. Minana halos lahat ni Vaz ang pag-aari ng Dad niya at ang pag-aari naman ng Mom ni Amber ay naiwan sakanya. Malaking responsibilidad ang naiwan kay Vaz kasama na roon si Amber.

Ang dating pacool lang na pamumuhay niya ay naging magulo na. He once live a prince. Walang inaalalang iba, walang inaalalang negosyong malulugi o pasasahuring mga empleyado pero ngayon iba na.

Kailangan niyang ayusin at palaguin ang naiwang negosyo ng pamilya nila kung ayaw niya mawalan at malugi.

Noong una, nahirapan siya pero dugo niya ang Kaur kaya naibangon niya rin sa huli ang negosyo nila.

He was living a dream yesterday, di kailangang kumilos upang may gastusin o alalahaning may panggastos. Ngayon kailangan niya ng ibalanse ang lahat upang manatili ang dangal ng mga Kaur.

Si Amber naman, nung nakuha ang naiwan ng Mom niya ay nag-enrol at nag-aral overseas, para narin takasan ang nangyari, makalimutan at makapagmove-on mula sa trahedyang nangyari noong gabing yon.

Nagpatuloy ang buhay nilang dalawa. Si Vaz ay naging business man na habang nag-aaral, si Amber naman ay naging model at liwaliw sa ibang bansa habang nag-aaral. Nag-iba na ng husto si Amber. Ang dating sweet at mahihin na babae ay naging mapusok na at maluho.

Ang dating bata pang mag-isip na si Vaz ay naging seryoso at matipid na sa buhay habang naghihintay sa pagbabalik ni Amber sa mansion. Naghihintay parin siyang bumalik si Amber.

Sa lahat ng nangyari,
parang nagkapalit ang ugali nilang dalawa.

***

(5 years later

(Amber POV)

(9 am)

"Nandito na tayo," sambit ni Paige pagkapark ng kotse niya sa harapan ng mansion ng mga Kaur. Damn! After 5 years, I'm back again. Napabuntong hininga ako nung makita ang malaking gate. Gosh, di naman katagalan ang inilagi ko sa mansion na to noon pero grabe ang mga naranasan ko sa bahay na to.

"Wow, mukhang malaki ang nagbago ha. Ang daming nadagdag, mukha talagang di pinabayaan," puna ni Paige.

"Yeah," usal ko habang pinipiga ang kamay ko.

"May tao kaya
dyan? Seryoso ka bang dito ka uuwi?" Alanganing tanong ng kaibigan kong si Paige.

Nung nag-aral ako abroad, sumunod din siya saakin doon at ngayong nagbalik na ako sa Cordova City sumama rin siya pabalik.

"May tao naman siguro. Mukha namang may nakatira kase narenovate ng husto ang mansion," panigurado ko.

"Nagtataka lang ako, bakit ka babalik sa mansion na to eh hindi mo naman to bahay at wala na si Mom mo na dahilan kung bakit tumira ka dito?" Tanong ni Paige.

Sa tagal na nawala si Mom medyo nasanay na ako pero namimiss ko parin siya kahit tanggap ko na na wala na siya. Di ko rin masabi kung anong dahilan, pero nung nagpasya akong umuwi itong mansion agad ang naiisip ko.

"I need to be here. Alam mo naman gipit ako baka may makuha ako ditong mapakinabangan ko," sagot ko kay Paige.

"What do you mean? Magnanakaw ka dito?"

"Uy hindi ah, baka kase may naiwan pang mga gamit dito si Mom na pwedeng ebenta. Kung wala baka kukuha nga akong ng ibang gamit. Kailangan eh," kindat ko kay Paige.

"What a bitch! Anyway see you in days then. Kailangan natin pareho magpahinga since malayo ang binyahe natin. Kita nalang tayo sa susunod. Libutin natin ang Cordova City. Tingnan natin kung ano ang mga nabago at inom tayo sa latest bar dito." Sabi ni Paige.

I snap my fingers and wink at her. "Gusto ko yang mga naiisip mo. Kaya I really need money right now," Lumabas na ako sa kotse ni Paige.

"Okay then, hintayin kitang makapasok bago ako aalis,"

Humakbang na ako papunta sa gate at nagulat ako nung bumukas ito para saakin! Wow, mukhang kilala pa akong gate na to ah at mukhang hinihintay talaga akong bumalik.

"Pasok na ako. Mag-ingat ka pag-uwi at magpahinga rin," paalam ko kay Paige.

"Pasok ka na ha. See you!" Sigaw ni Paige at pinaandar na ang kotse niya.

Umalis na si Paige kaya pumasok na ako ng mansion. Napasinghap pa ako paghakbang ko papasok. Sumara ang malaking gate sa likod ko.

Naglakad na ako papunta sa mansion. Ang dating fountain na iisa sa bungad ng bahay ay naging tatlo na. Naiba na rin ang landscape ng garden at ang kulay brown na pintong narra dati ay golden na. Maraming nagbago pero parang ganon parin ang pakiramdam ko sa bahay na to 5 years ago.

After a while.
I'm back!

Why Making Me Hate You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon