Chapter 3: Kendrick's Apology

19.4K 356 3
                                    

KENDRICK

Hindi ko alam kung tanga lang ba siya o hindi makaintindi para matulog sa labas habang umuulan ng malakas. Mayroong guestroom pero tinakot ko lang naman siya para pumasok na rin siya dahil sa dalawang araw marami ang lessons na namissed niya. Alam ko na ganito ang setup naming at sa loob ng two years ng married life namin.

Ewan ko alam naman niya ang dahilan kung bakit galit ako sa kanya, dumating siya habang nandiyan si Lyka, sana si Lyka na ang pinili ko noon pa sana hindi ako nagkakaproblema ng ganito.

Sanay na si Celine dahil magiging sweet lang ako kapag bumisita sina Mommy at Daddy o kaya kung sino man sa pamilya niya biro pa nga nila noon napaka saya nga raw ng married life namin dahil pareho kami ng gusto pero hindi nila alam ang ganitong setup. Di naman kasi siya sumasagot tuwing tinatanong siya ng Mommy niya tungkol sa amin.

Sa tuwing nandiyan sila masaya si Celine dahil sa kaunting oras kahit kunwarian lang nagiging masaya siya, pumapasok din naman sa isip ko ang mga bagay na ganito binigyan ko pa ng siya ng regalo noon kasabay ng kay Lyka.

Pumasok ako sa kwarto niya at agad kong naamoy ang lavender yung maliit na bote na binigay ko dati sa kanya ganoon din ang amoy noon. Wait? That was two years ago? Yung bote na pagkabigay ko kay Lyka nawala niya ito agad.

"Kendrick.." narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko, malambing pero alam mong may nararamdaman na masakit. Why the hell is she crying?

"I love you...." salita na naman nito uli at di naman siya nagising pero sobrang sakit ng pakiramdam niya panigurado dahil naririnig ko ang paggalaw ng katawan niya habang umiiyak. Ganito ba siya tuwing nagagalit ako sa kaniya? Na kahit sa panaginip lang magawa niya ito okay na sa kanya? Did I ever wasted that two years para saktan lang siya ng ganito?

Celine Serenity Manuel, nag-iisang anak ng mga Manuel na close sa pamilya ko. Ni hindi ko man lang nabigyan ng masayang buhay kaya bakas sa kanya ang takot tuwing makikita niya ako. Bringing a woman inside the house when my own wife is here waiting for me to love her back.

Did I seriously forgot how supportive she was back then? Did I?

Ginising ko sya dahil wala na akong choice baka mas hindi na siya makahinga kung magtutuloy- tuloy pa.

"Celine?"I tapped her shoulder.

Nagulat ito at bumalikwas bakas sa mukha nito na kagagaling lang umiyak at dahil na rin sa pagsinok nito.

I want to fix things later. Hindi na tama itong ginawa ko nitong nakaraan.

"Mag uusap tayo mamaya" sabi ko at lumabas ng kwarto pagkatapos at tinawagan ko si Arvin, ang bestfriend kong gago.

----

"Pre! Seryoso 2 years na kayong kasal ni Celine but still di kayo nagkikibuan? Hindi ka man sweet? Who does that?! " sabi ni Arvin.

Alam ko naman.

"Oo pare, hindi ko rin alam" sagot ko habang nakatingin sa alak sa harap ko.

"Grabe ang hirap ni Celine niyan dalawang taon di ka man lang nagpakita ng affection sakanya ano yun natitiis ka nya?" tanong ni Arvin.

Hindi ko alam.

"Ganun na nga siguro at recently pinatulog ko sya sa labas kahit alam kong malakas ang ulan" sabi ko.

Nakita ko ang mata ni Arvin na nanlaki. Mali ba yun?

"Damn! Pare, that's too much kawawa naman si Celine. Sino si Lyka pa rin ba?" biglang bato ng tanong uli ni Arvin.

Di ako sumagot sa tanong ni Arvin .

I'm Married to My ProfessorWhere stories live. Discover now