Chapter 49: Burnham Park

2.7K 55 1
                                    

A/N: Happy #209 rank to us!

----

Nagising sila ng maaga para mag ayos ng mga gagamitin nila sa Diplomat Hotel kaliwa't kanan ang paglalakad ng iba kanya kanyang lagay ng gamit sa bag, pagkain at kung ano ano pa.

Alas singko ng nagising si Mr. Lim at nagbukas ng cellphone, techy din kasi itong si Mr. Lim kahit na may katandaan na ito nagulat ang mga nagiimpake ng nagsalita ito.

"Kids"

Napatigil naman silang lahat sa mga ginagawa nila at sumagot si Ken.

"Yes, Dad?" Tanong nito.

"I don't think we can go to Diplomat Hotel according to this site maraming kababalaghan ang nangyayari doon ngayon kaya di muna advisable sa public na magbisita doon" sabi ni Mr. Lim

Dismayado naman ang mga mukha ng iba, kanya kanyang bulungan at kanya kanyang buntong hininga dahil nasayang lang ang kanilang pag iimpake ng maaga.

"But don't worry may pupuntahan pa rin naman tayo kaya huwag na kayong mainis diyan alam ko namang magagalit kayo pag iniurong ko ang ating lakad" sabi nito.

"Eh, Dad? Saan tayo pupunta?" Tanong ni Kendrick.

"Burnham Park" sabi nito.

"What?! Burnham Park nanaman!" Sabi ni Zeke at binatukan ito ni Thunder.

"Burnham Park oo at overnight tayo doon nakausap ko na ang Tito Eric ninyo at siya na bahala sa parkingan natin" sabi ni Mr. Lim.

"Oh yes! Overnight naman pala okay lang, the best ka talaga Tito Benj!" Sigaw naman ni Zeke at tumawa lang si Mr. Lim.

Hindi na nila tinanggal ang mga gamit na naimpake nila dahil mas marami pa silang idadagdag mag cacamping kasi sila sa Burnham Park at doon masusubukan ang tapang nina Kendrick at Thunder.

Lingid sa kaalaman nilang lahat planado iyon.

"Papa, huwag nalang kaya sa Diplomat Hotel balita ko di pa advisable pumunta doon"

"Eh saan tayo hija?"

"Tito Benjo, sa Burnham Park tayo tapos overnight marami namang tao dun kapag gabi"

"Ano bang balak ninyo?" natatawang sabi ni Mr. Lim.

"Alam mo kasi Papa itong si Ken at Thunder malaki ang takot sa dilim lalo na sa horror kaya gusto namin na matest kung hanggang ngayon ba e matatakutin pa rin sila" sabi ni Celine.

"Osige ako na bahala bukas"

Planado nina Celine at Daniella para sa dalawa.

"Eh Pa? Bakit overnight pa?" Tanong ni Ken na halatang nanginginig sa takot.

"Bakit ba? Naduduwag ka ba?" Tanong ni Mr. Lim.

"Wow! Ako pa? Hindi ah osige! Tara na!" Sigaw ni Ken.

Ganoon din ang itsura ni Thunder na parang hindi maipinta ang mukha samantalang si Eros, Arvin, Cosette, Zeke, Ardee, Yura at ang dalawang batang si Sarang at Ilayda ay tahimik lang na masaya.

Si Daniella naman palihim na nangingiti kay Celine dahil alam nilang halos mawalan na ng hangin ang mga asawa nila sa nalaman nila.

Ilang sandali pa ay gumising na rin si Mrs. Lim at dali dali rin itong nagimpake.

Alas otso ng umaga ng magsimula silang magbaybay sa daan animo'y mga asong nabasa ang dalawang magkaibigan kulang nalang buhusan ng malamig na tubig sa sobrang di mapakali habang nasa loob ng van.

I'm Married to My Professorحيث تعيش القصص. اكتشف الآن