Chapter 44-Guilt

46 2 0
                                    

(Vaz POV)

"Vaz, bakit di mo sinabi sa
amin ang tungkol dito ha?"
Bulyaw ni Paige pakita saakin ang mga medical results na hawak niya.

"Paige, hindi mo naman kailangang malaman ang tungkol diyan. It's not a big deal," panigurado ko sakanya.

"Anong hindi kailangan? Aalis kana pala papuntang ibang bansa para magpagamot tapos sabihin mo hindi ko kailangang malaman!" Bulyaw niya pa. "Kaya pala kakaiba ang mga kinikilos mo noon dahil may iniinda kang sakit at tiniis mo lang mag-isa at pinaabot pa sa ganito!" Nanginginig ang boses ni Paige.

"Paige relax, listen, di naman ganon ka lala ang sakit ko. Babalik lang naman agad ako. Magpapagamot at magpapagaling lang ako sandali. Please wag mo na tong sabihin Kay Ben at Tobby," usal ko at hinawakan ang kamay niya.

"HOW DARE YOU, KEEP THESE THINGS FROM US? What are we for you? You are our family Vaz! You can count on us," naiiyak na na usal ni Paige.

"Haist, like I told you. You don't have to know this dahil gagaling din naman ako. Ayaw kong magalala ka pa kayo, dapat di mo na pinakialaman ang gamit ko," ngiting usal ko.

"How dare you! How dare you?" Humihikbing usal niya halatang gigil na gigil na.

"Hush now. Don't cry babalik lang naman ako. Pansamantala lang to. Di ko rin naman kayang malayo sainyo ng matagal," kindat ko gulo ang buhok niya.

Hindi ko nga alam kung gaano kalala ang sakit ko. Nakakainis nga dahil di gumaling sa gamot.

"So, plano mo talagang aalis na lang na di magpapaalam saamin ha? Balak mo umalis mag-isa. Pwede ka naman naming samahan para may magbabantay at magaalaga sayo doon," wika ni Paige na mahinahon na sa wakas.

"Hindi naman sa ganon. Aalis ako pero magpapaalam ako sainyo about business trip, hindi mo na sana dapat malaman ang tungkol sa treatment ko. I don't want to bother you guys. No need to worry my staff will take good care of me there," dagdag ko pa at umupo na sa sofa.

"Sasama ako Vaz, please,"

"Arghh ano ka ba, it's fine kasama ko ang attorney at ibang staff ko. Hintayin mo na lang ako, babalik ako agad," panigurado ko.

"No way, gusto kong sumama."

"Hayy wag na matigas ang ulo. Babalik lang agad ako," pinilit kong ngumiti.

Hindi talaga ako sigurado kong magiging okay pa ako.
Ramdam ko talaga na mabigat ang dinadala ko, pero bakit ganon? Bakit pinapaniwala ko ang sarili kong maging okay lang ang lahat?

"Please Vaz, magpagaling ka. Please,"

Hinila ko si Paige paupo sa sofa para kumalma.

"Ofcourse, magpapagaling ako Paige para sa inyo. Gusto ko pang makita ang mga inaanak ko," I smile at her.

Alam kong hindi to madali pero hindi rin ako basta sumuko na lang agad.

***

Palabas na ako ng bahay. Nauna na akong lumabas dahil sa may meeting ako with some clients.

Papunta na rin ako sa location na binigay ni Chloe, nauna na siya roon. Kaasar talaga, aalis ako na magisa para magpagamot. Ramdam ko talagang magtatagal ako doon. I sighed bago binuhay ang makina ng sasakyan ko.

Gusto kong kasama si Amber Doo pero malabo yon. Kailangan kong magpagaling ano man ang mangyare para makabalik agad ako kay Amber. Sa ngayon kailangan ko siyang puntahan para masilayan ko man lang siya bago umalis.

***

(Amber POV)

Paglabas ko ng elevator nagulat ako sa kakapasok lang ng building na si Vaz.

Why Making Me Hate You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon